JAXSON Palabas na kami ng restaurant nagpapakiramdaman lang kaming tatlo. Parang may nakaharang sa pagitan namin. “By the way thank you dahil nakasama ko kayo sa dinner.” Pasasalamat ko kahit labag sa loob kong sabihin iyon. Gusto kong sipain palayo sa paningin ko ang lalaki. “It’s our pleasure na makasabay ka po namin sa dinner,” sabi ng lalaki at ngumiti sa akin. “By the way what is your name?” Tanong ko sa lalaki. “I am Rael, Sir,” sabi ng lalaki. Napatango ako. Paalis na sila nang habulin ko. “Ako na ang maghahatid kay Ms. Ava may sasabihin lang ako sa kanya tungkol sa gagawin namin bukas.” “Ganoon po ba Sir. Okay po.” Paalam niya sa akin. Walang nagawa ang lalaki kundi pumayag. Tinango ko lang ang ulo ko. “Ava, mauuna na ako. Magkita na lang tayo bukas.” Paalam ng lalaki kay

