AVA Tanghalian na ngunit nandito pa rin ako sa office. Hindi na ako nakasama kay Rael. Hindi pa rin ako maka get-over sa nangyari kanina. Muntikan na kami. Pinikit ko ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng trauma sa pagsakay ng sasakyan ni Jaxson. Nagulat ako nang may nagbaba ng paper bag sa harapan ko. Napatingala ko. It’s Rael. Nakangiti siya. Naamoy ko ang amoy ng mabangong aroma na nanggagaling sa paper bag. Mas lalo akong nagutom sa amoy. “Dinalhan kita ng food mo. Mukhang marami ang ginagawa mo kaya pati lunch break hindi mo na nagawa. Puwede bang dito na rin ako kumain?” Paghingi niya ng permiso. Tumango ako. “Nakakahiya naman binigyan mo pa ako ng pagkain. Meron naman akong baong tinapay,” sabi ko. “Come on Ava, hindi ka dapat nagpapalipas

