Chapter 9: Family

2274 Words
“Sigurado ka bang wala nang masakit sa 'yo?” tanong niya sa akin matapos akong gamutin. Ngumiti ako at tinanguan siya. Bigla na lang tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko kaagad ang bag ko. Si Ariesa iyon kaya, dali-dali kong sinagot. Bumungad lang sa akin ang malakas na hiyaw niya. “Oh my gosh, Miles! I’m sorry. I heard what happened to you and I already watched the video. Ayos ka lang ba?” Napangiwi ako habang inilayo ang cellphone sa tainga ko. “Ayos na ako, Ries. Ginamot naman na ako ni Kean. Nasaan ka ba ha? Bakit hindi ka nakauwi kagabi at hanggang ngayon wala ka pa rin?” tanong ko. Narinig ko pa ang pagtili niya sa kabilang linya animo'y kinikiliti. “I’m sorry, Miles. I’m with Marcus. Kinidnap ako ng gagong 'to at dinala sa Batangas. I’m trapped with him, Miles! At mababaliw na ako rito!” “Teka, may ginawa ba siya sa 'yo ha? Asan ang gagong 'yon?” Bahagyang may umagaw sa cellphone niya at ngayon, si Marcus na ang kausap ko. “Hey, Miles. I’m sorry for the trouble. Gusto ko lang na makapag-usap kami ng kaibigan mo. And I’m not k********g her. Sumama siya sa akin ng kusa. Don’t worry, I won’t harm her. Babalik kami bukas, sa akin muna siya ngayon. I’m having a hard time dealing with her but I will not give her up. And send my regards to Kean. Hi bro! I hope you’re doing great there. Alagaan mo muna si Miles.” Inagaw din ni Kean ang cellphone ko. ”I will. Kahit hindi mo sabihin, gago. I will take care of her in my own way. Bumalik kayo rito na walang kasama. Kilala kitang gago ka, and better use protection kung gusto mong manatili pa sa bansang 'to.” After he said that to him, he hanged up. Napanguso na lang ako dahil hindi ako nakapag-paalam kay Ariesa. “Anong ibig mong sabihin do'n sa gumamit ng proteksiyon?” tanong ko. Tumaas lang ang kilay niya saka ngumisi. “'Wag mo nang alamin. Makikita mo naman 'yon pag ginawa natin.” Kumunot lang ang noo ko. I still don’t get his point. “Ano nga?” pangungulit ko. “Curiosity kills the cat, babe.” “And I’m not a cat so, tell me,” giit ko. Napahalakhak siya at inayos na ang mga gamit ko. Nilahad niya pa ang mga kamay niya sa akin. “Let’s go, 'wag ka munang pumasok. Magpahinga ka muna,” aniya. “Saan tayo pupunta? Uuwi na?” “Iuuwi kita sa amin,” simpleng saad niya. “What?” “Don’t what me. Pupunta tayo sa bahay namin. Doon ka muna magpahinga,” deklara niya. “Pero, may apartment naman kami eh.” Hindi pa kasi ako ready na pumunta sa kanila. Like, nakakahiya haler! “We can’t stay there. May mangyayari kapag nag-insist ka pa,” buwelta niya. “Ano namang mangyayari?” naguguluhang tanong ko. “Damn, quit asking question. Baka dito pa tayo abutin kung magpapatuloy ka pa.” Napairap ako. Ano ba naman kasi na sabihin niya na lang ang ibig niyang sabihin hindi ba? Inalalayan niya pa ako sa pagtayo. Nagpaalam kami sa nurse at pagkatapos ay lumabas na rin doon. Mahigit isang oras din pala ang itinagal namin sa loob ng infirmary. Habang naglalakad kaming dalawa ay pansin na pansin ko ang pag-iwas ng mga estudyante sa amin. Mas maigi na rin siguro 'to at sobrang pasasalamat ko dahil hindi na kagaya kanina ang mga kaganapan ngayon. Nagtungo kami sa parking area kung saan nandoon ang sasakyan niya. Inalalayan niya pa rin akong pumasok sa shot g*n seat. I can’t help myself but to smile. Unti-unti ko na siyang nakikilala. He’s indeed a gentleman kahit na may pagka-arogante siya. Nang makaupo na rin siya sa driver’s seat ay binalingan niya pa ako kung maayos na ba ako. Matapos no'n ay kaagad niya ring pinaandar ang sasakyan. Ngayon palang, kinakabahan na rin ako. Dadalhin niya ako sa bahay nila at hindi ko alam kung magugustuhan ako ng parents niya. Hindi ko pa sila nakikita at sa picture pa lang noong nangs-stalk ako sa kanya. What will be their reaction if they’ll see me? "Mababait ba ang parents mo? Hindi ba sila magtataka sa akin at dinala mo ako roon, babe?” I asked. I'm still shy on calling him that endearment. “They’re cool. Don’t be so nervous. Mom is funny and I’m sure she’ll like you. Dad is a kind man Medyo under de saya nga