JAXSON “Cuerva may bisita ka!” narinig kong sabi ng jail guard. Napatingin ako sa labas nang makita ko ang jail guard at binuksan ang selda. Pagkapasok sa loob ng selda ko ay pinusasan niya ako. Tumayo ako sa kainuupuan kong kama at sumunod sa jail guard. Napansin ko ang isa pang jail guard na sumunod. “Sino ang bisita ko?” tanong ko sa jail guard habang naglalakad kami. Tiningnan niya ako. “Tatay mo at may isa siyang kasama,” sagot niya. Kailangan kong makausap si Daddy. Kailangang mahanap ni Daddy si Ava sa madaling panahon. Nag-aalala ako sa kaligtasan niya. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nasisigurong maayos siya. Nang makalapit ako sa kinauupuan ni Daddy, namukhaan ko ang kasama niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Iyon agad ang naging bungad na tanong ko sa taong kasama

