Prologue
It was the middle of our discussion when someone suddenly interrupted the class. I was busy daydreaming again about my long-time crush. Well, he’s my one and only crush after all.
"The Dean wants to talk to you, Ma'am. She said it's urgent."
Halos manlamig ako nang marinig ko ang baritonong boses na iyon. Para akong nagising nang biglaan; automatic na nag-activate ang hormones ko. Ganito talaga kapag nasa malapit ko lang siya.
Dahan-dahan kong iniangat ang mukha ko, and there he was. My heart pounded faster the moment my eyes landed on the man of my dreams.
Shit.
He’s here.
Kean Jake Buenaventura is actually here.
Para akong mauubusan ng hangin. Pakiramdam ko’y gusto nang kumawala ng puso ko mula sa rib cage ko. Nabalik lang ako sa wisyo nang tapikin ako ni Ariesa.
"Stop drooling at him, Miles," she whispered.
"Why does he always look so hot, Ries?" kinikilig na bulong ko.
"Tigilan mo nga. I swear may tama ka sa ulo. Gumising ka sa panaginip mo. Ano bang nagustuhan mo riyan sa tuod na 'yan?"
"Hoy, hindi siya tuod! He’s a masterpiece of God. His body, his face, his height, his lips—hello? Ano pang hahanapin mo?"
“Crazy,” she muttered.
Pero hindi ko na pinansin. I couldn’t tear my eyes away from him. He was still talking to our professor, while a few girls nearby giggled like high schoolers. Napa-init tuloy ang ulo ko. They have no right to fantasize about him. Akin lang kaya siya!
Then he said, “I gotta go, Ma’am,” before leaving.
No. No way. My Kean, don’t leave me…
Gusto ko sanang isigaw pero hindi naman pwede. At kahit man lang tumingin sa direction ko, hindi niya ginawa.
Yeah, why would he? He doesn’t know me. He doesn’t even see me. In his world, I am nothing.
Napakasuplado niya. Hindi namamansin ng kahit sino, except his friends. Pero kahit ganoon, hindi nawala ang paghanga ko sa kanya.
Nagpaalam si Ma’am kaya maagang natapos ang klase. Siyempre, tuwang-tuwa kaming lahat. Vacant time!
Humarap ako kay Ariesa, may ngiting puno ng kabulastugan. I had a plan. If I want Kean to finally notice me, I need to do something. Hindi ako pwedeng manatiling estranghero sa paningin niya. I’m done admiring him from afar. I don’t want to hide myself anymore. Walang saysay ang pagpapadala ko ng love letters dahil ang dami kong ka-kompetensya. I need to think out of the box and make him notice me.
Later on, natagpuan ko na lang ang sarili kong umaaligid sa varsity shower room.
According to my “sources,” Kean is done playing basketball and is currently taking a shower alone. This is not the right place, I know. Pero ang hirap niya kasing ma-timing-an na mag-isa.
I already practiced so many lines on how to confess, but I still felt nervous. Tahimik sa loob nang makapasok ako. Tanging lagaslas lang ng tubig mula sa shower ang naririnig ko. Lumapit ako sa isa sa mga upuang nandoon at naupo. I will wait for him until he finishes showering. Pero nakuha ang atensyon ko nang mapansin ko ang mga gamit niya sa ibabaw ng mesa malapit sa akin. I got curious, so I stood up and went there. Maliban sa wallet at susi, may isang itim na Calvin Klein na nakalagay doon. Maybe he forgot this when he went inside? Sa sobrang kuryoso ko ay iniangat ko iyon, tinitigan nang mabuti, at bahagyang napangiti.
Nakarinig ako ng kalabog kaya nataranta ako. Para bang biglang nag-backfire sa akin ang plano ko at sa sobrang kaba ay napatakbo na lang ako paalis, natataranta. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas, nadapa pa ako.
Walanghiya! Kailangan kong makaalis bago may makakita sa akin.
I was almost out when I heard someone roar inside.
“Who the f**k stole my boxer shorts?!”
Doon ko lang napagtanto ang bagay na hawak ko. Hindi ko na napansin na nadala ko ito sa sobrang taranta! Gustuhin ko mang ibalik ay baka lalo lang akong mahuli… or worse, iba ang maisip niya! Gumilid ako sa isang bakanteng room at napahawak na lang sa dibdib ko, hawak pa rin ang boxer shorts niya. Kumunot ang noo ko nang may mapansin. Kinapa ko ang dibdib ko at napagtantong tanging lace na lang ang natira.
Nawawala ang ID ko!
And then it hit me.
I dropped my ID inside.
Shit.
Fuck.
I’m doomed.