lang kay Mom. But overall, they’re the best for me. I also have two siblings, sina Kelly at Lean. Kelly is a little spoiled by Dad, while Lean is definitely a Mama’s boy. Medyo makulit lang si Lean, he’s five years old. Si Kelly naman, she’s already in high school, sixteen na. Sumunod siya sa akin.” Base sa pagkukuwento niya, halatang-halata kung gaano siya ka-proud sa pamilya niya. Medyo nabawasan tuloy ang kaba ko. “How about you? I think you’re a Mama’s boy too,” natatawa kong sabi, naaalala ko kasi noong tumawag siya kay Mama niya. Napanguso siya sabay ngisi. “I’m not. Mahilig lang talaga si Mom na i-baby ako kahit na grown up na ako. First born kasi ako, kaya super strict siya sa’kin. Pero nandiyan naman si Dad para i-back up ako. Honestly, minsan napipikon ako kay Mom. She’s so attached to me, parang feeling niya baby pa rin ako kahit andiyan naman si Lean.” Napailing siya habang nagkukuwento. Napangiti ako. “I wish I had siblings too.” “Why, only child ka?” Tumango ako. “Yep. Hindi na ako nasundan pa since iniwan kami ni Papa right after pinanganak ako ni Mama. Sumama siya sa iba. Iyon ang sabi sa’kin. After that, hindi na rin nag-asawa si Mama. I always wanted a complete family… a sister or a brother. Pero alam kong hindi na mangyayari. Besides, busy si Mama sa pag-manage ng farm namin. Hindi na siya naniniwala sa love. Ang gusto lang niya ay palakihin ang business at gawing busy ang sarili. While me? I’m studying para someday, matulungan ko siya.” Hindi naman nagkulang si Mama dahil binigay niya lahat ng kailangan ko. Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko. “Don’t worry. You can treat Kelly and Lean as your siblings too. Also my parents. Sigurado akong matutuwa sila.” Napanguso ako, impressed. “Thank you. I’m so curious about them. Kaya gusto ko na silang ma-meet,” nakangiti kong sabi. He pinched my nose, then focused his eyes on the road. “In less than a minute, nandun na tayo.” Hindi nga siya nagkakamali. Nang makapasok kami sa isang subdivision ay huminto ang kotse niya sa tapat ng isang mansiyon. Kahit na alam kong mayaman siya, still manghang-mangha pa rin ako pagkakita ko pa lang sa bahay nila. Pinagbukasan lang kami ng guard kaya naman, ipinasok niya sa gate nila ang sasakyan niya saka inihinto sa garahe. Nauna na siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Akala ko kanina ay nawala na ang kaba ko ngunit, muli itong bumalik. s**t. This is it. I will meet his family for real. “Careful. Nasa loob sila. Stay calm and don’t be nervous. Hindi sila nangangagat,” aniya. Hinampas ko lang siya kaya marahan siyang tumawa. Nakakapit ako sa kanya nang magsimula kaming pumasok sa loob. Napanganga ako nang bumungad sa akin ang napakagandang desenyo ng loob. “Mom, Dad! I’m home!” sigaw niya. Naririnig pa namin ang iilang boses na nanggagaling sa living room nila. “Kuya's here!” isang masiglang sigaw ng bata. Maybe, he’s Lean. Tumatakbong sinalubong niya kami at malayo pa lang, gusto ko na siyang kurutin. He has this chubby and rossy cheeks. Ang cute! “Baby, careful,” their mom said. “Kuya! Oh— Mom, look! Kuya brought his girlfriend!” tuwang-tuwang sigaw ni Lean habang nakaturo pa sa akin. Bahagyang yumuko si Kean at saglit akong binitawan para buhatin ang kapatid niya. “Hey, buddy. How are you?” tanong ni Kean, may ngiti sa labi. “I’m good, Kuya! I have two stars! Teacher gave me because I’m doing good in class!” “That’s great. Say hi to your Ate Miles,” ani Kean habang inihaharap sa akin ang kapatid niya. Nginitian niya ako nang malapad kaya ngumiti rin ako at kumaway. “Hello, Lean,” shy kong bati. “Hi, Ate! Is she your girlfriend, Kuya? She’s beautiful.” “Yes,” walang pag-aalinlangan na sagot ni Kean, dahilan para mamula ako. “Ate, kandong please,” pa-cute pang hiling ni Lean. “No kandong, buddy. Your ate got hurt. She has bruises on her arms at hindi pa magaling. Stay here and behave, okay?” saway ni Kean. Nanlaki ang mga mata ni Lean at agad tumingin sa akin. “What happened, Kuya? Why is she hurt? Where did she get that?” sunod-sunod niyang tanong, halatang worried. “I