EPISODE 56

1516 Words

AVA Naalimpungatan ako at napatingin sa unahang bahagi ng sasakyan. Nagtaka ako nang makitang nakatigil ang sasakyan namin. Nandito na ba kami? “Kuya bakit po tayo huminto?” Tanong ko. Naalimpungatan na rin ang asawa ng kuya ni Kara. “Ano’ng nangyari?” Tanong ni ate. “Na-flat ang gulong ng sasakyan,” anunsiyo ni kuya Joel. “May dala ka bang gulong diyan?” Tanong ni ate sa asawa. “Meron namang dala kaso wala tayong gamit pang-alis ng gulong. Nakalimutan kong dalhin dahil nasa bodega.” Napakamot ng ulo si kuya Joel. “Ano’ng gagawin natin ngayon, maghihintay ng umaga? Delikado pa naman dito dahil mukhang walang bahayan. Ang dilim pa ng parte na ito ng kalsada,” sabi ni ate na mukhang natatakot. Napatingin ako sa paligid. Sobrang dilim, ni walang ilaw na makikita maliban sa head l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD