Matapos ang nangyari kanina, minabuti ko na lang na uminom nang uminom. Nahihiya pa rin ako sa ginawa kong paghalik sa kanya. But it seems like he didn’t mind at all. In fact, he kept teasing me, kaya ginagawa ko na lang ang sarili kong busy sa pag-inom.
“Enough for you, babe. You’re already drunk,” natatawa niyang saway.
“I’m not. And please, don’t laugh at me,” giit ko.
Bigla na lang niya akong inakbayan, saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
“Hindi nga ako nagkamali sa’yo. Magkakasundo talaga tayo.”
Siniko ko siya kaya lalo siyang natawa.
“You know how much I like you, right? Kaya ’wag mo akong paglaruan, babe.”
“Who says I’m playing with you?” tanong niya, mukhang genuinely confused.
“Action speaks louder than words, babe. But whatever—I don’t care. Sisiguraduhin ko pa rin na mai-inlove ka sa’kin,” ngisi ko.
“Nah. I don’t think so.”
“Wanna bet?” hamon ko.
“Uh-oh—”
I cut him off. Nagulat siya nang bigla ko siyang itinulak pabalik para sumandal. Tumayo ako at tiningnan siya nang diretsahan sa mga mata.
“What are you doing?” natatawa niyang tanong.
“Way no. 1,” sagot ko habang nguminingisi. “I’m going to seduce you, babe. Let’s see if it won’t work.”
Napakagat-labi ako habang dahan-dahang lumapit sa kanya. Nakangisi lang siya, clearly amused, clearly watching every move I make. I know he’s enjoying this. Ito ang kahinaan ng halos lahat ng lalaki, kaya alam kong hindi siya makakapalag.
Maybe I sound desperate, but I don’t care. Siya lang ang importante sa akin. I’ve been crazily in love with him for the past few years, and now that I finally have this moment, I’m not wasting it.
Wala na rin akong pakealam kung may makakita man sa ginagawa ko. May sariling mundo naman ang mga tao rito kaya, hindi naman nila siguro kami pakikialaman. Malakas ang t***k ng puso ko habang unti-unting inilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Hindi naman siya gumagalaw at nag-aabang na lang. Malakas ang loob ko dahil na rin siguro sa nainom ko.
Hinawakan ko ang kuwelyo niya. Napa-awang ang mga labi niya habang napapalunok. I aggressively owned his lips and as expected, he responded. Nakapaibabaw ako ngayon sa kanya at naramdaman ko na lang ang paghila niya sa katawan ko kaya naman, mas lalo akong napasubsob sa kanya.
Kagaya nang una kong matikman ang halik niya ay gano'n pa rin katamis iyon. Hinding-hindi ko siguro ito pagsasawaan kailanman. Nang lumalim na iyon ay kaagad akong bumitaw sa kanya. His eyes were fixed on me now, intense and unblinking. Tila ba nairita siya nang bigla ko itong pinutol.
"What now? Bakit ka tumigil?" asar na tanong niya.
Ako naman ngayon ang natawa sa kanya. “Well, I’m just making it more exciting. I want you to crave more, babe,” I teased.
Napamura siya sa sinabi kong iyon. Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya.
"Come here, Miles. Tapusin mo kung anong sinimulan mo," aniya.
Umiling ako. Pumunta ako sa kumpol ng mga tao na nagsasayawan. Doon ako nagsasasayaw habang tawa nang tawa. Napahiyaw ako nang may mga brasong pumulupot sa beywang ko. It was him!
"Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong binibitin ako," aniya.
"Way no. 2… leave your business unfinished and make him wonder why,” pagpapatuloy ko.
“Damn. Silly girl,” he muttered, eyes darkening. “You have your ways? Well, I have mine too. And I’ll make sure you can’t escape this.” pagpapatuloy ko.
Hindi na ako nakapalag nang bigla niya akong ikulong sa mga bisig niya. Kung gaano ako ka-agresibo kanina, mas doble ang intensity niya ngayon. Sinubukan ko pang magprotesta, pero nakakalasing ang paraan niya maghalik. Mabagal, mariin, at halos kainin ang natitirang lakas ko.
He deepened the kiss, taking control as his hold on me tightened. I felt his urgency, his frustration, his desire. Lahat iyon nagtutulak sa akin para hindi na makahinga nang maayos. My knees nearly gave out when he pulled me closer, parang gusto niya akong gawing bahagi ng katawan niya.
Everything around us blurred. Wala na akong nasabi. Wala na rin akong naisip. Just him. Just this moment. Just the way he kissed me like he wasn’t planning to let me go anytime soon.
Shit.
"Hmmm. K-Kean..." I said between our kisses.
"Yes, babe?"
"You're crazy," usal ko.
"Ikaw ang nagsimula, tinatapos ko lang," aniya.
"s**t, Kean!" malakas na sigaw ko. Humalakhak lang siya matapos naming maghiwalay.
"Gago ka."
"I know."
Napailing ako saka bumalik sa puwesto namin kanina. Mabuti na lang at medyo madilim ang buong lugar kaya, wala naman sigurong nakahalata sa ginawa namin. Sumunod na rin siya sa akin na may ngiting tagumpay.
"Who's better between us?"
