AVA Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Ang daming gumugulo sa isipan ko. “Buntis ka? Sino ang ama?” Biglang tanong ni Kara. Napayuko ako. “Si Jaxson.” Sagot ko habang nakayuko. Rinig ko ang malalim na buntonghininga niya. Napaangat ako ng tingin. “Sasabihin mo ba ito kay Jaxson?” Umiling ako. “Hindi ko sasabihin sa kanya ang kalagayan ko. Tuloy pa rin ang kaso ko kahit buntis ako. Kailangan magkaroon ng katarungan ang pagkamatay ng Nanay at mga kapatid ko.” Nangilid ang luha ko. Hinawakan niya ang kamay ko. “Paano iyan kung makulong si Jaxson hindi niya makikita ang anak niyo tapos hindi niya pa alam. Hindi ba kalabisan iyon para sa kanya? Hindi dapat nadadamay ang anak niyo rito.” Parang waterfalls ang luha ko. Walang patid ang pagpatak. “Walang kinalaman ang anak ko rito

