AVA Habang nag-aabang ng masasakyan pauwi hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Kara. Kahit baliw iyon minsan may laman din ang mga payo niya sa akin. Kaso nga lang mas sinusunod ko ang puso ko. Hindi ko naman kasi kayang iwasan si Jaxson lalo pa kapag tinitingnan niya ako. Nagulat ako nang may humintong sasakyan. Hindi ako nakakilos nang lumapit sa akin ang taong kanina ko pa iniisip. Nakangiti siya. Mukhang haggard ang mukha, pero hindi pa rin kumukupas ang kanyang kaguwapuhan kahit mukhang pagod. “Ihahatid na kita,” sabi ni Jaxson. Akmang kukunin niya ang dala kong libro ng iiwas ko ang kamay ko. “Huwag na, magpahinga ka na lang at mukhang pagod ka na. Saka ma-traffic papunta sa bahay namin at baka matatagalan tayo sa daan,” sabi ko para hindi na siya magpumilit. Nangunot ang