"f**k you," malutong na mura ko.
"Oh, ang advance mo naman masyado. Do you want to do that now?" ngiting-aso na tanong niya.
Kailangan ko na siguro siyang padasalan nito. Siraulo na talaga siya. Ang akala ko talaga noon ay hindi siya makabasag-pinggan. 'Yong tipong napakabait ngunit, baliktad pala ang lahat.
Hindi ko na lang siya sinagot at kinuha na lang ang isang bote ng beer. I just want to try this one. Inisang lagok ko lang iyon. Ngunit, isang pagkakamali yata ang nagawa ko dahil sobrang pait niyon.
"Sinabing hindi ka puwedeng uminom niyan," biglang agap niya sa akin.
"Hindi ko naman alam na mapait eh. Geez. Nakailang bote ka na rin nito, nakaya mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Babae ka kasi. Akin na nga 'yan." Aagawin na sana niya iyon ngunit, inilayo ko lang ito sa kanya.
"Natikman ko na eh. Just let me finish this. Isang bote lang naman."
"Ang kulit. Hindi tayo puwedeng maglasing." Inirapan ko siya.
"Lasing ka na rin naman kaya, hayaan mo na. Unless may masama kang balak sa akin?" pasaring na tanong ko.
"Crazy. Gano'n ba ang tingin mo sa akin? It's not on my vocabulary to force someone unless she gives it to me willingly." Nagkibit-balikat lang ako. Dahil hindi niya na ako naawat ay hinayaan niya na lang ako. Tinabihan niya ako at kumuha na rin ng panibago.
"Hey, bro. Baka malasing ang girlfriend mo," ani ng kung sino.
"Nandito lang ako sa tabi niya, Josh. 'Wag kang magkakamali," rinig kong sagot ni Kean. Medyo nahihilo na rin ako at lumalabo na ang paningin ko. Curse this beer!
"Chill. Takot ko lang sa 'yo. Anyway, aalis na rin kami ng mga ka-brod natin. Kayo ba? Kaya mo pa bang nagmaneho?" rinig kong tanong nito.
"Yeah, yeah. Where's Finnler anyway?"
"Ah, nasa private room na. Alam mo naman ang isang iyon. Ta-tatlo rin ang hawak-hawak na mga chikababes," anito sabay tawa. Matapos no'n ay narinig ko na rin siyang nagpaalam.
"I want to g-go home," mahinang ungol ko.
"Iinom-inom, hindi naman pala kaya. Isang bote pa lang, bagsak kana. Drunken girl."
Naramdaman ko ang paglutang ko sa ere. Ang sarap niyon sa pakiramdam. Nilingkis ko ang mga kamay ko sa leeg ng may hawak-hawak sa akin. Gusto ko nang matulog.
Naaamoy ko rin na ang bango-bango nito kaya lalo akong nagsusumiksik sa leeg niya.
"I l-love your scent, hmm."
"Stop that. Baka hindi ako makapagpigil sa'yo." Ewan ko ba kung tama ang narinig ko. May idinugtong pa siyang huhubaran eh.
"Bitaw na," utos niya.
"No, dito lang ako," matigas na sabi ko.
"Miles Roque. Bitaw o ibabagsak kita?"
"Punyeta naman oh. Naglalambing lang naman." Dinigtungan ko pa iyon ng mahinang halakhak.
Kusa na akong bumitiw sa kanya at nagsusumiksik na lang sa isang tabi. Narinig ko pa ang pagsara ng pintuan. Nagtatalo na rin ang antok at sakit ng ulo ko.
"Kung hindi ka lang talaga lasing, may kinalagyan ka na," aniya sabay kabit ng seat belt. Hanggang sa mabilis niya nang pinaharurot ang sasakyan. Muntik pa akong mangudngud kung wala akong suot-suot na seatbelt.
"Manong kaskasero..."
NAALIMPUNGATAN ako dahil naramdaman ko na naman na lumulutang ako. Nanatili lang akong napapikit. Wala na rin naman akong lakas para gumalaw-galaw pa.
"Nasaan na... tayo? Sogo o hotel?" tanong ko.
"Just sleep and don't talk," mariing sabi niya. Hinampas ko siya sa kanyang balikat. Iminulat ko nang kaunti ang mga mata ko. Malabo ang nakikita ko ngunit, pamilyar ang mukha niya.
"Para... k-kang si Kean," mahinang sabi ko.
"'Yong supladong crush ko na... n-ninakawan ko ng boxer para mapansin... niya lang ako," pagpapatuloy ko pa sabay tawa.
Naramdaman ko ang pagbaba niya sa akin sa isang malambot na higaan.
"Kahit na gago... 'yon, sabi ni Ariesa... crush ko pa rin siya."
"Nakipag-deal pa... siya sa akin. Hindi niya alam na... mas pabor iyon sa akin."
"'Wag kang m-maingay ah. Mahal ko 'yon, kahit na m******s siya."
"Sleep now, babe," bulong niya.
Tila ba hudyat iyon para muling ipikit ko ang mga mata ko.
"I love you, Kean..."
"You're annoying, but I'm starting to like it." Isang malambot na bagay ang lumapat sa labi ko. Napangiti na lang ako kasabay nang pagkawala ng ulirat ko.