just fell on the ground, baby. But I’m okay now,” sagot ko. Napatingin sa akin si Kean, kunot-noo, pero sinuklian ko siya ng smirk. Hindi ko naman puwedeng sabihin na inaway ako. White lie lang. Besides, bata pa siya. He won’t understand. “Oh, that’s bad. Next time, be careful, Ate. And Kuya, catch her if she’ll fall again,” seryosong pangaral ni Lean. Ginulo lang ni Kean ang buhok nito. “I will surely do that.” Nang makarating na kami kung nasaan ang parents nila ay halos mapa-lundag ako. Mabilis kasi akong sinalubong ng yakap ng isang magandang babae na sa tingin ko ay Mommy niya. “My gosh, son! You finally brought your girlfriend here! Hello, hija. It’s so nice to finally meet you!” masiglang bati ng Mommy ni Kean. “Mom, careful please. May mga sugat siya sa braso, baka mapano,” paalala ni Kean. “Oh—I’m sorry, I didn’t know. Come, sit here first, hija. Manang! Pakidalhan naman po kami ng meryenda rito!” Nahihiyang umupo ako at tumabi siya sa akin. “What happened to her, son? Bakit maaga kayo? Wala kayong klase? Ayos ka lang ba, hija?” sunod-sunod na tanong ng Mommy niya. I just nodded. “Ayos lang po, Ma’am. Nagamot naman po ako ni Kean sa infirmary kanina,” sagot ko. “Nagpaalam naman po kami na ipapahinga ko muna siya. Dinala ko na lang siya dito, Mom, kasi wala rin ang kaibigan niya sa apartment nila. I better take care of her since it’s my responsibility,” paliwanag ni Kean. “Mas mabuti nga iyon. Sandali, dito muna kayo. Tatawagin ko lang sina Sangganong manyakol at Kelly. Walang pasok si Kelly ngayon at nagkukulong lang sa kwarto niya. Nasa opisina naman ang Daddy mo, kaya better lang na sumama kayo rito.” Kaagad na tumayo ang Mommy niya at naiwan kaming dalawa. “Pagpasensiyahan mo na si Mom. Specially this kid. Sabi ko naman sa'yo. Mom was very talkative,” napapailing na sabi niya. “Nagulat nga rin ako. But, it’s okay. She’s too bubly and I like her,” nakangiting saad ko. “She like you too.” “And I like you three!” masiglang singit ni Lean. Nagkatawanan naman kami. “Ano nga pala 'yong tawag ng Mommy mo sa Daddy mo?” natatawang tanong ko. It’s kinda weird. “Ah, that. It’s sangganong manyakol. Mom used to call him that way back their first meet up. And that’s her endearment to him.” “It’s funny,” komento ko. “Yeah. And weird right?” tanong pa niya. Napatango naman ako. “Sabi ko naman sa inyo, kapag nasa bahay, family time! Nakakahiya sa bisita ni Kean! Tama na munang trabaho 'yan, sangganong manyakol. And you, Kelly. Tama na ring pagmumukmok.” Dinig na dinig namin mula rito ang tinig ng Mommy nila. Hindi kalaunan ay nakabalik na ito kasama ang isang guwapong lalaki na paniguradong Daddy nila at ang kamukha ng Mommy nila na babae na siguro ay ang kapatid nilang si Kelly. “Hija, these are my husband and daughter. Sangganong manyakol sweetheart, this is—uhm what’s your name nga pala? Pasensiya na hindi ko natanong,” natatawang sabi ng Mommy nila. “Miles po. Miles Roque,” sagot ko. “That’s it! She’s Miles and your son’s girlfriend. Hija, siya nga pala si Leandro, Kean's father. And this is Kelly, Kean's sister.” Nahihiya naman akong bumati sa kanila. “Magandang araw po,” ani ko. “It’s nice to meet you, hija. You have a good taste son, huh,” saad ng Daddy nila sabay tapik sa balikat ni Kean. Napasimangot naman siya rito. ”Stop it, Dad.” Ang kanina'y nakasimangot na mukha naman ni Kelly ay napalitan ng kasiyahan. “Hi po! I’m Kelly. You look so beautiful, Ate. Do you know how to do makeup po ba? What are you fond of?” sunod-sunod na tanong niya. “Guys, chill. Don’t stress her too much, please. Nandito siya para makapagpahinga. Mamaya na siguro ang chitchats, I need to bring her upstairs to get some rest,” pigil ni Kean sa kanila. “Ang Kj!” halos sabay na sigaw ng Mommy at kapatid niya. “Kuya wants to solo, Ate Miles! Kj! Kj!” sigaw din ni Lean, kaya sabay-sabay kaming lahat na nagkatawanan. Tama nga ang sinabi niya. Ang cool talaga nilang magpamilya. Though, medyo sasakit ang ulo mo sa ingay, it was all worth it. His family was incredibly awesome!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD