bc

My Maid is a Legendary Gangster (Book 1) COMPLETED

book_age16+
6.2K
FOLLOW
30.4K
READ
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

When a Legendary lady Gangster finds her new life after Meeting Mr. Bryle Dann Lavista Sy a mysterious guy who conquered great power in the Society.

Si Ricky Amarah Fortania Lavitus ay isang batang maagang naulila sa ina. Naglaho na parang isang bula ito apat na taong gulang pa lamang siya. Ang kanyang ama ay isang Mafia Boss. Ang trabaho ng kanyang ama ang sinisisi niya kung bakit nawala sa kanila ang ina.

Linisan niya ang marangyang buhay dahil sa adhikain niyang maging katulad din siya ng ama balang araw. Pinili niya ang mapanganib na buhay para magkaroon siya ng pagkakataong mahanap ang Ina. Nabuhay siya sa katauhan ni Shara Mai Coe kung saan siya ay kinakatakutan sa mundo ng Gang War. Siya si Lady Black Fire. Ang babaeng nakatago sa ilalim ng black tattoo mask sa kanyang mukha. Isang palaban na babae.

Paano kung isang araw ay magpasya siyang lisanin ang kasalukuyang mundo?

Sa paglabas niya sa mundo ni Lady Black Fire, anong mundo ang matatagpuan niya?

Paano kung ang pinaghirapan niyang scholarship ay tangayin lang ng isang bastardong nagmamay-ari pala ng University na papasukan niya? Ang University ay pagmamay-ari ni Bryle Dann Lavista Sy. Ang lalaking punong-puno ng misteryo. Matalino, masungit, lahat ng gusto ay nasusunod at may madilim na nakaraan. Ang kanyang tanging adhikain ay matunton ang tinatawag nilang Lady Black Fire.

Sa pagtatagpo nila ni Ricky Amarah bilang si Shara Mai Coe. Ano nga ba ang kakahinatnan ng kanilang istorya?

Paano kung ang matagal na pala niyang hinahanap na tao ay ang babaeng kaharap lang niya?

Makakaya ba niyang ipaglaban ang babaeng mahal niya ngunit nakatakdang mamatay sa mga kamay niya?

LOVE OVER HATE?

FORGIVENESS OVER REVENGE?

(Not edited version.)

Do not copy, plagiarism is a CRIME!

All Rights Reserved, 2021

FrostySnow❄️

chap-preview
Free preview
Prologue
"Simple lang. Pumayag kang maging Maid ko." Napanganga ako sa tinuran niya. Nagtatagalog na talaga siya? Ngayon ko lang kasi napansin. Pero ano raw? Maid? Ako? Nagpupuyos na ako sa galit ngunit patuloy akong nagpipigil. Ang kapal ng pagmumukha niya para gawin sa akin 'to! Gusto ko na siyang upakan pero hindi, kailangan kong magpakatatag. Ginusto kong lisanin pansamantala ang buhay ko noon kaya wala akong magagawa kung 'di ang panindigan ang bawat katagang binigkas ko sa harap ni Lolo at Dad. Hindi ako maaaring bumalik doon ng walang maipagmamalaki. Papatunayan ko sa kanilang lahat na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Naikuyom ko ang mga palad ko habang naiisip ko ang mga iyon. Dumagdag pa ang lalaking ito sa kalbaryo ko sa buhay. May alas pa naman ako kaya ipaglalaban ko ang karapatan ko. Hindi maaaring wala akong gawin. "Bakit mo aalisin sa akin ang scholarship ko?" hindi ko na kayang magtimpi. "Nag-aaral ako nang maayos kahit i-check mo pa ang mga grades ko noon, from Elementary to High School. Wala kang karapatan na patalsikin ako sa eskwelahan mo!" nakataas noong sumbat ko sa kanya. Napangisi siya sa mga sinabi ko. Mas lalo tuloy akong nainis. "Sa 'yo na mismo galing. Dahil pagmamay-ari namin ang Howward Collie University. Pagmamay-ari ko! Hindi grades ang batayan sa eskwelahan ko, pera bago utak." madiin niyang bigkas sa akin. Ang eskwelahan niya ang may pinakamagandang standard sa buong bansa. Kung laman lang ng utak ang pag-uusapan, walang dudang may ibubuga ako. Pero pag laman sa bulsa? Wala talaga. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako lalapit kahit isa sa pamilya ko. Mamatay muna ako bago mangyari iyon. "Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? Pinaghirapan kong makapag-aral dito tapos tatanggalan mo lang ako ng scholarship! Gagawin mo pa akong katulong mo!" Wala nga akong alam sa mga gawaing bahay, maging katulong pa kaya?! Sarili ko lang ang kaya kong pagsilbihan. "Be my maid or leave? I'll let you stay as a payment, be my Maid. May mga pangarap ka di ba? That is why you are here. Hindi ako concern sa 'yo. Nakakaawa ka lang kasi. Here, contact me or puntahan kung nais mo. Bahala ka kung tatanggapin mo o hindi. Ito lang ang chance mo. Kapag inayawan mo pa, umalis ka na sa Howward Collie University. Lumayas ka sa University ko." Napatingin ako sa card na inilapag niya sa table. Naramdaman ko ang pagtayo niya. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng office niya. Bryle Dann Lavista Sy! I gritted my teeth because of severe depression. How dare him?! Gusto ko siyang paslangin. Napabuntong hininga ako sabay wala sa sariling dinampot ang card sa table.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.2K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.4K
bc

YOU'RE MINE

read
894.6K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.6K
bc

That Professor is my Husband

read
505.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook