Gusto ko na talagang mapamura sa ginagawa ko ngayon. I am literally doomed. Mabilis akong naglakad paalis habng pilit itinatago ang sarili. Kung hindi ba naman kasi ako tanga. Ngayon, nagkaroon pa ako ng malaking problema. Malamang ay nakita niya na ang ID ko at iisipin niyang ako ang nagnakaw ng boxer niya. Wala namang ibang tao roon maliban sa akin at talagang nakaiwan pa ako ng ebidensya!
What now? What am I supposed to do?
Magtatago siyempre! Hindi ko naman kayang humarap sa kaniya, ano!
Sana lang hindi kumalat ang ginawa ko. Yes, I want Kean’s attention, but not the kind that would humiliate me sa buong Northville. Sa dinami-dami ng pwedeng mangyari, iyon pa talaga. Masyado kasi akong clumsy!
Habang palinga-linga ako, bigla akong may nabangga.
“s**t!” sigaw ng lalaki.
“Hala, pasensiya na po!” sabi ko agad. Maglalakad na sana ako ulit nang hawakan niya ang braso ko.
“Wait— you seem familiar,” he said.
Nanlaki ang mata ko nang makilala ko siya. Marcus Demetricov. Kean’s bestfriend.
Fuck.
“Uh… baka hindi ako ‘yon. Sige po, I have to go—”
“Oh geez! Kean’s girl!” sigaw niya.
“H-Ha?”
“You’re the girl he’s looking for. The one who dropped her ID. And of course… the culprit behind his missing boxer.” Ngumiti pa ang demonyitong ‘to.
“Marami akong kamukha. Paranoid ka lang.”
Ang bilis namang kumalat ng balita! Kakalabas ko nga lang sa shower room. Talagang patay ako nito!
“Bro, I found the girl. Yes, she’s right in front of me and—”
Shit.
Hindi ko na hinintay ang kasunod. Kumalampag ang t***k ng puso ko habang tumatakbo ako. Wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao. I need to escape! Marcus is trouble.
Halos mawalan ako ng hininga kaya huminto ako saglit. Nagulat pa ako nang makita ko na nasa tapat na ako ng classroom namin.
“Miles!” tawag ni Ariesa.
Pumasok ako agad, bagsak ang balikat, tapos nilapag ang bag ko.
“Talk,” she demanded. “Anong nangyari?”
“Give me five minutes to breathe,” sabi ko. Mabuti na lang at pinagbigyan niya ako.
Pagkatapos kong huminga nang malalim, binuksan ko ang bag ko at pinakita sa kanya ang laman. Nanlaki mata niya.
“What the f**k is that?”
“I didn’t do it on purpose, I swear! Nataranta lang talaga ako at hindi namalayang nadala ko!” depensa ko sa sarili ko.
Kumunot naman ang noo niya, animo’y hindi pa rin naiintindihan ang nangyari. Pero hindi kalaunan, unti-unti rin niyang napagtanto ang nangyari.
“Is it Kean’s underwear?” gulantang niyang tanong, hindi makapaniwala.
Kagat-labi naman akong tumango.
Binigyan niya lang ako ng napaka judgmental na tingin, na para bang sinasabi niya na siraulo ako. Kahit ako naman, ganoon din ang iisipin ko sa mga nangyari, e.
“And something happened. Naiwan ko ang ID ko. Nadapa ako, ‘di ko napansin. Now he’s hunting me. I’m dead, Ries. Dead!”
“Hindi ba ‘yan naman talaga ang gusto mo? Napansin ka na niya ngayon! Ano bang problema mo?” pangaasar niya.
“Pero hindi ganitong pagkaka-notice! His bestfriend saw me! At sabi niya, once na mahuli ako ni Kean, dead meat daw ako.”
Binatukan niya ako.
“I told you! Na tigilan na ang pagkahibang mo riyan sa lalaking iyan. Now, what? You’re insane.”
Napatingin ako sa kawawang boxer shorts.
She groaned. “Hindi ka lang pala baliw, e. Hopeless kana rin. Bakit ka ba patay na patay sa gagong ‘yon?”
“He’s not gago,” sagot ko.
“Gago siya. Baliw ka. Bagay kayo.”
Unti-unti nang pumapasok ang classmates namin, pero hindi ko pa rin maiwasang mapangiti habang hawak ang boxer shorts.
“Sana kumalma muna ang amo mo. Hindi ko pa kaya harapin siya ngayon,” bulong ko rito, habang umiiling si Ariesa sa kabaliwan ko.
Me and Ariesa are second-year BSBA students. Two years ko nang crush si Kean. Engineering naman siya, nasa kabilang building. So for now, safe ako. Malaki ang Northville. Mahirap ako hanapin. Unless… gamitin niya ang kapangyarihan niya. Which he will. Nakasulat pa sa ID ko ang course ko. Great. Another problem.
I should skip class.
Baka puntahan niya ako rito. Hindi ako assuming, nag-iingat lang.
Tumayo ako bigla at inayos ang gamit.
“Hey, saan ka pupunta?” tanong ni Ariesa.
“Cutting.”
“What the— kailan ka pa marunong mag-cutting? Bumalik ka rito!”
“Ngayon lang, Ries. Kung gusto mo pa akong mabuhay, let me leave in peace. If he comes here, cover for me. Make excuses. Create a story. Bahala ka na. Bye, Ries! I love you! See you sa apartment.”
Paglabas ko, nakasalubong ko pa prof namin.
“Saan ka pupunta, Ms. Roque? Magsisimula na ang—”
“Sir, masakit po tiyan ko. Uuwi na po ako. Sorry po!”
Tumakbo ako bago pa siya makapagtanong. Wala na nga pala akong ibang ginawa today kundi tumakbo.
Lumabas ako ng campus. Halos hindi ako palabasin ni Manong Guard, but thank God, effective acting ko. Sumakay ako ng jeep at nakahinga nang maluwag nang makalayo sa school. Nakakatawa pero nakakapagod ang buong nangyari. Pagdating sa apartment, mabilis ako tumalon sa kama. Grabe ang pagod ko. Kinuha ko ang bag ko, inangat ang boxer shorts niya, at napangiti ako.
“This is crazy,” bulong ko.
“How does it feel being his thing?” tanong ko pa.
Napahawak ako sa mukha ko. Kadiri. Ang green ko. Nag-ring bigla phone ko. Tumatawag si Ariesa. Nang sagutin ko ito, halos masira eardrum ko sa tili niya.
“Miles Roque. You are in BIG TROUBLE!”
“H-Ha? Why?”
“Pumunta siya rito! Hinanap ka niya!”
“T-Then?”
“Nagbitiw siya ng pagbabanta! Lahat ng mata ng Taurus nasa’yo! He announced to every student, kung sinong makakita sa’yo ay ihahatid ka sa kanya! At open your f*******:. Now!”
Tumayo balahibo ko sa kaba.
Taurus. Their frat.
Damn.
Nag-login ako sa f*******:. Sunod-sunod notifications.
At ang bumungad sa akin ang post niya.
Get ready MR. I’m currently searching for you. Hide.
MR.
My initials.
Holy crap. End of the world ba ‘to?
Fine. Kung gusto niya ng hide-and-seek… pagtataguan ko siya.
Maybe… I won’t go to school for three days.
We’ll see how good you are at chasing… because hiding is my specialty.