"LUMALABAN ang mommy mo," sagot ni Royce sa akin. Parang dinudurog ang aking puso nang marinig ang kalagayan ni Mommy Aliyah. "May alam ka ba kung bakit inilihim ni Dad sa akin ang kalagayan ni mommy?" seryosong tanong ko rito. Napansin ko ang pag-igting ng mga panga ni Royce. "Wala akong alam, pero kasalukuyang inaalam ko pa." "Kung magkapatid tayo, paano ako napunta kay Mommy Aliyah? Sigurado ba talagang magkapatid tayo, Royce?" "Oo, dahil may pruweba si mommy at nag-match ang DNA test natin," diretsang sagot ni Royce sa akin. Hayan na naman ang pamilyar na panghihina ko. Saka ako nagpasyang umibis mula sa kotse nito. Nang kapwa na kami umibis ay sinalubong kami ng seryosong mukha nina Dad at Rosalie. Pero ang mas ikinagimbal ko ay ang galit na awra ni Dad na ngayo'y inis na lumapi

