bc

Spoiled Brat

book_age18+
1.1K
FOLLOW
14.0K
READ
billionaire
forbidden
HE
independent
bxg
kicking
city
like
intro-logo
Blurb

[STAND ALONE - Novel]

Aurora Tan was always used to getting her way, believing that money could buy whatever she desired. She was spoiled, never thinking twice about anything. However, life took a drastic turn when her mother passed away in a tragic car accident. This event left an impact on Aurora, although it may have taken years for her to realize this.

Her father soon remarried, but Aurora could not accept her step-mother and resented her. She stopped focusing on her studies, falling into the wrong crowd and turning into a rebel. Her actions were unacceptable, including drinking alcohol and engaging in reckless behaviour. Her father grew frustrated with her behaviour and tried to correct it.

But one day, her step-brother decided enough was enough, and decided to teach her a lesson. This brought her anger to a sudden halt, but it was not until then that she realized she had romantic feelings for her step-brother.

chap-preview
Free preview
Simula
"Au, tawag ka ng Kuya Royce mo." "He's not my brother!" Asik ko sa kaibigan kong si Carol. "Ipakilala mo naman ako sa napaka-gwapo mong step-brother. Ang gwapo talaga ni Royce, no?" Tila kinikilig pang turan ni Carol. Inis ko itong tinapunan nang tingin. "Ikaw talaga ang taray mo kahit kailan," ani Carol sa akin. "I need to go, Carol. Huwag na 'wag mo akong isusumbong, do you understand?" Banta ko rito. "As if naman na hindi malalaman ng daddy mo?" "Sabagay, lalo na kung si ma'am na ang magsumbong," saad ko. "Kaya, maghanda ka na sa sermon ng daddy mo. Ewan ko na lang talaga sa'yo, Aurora." Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga. Saka tuluyang nagpaalam sa kaibigan. "Aurora, let's go!" Narinig kong tawag ni Royce sa aking pangalan. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ilang mga kababaihan na kinikilig kapag nakikita ito, o 'di kaya'y dumadaan sa mismong harapan ng mga ito. Gano'n din ang ilang mga classmates kong mga babae. Palibhasa'y sikat na varsity player. Hindi lang iyon, matalino rin ito. And he was also named Philippines's Player of the Year twice, which is recognized as the top player of the country. Inis na dinampot ko ang sariling bag at sumunod dito. As usual, nag-cutting classes na naman ako. I am in Senior High - Grade XI. Maaga akong naulila sa sariling ina, dahil sa aksidenteng binangga ang kotse nito sa isang malaking truck. Palibhasa'y lasing ang driver ng naturang truck. Masakit pa rin sa akin ang pangyayaring iyon. Lalo na sa tuwing naalala ko. "Kailan ka ba titino, Aurora?" "Hangga't mawala kayo sa buhay naming mag-ama," inis kong sagot dito. Tinutukoy ko silang mag-ina. Narinig ko na lamang ang marahas nitong hininga. Kasalukuyang nag-aral ang aking step-brother ng kursong (BA) Bachelor of Arts in Organizational Leadership or an advanced degree like a (MBA) Master of Business Administration. Matanda ito sa akin ng apat na taon. Third year college. Hindi lingid sa akin na mahal ng aking ama ang aking step-brother. Pagkatapos nito ng college, balak daw nitong umalis sa ibang bansa. Pabor sa akin. Umaasa akong hindi na ito babalik pa. Pumasok na ako sa kotse. As usual, nasa back seat ako. Ang step-brother ko ang siyang nasa driver seat. Hindi kami magka-sundo nito at walang-araw na hindi ako mataray dito. "How's your school, Aurora?" Basag nito sa mahabang katahimikan. "As if you care, playing a role like being a real brother to me? You're disgusting!" Asik ko rito. Pagdakay, ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Muli, narinig ang malalim nitong buntong-hininga. Habang nakamasid sa mga nadaanan naming mga lugar, hindi ko napigilan ang labis na kalungkutan. Palibhasa'y naalala ko ang aking mommy sa mga lugar na iyon. Naikuyom ko ang aking mga kamao. Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang mansion. Pumasok agad ang kulay itim na Bugatti ni Royce sa malawak naming garage. Nauna na akong bumaba mula sa kotse. Pumasok ako sa loob ng mansion. Sinalubong agad ako ni Yaya Ising. "Hija, ano na namang ginawa at bakit ang init ng ulo ng daddy mo?" "Cutting-classes," simpleng sagot ko rito. "Pero bakit mo ginawa iyon?" Bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng aking Yaya Ising. "Dahil iyon ang gusto ko, yaya." "Aurora!" Narinig ko ang malakas na tinig ng aking ama dahilan para mapalingon ako rito. Pero ang tingin ko ay nasa babaeng kasama nito. Walang iba kundi si Rosalie, ang aking step-mom. "Arnold, hayaan mo na lang akong kausapin si Aurora," pakiusap ni Rosalie sa aking ama. Pero pinukol ko lang ito ng nakamamatay na tingin. Pero hindi man lang ito natinag at mas lalo itong naging pursigido na kausapin ako. Hindi maipagkakailang galit na galit ang aking ama sa aking ginawa. Lihim na nagdiwang ang aking puso. Kasalanan nito kung bakit naging bulakbol ako sa aking pag-aaral. Sigurado akong tinawagan ito ng aking guro. Nang mag-tama ang aming paningin ni Royce napansin ko ang matinding pagpipigil nito. Well, they should need to face all the consequences. Sila ang sampid sa pamamahay na ito, kaya matuto silang lumugar. Inis na naglakad ako at pumanhik sa grand staircase ng aming mansion. Dama kong nakasunod sa akin si Rosalie. Nairita ako sa pa-bidang babaeng ito. Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang pag-tawag ni Royce rito. "Let her be, she's a rebel brat!" "Shut up, Royce!" Inis na sagot ni Rosalie sa anak nito. Nang marating ko ang aking kwarto, binuksan ko iyon, pagkatapos ay pabalang na isinara. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa aking mga labi. At saka naman binalot ng matinding kalungkutan ang aking puso nang maalala na muli si mommy. Muli, tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Palibhasa'y napako ang tingin ko sa aking bedside table kung nasaan ang frame na magkasama kami nito. "Aurora, please dear..." Ang malumanay na tinig mula sa intercom ang aking narinig. Si Rosalie, my step-mom. "I want to talk to you, please...?" "Leave me alone, slūt!" Sigaw kong sagot dito. Narinig ko pa ang malakas nitong pagsinghap. Siguro ay nagulat ito. Sumalampak ako sa malambot kong kama at pumikit. Hilam sa luha ang aking mga mata. I miss my mom. Hanggang sa nakatulugan ko ang pagluha. Makalipas ang ilang oras, nagising ako sa mahinang paghaplos nang kung sino sa aking kabilang pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Si Yaya Ising na nakangiting nakatunghay sa akin. "Nakatulugan mo na ang pagluha, hija." Sumilay ang pait sa aking mga labi. "I'm starving, yaya." "Sandali lang at ipagkukuha kita ng pagkain," sagot nito sa akin. Tumayo ito mula sa aking kama at lumabas ng aking kwarto. Ngunit nagulat ako nang biglang pumasok si Royce sa sarili kong kwarto. Madilim ang anyo nito. Aaminin kong nakaramdam ako ng matinding kaba at takot, pero hindi ako tanga para ipakita iyon dito. "Who gave you permission to just enter my room?" inis kong tanong dito. Awtomatikong bumalikwas ako ng bangon mula sa aking malambot na kama. "How dare you calling my mom a slūt?" Mahina pero may diing tanong nito sa akin. "Oh, nagsumbong pala sa'yo ang ina m—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang marahas ako nitong hawakan sa kabilang braso. Napangiwi ako sa sakit. "Say it again, and you will regret it, brat!" Bulong nito sa aking punong-tenga. Nagulat ako sa kakaibang pakiramdam na lumukob sa akin. Amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga na tila ba nagbigay kiliti sa akin. Ano 'yon? Pero agad din akong nakahuma. "Hindi ako natatakot," matapang kong sagot dito. "Then, as your brother. You're grounded today and tomorrow," sarkastikong saad nito at marahas nitong binitiwan ang aking braso. "No!" Sigaw ko. Sumunod ako rito pero huli na dahil isinara na nito ang pinto ng aking kwarto. "Open it! Daddy.....help me....Bullshìt!" Inis kong sigaw sabay sipa ng sariling pinto. Mas lalo akong nagwala sa galit at inis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook