JAXSON Pagkatapos ng klase ko ay pumunta ako sa opisina ni Daddy. Ngayon ang araw ng orientation ko. Ako ang pumalit sa position ni Mommy as a COO. Bukod sa company ni Daddy, si Mommy ay nagmamay-ari ng bookstore. Minana nito sa lola at lolo niya. Ako na rin ang hahawak niyon dahil wala namang magpapatakbo niyon kundi ako na nag-iisang anak. As of now, kailangan ko pang matutunan ang pagpapatakbo ng isang kompanya. Mahirap sa akin dahil wala akong alam sa isang business. Ang alam ko lang ay magbulakbol at manglustay ng pera ng magulang ko. I wore my formal suit. I really hate this kind of clothes. Puwede naman sigurong rugged ang isuot ko? As long as I am performing na ginagawa ko ang trabaho ko, wala naman sigurong masama? “Good afternoon, Dad.” Bati ko sa Daddy ko na abala na naman

