“Hinuhubaran ko.” Pagkarinig ko noon, pakiramdam ko ay nagsitindigan ang balahibo ko.
Am I really dealing with his devil side right now?
Tiningnan ko siya nang deretso sa mga mata. “You’re unbelievable.”
Tumaas ang gilid ng labi niya. Hindi siya lumalayo. Patuloy ang malakas na t***k ng puso ko.
“And you’re so damn crazy. Tell me… aren’t you scared of me?” mahinang tanong niya.
I cleared my throat. “Why would I?” matapang kong sagot.
“You want me to undress you right now, right here?” ngising tanong niya.
I can’t believe he has this side!
“Suit yourself,” hamon ko.
Humalakhak siya sa sinabi ko, tila may nakakaaliw. Napatingin lang ako sa kanya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang tumawa.
“I’m starting to like you, Miles Roque. Ibang klase ka,” napapailing niyang saad.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto. Napakagat-labi ako. Tumingin siya sa labi ko, tila may iniisip. Nagseryoso na rin siya.
“Talagang iba ako. I’m extraordinary, Kean. And I like you, a lot.” Iginalaw-galaw niya ang ulo, parang pinag-aaralan ang mukha ko.
“Do you know what I’m thinking right now?” napapaos tanong niya. “I want to kiss you… but you’re not mine.”
Para bang may bumarang sa lalamunan ko. What the hell? He wants to kiss me?!
“T-Then claim m-me,” trembling ang boses ko.
Umiling siya at natawa. Ibinaba niya ang kamay sa mukha ko, hinawakan ang gilid ng labi ko. He’s teasing me!
“You’re not my girl,” giit niya.
Bumuga ako ng hangin bago sumagot. “Then… I am willing to be your girl,” mariing saad ko.
Mangha siyang tumingin sa akin. “You like me that much, huh?”
“Of course. I won’t deny it. I already told you.” Pakiramdam ko ay nahihibang na ako, pero wala akong pakealam. This is my most-awaited moment. Susulitin ko na ‘to.
“Hmm. Let’s make a deal,” he mumbled.
Umarko ang kilay ko. “What deal?”
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Kaunting distansya na lang at maghahalikan na kami. Kaagad siyang bumulong sa tainga ko.
“You’ll be my girl… temporarily. Lahat ng gagawin ko, susundin mo. We’ll do boyfriend-and-girlfriend things. Sasamahan mo ako sa lahat ng lakad ko: family gatherings, events, parties. But… there’s a limitation. No feelings attached. Remember, it’s just temporary. If I don’t want to continue, we’ll stop. Separate ways. Back to normal life. Deal?”
Kumabog ang puso ko. His deal is tempting. Hindi mahirap gawin. But… temporary. Painful. Pabor din naman sa akin. Dream come true. Hindi mahirap paibigin siya. Not bad.
Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Deal.”
Pagkatapos kong sabihin iyon, hindi na siya nagdalawang-isip. Kaagad niyang sinalakay ang labi ko. He’s kissing me wildly. His tongue licked mine. Napa-ungol lang ako. Nanlalambot na rin ang tuhod ko. His kisses drive me crazy. Nakaka-darang. Muntik akong mawalan ng balanse, pero mabilis siyang humawak sa beywang ko. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya.
He’s a good kisser. Kahit first kiss ko siya, masasabi kong siya ang pinakamahusay. I can’t believe he’s this wild.
Nang tumigil siya sa halik, pareho kaming habol ang hininga. Twinkling ang eyes niya. Napakagat-labi pa siya sabay iling.
“I didn’t know that kissing you was this wonderful.” Pinamulahan ako. Noon lang ako nakaramdam ng hiya. I still feel his lips touching mine.
It was one hell of an experience. Kissing the man of my dreams.
“S-So… i-is this the start?” tanong ko.
“Yes. But it doesn’t mean I already forgive you for what you’ve done. I still need to punish you.”
Napa-nguso ako. Akala ko tapos na iyon at kasama na sa deal niya.
“Stop pouting,” saway niya. Natikom ko ang bibig ko. Napakagat-labi ako.
“And don’t bite your lips too,” dagdag niya. Wala akong nagawa kundi inayos ang sarili ko.
Matapos iyon, katahimikan ang bumalot sa amin. Wala akong mahagilap na salita. Nagwawala na ang mga paru-paro sa tiyan ko.
Biglang malakas na katok. Nang lingunin ko, si Ariesa iyon.
“Miles! Buhay ka pa ba riyan? Tatawag na ba ako ng pulis?” sunod-sunod ang tanong niya.
“Hoy, gago. Buksan mo na nga ‘to!” singhal niyang muli. Nakita ko ring sumilip si Marcus sa bintana, may ngisi animo’y alam ang ginawa namin.
“Tapos ka na ba, bro?” tanong nito kay Kean.
Marahang tumango siya. Nilapitan ako, inangat ang kamay, dumampi sa labi ko. “Kumalat ‘yong lipstick mo. Pati buhok mo, medyo nagulo. Fix yourself first, bago ka pa makita ng kaibigan mo.”
Tumango ako sunod-sunod. Humakbang siya paatras para ayusin ko sarili ko. Nang marinig ko ang bagbukas ng pinto, napa-tuwid ako g tayo.
Kaagad akong pinuntahan ni Ariesa. Mapanghusgang tinging iginawad niya.
“Anong ginawa mo sa kaibigan ko ha?” pang-uusig na tanong niya.
“I just talked to her,” walang-ganang sagot ni Kean. Pinaningkitan siya ni Ariesa, sabay inspeksiyon sa akin. Mula sa mata, kamay, mukha at katawan. Animo’y naghahanap ng ebidensya.
“Totoo ba ‘yon, Miles?” Tumango ako.
Ngumisi si Kean. “See? I didn’t even touch her.” Halos mabulunan ako sa sariling laway.
Really, Kean? Liar! You almost… whatever.
Humakbang na siya papalabas. Nakipag-high five pa siya kay Marcus, natawa ang huli. Bago tuluyang makalabas, binalingan niya ulit ako.
“I’ll fetch you later. Don’t go anywhere. Just wait here, am I clear?” Tango lang ang sagot ko. Tuluyan na siyang lumabas.
Nagtaka si Ariesa, animo’y hindi makapaniwala.
“Susunduin na rin kita mamaya, baby. We’ll do it again, later,” ani Marcus, sabay wink.
Halos magwala si Ariesa. “Asa kang gago ka! Lumayas ka sa harapan ko bago madilim ang paningin ko!”
Tatawa-tawa si Marcus habang napapailing. “Damn, kinikilig ako.” At iyon na lang, lumabas na siya.
Nagkatinginan kami ni Ariesa.
“Tell me what happened, Miles,” sabi niya.
“Sabihin mo rin sa akin ang nangyari sa inyo,” patuyang sagot ko.
“There’s nothing happened between us! ‘Yong sa inyo ang mas importante! Bakit nagkagano’n ang isa pang gago? Is there something you want to tell me?” Natawa ako sa mukha niya.
Sa huli, ikinuwento ko sa kanya ang deal namin. After hearing it, naging hysterical siya. Mas grabe pa kaysa sa akin.
“What the f**k! Are you kidding me?”
“No, I’m not,” sagot ko.
“And you agreed? Are you really out of your mind?”
“Yes.”
“Holy cow, Miles! You’re… unbelievable!”
“Don’t worry, Ries. I can handle it. I’ll make him fall for me bago pa niya maisipang kumawala. I’ll do my best. Ang deal na iyon ang daan para makuha ko ang puso niya,” determinadong sabi ko.
Get ready, Kean. You’ll end up mine.