JAXSON Pagkalabas ng ospital hindi ko na nakita si Ava. As much as I wanted to see her mas mabuting hindi muna. Masyadong magulo ang sitwasyon sa ngayon, lalo may balak siyang kasuhan ako at si Candy. “Welcome home, anak.” Dad approached me. He hugged me, which I welcomed. I wrapped my arms around him. “Thanks Dad.” Pasasalamat ko. “Pinagluto ka ni Manang ng mga paborito mong ulam. I’m sure you would like it.” Nakangiting sabi niya. “Maybe later Dad. I want to rest for now,” sabi ko. “Okay.” He tapped my shoulder. Naglakad ako patungo sa silid ko. Kahit okay ang pakiramdam ko ay parang wala ako sa mood. Gusto kong magkulong sa silid. Nanatiling nakamulat ang mata ko habang nakatitig sa larawan ni Ava na nasa cellphone ko. Ito na lang ang kaya kong gawin. Nangako ako sa sarili na

