“Yanna… bakit ka nagbago? Bakit mo ginawa ‘to sa sarili mo?” galit at may halong pangungutya ang boses ni Brian habang nakatingin sa kanya, parang sinusukot ang bawat galaw, bawat ekspresyon. Dumating ulit siya. Yanna froze. Ang kanyang mga mata nag-uusisa sa paligid....sa sala kung saan nagkakasama kami, sa mga tao, sa akin. Ang kanyang mga labi nanginginig, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa bigat ng tinig na iyon....ang boses ng taong dapat noon ay nandiyan para sa kanya, hindi para saktan siya. “K-Brian… please… hindi… hindi mo alam…” ramdam ko sa kanya ang kaba, ang takot, at higit sa lahat—ang sakit na muling nabubuo sa kanya sa presensya niya. Ngunit hindi siya nakinig. Lumapit siya, halatang galit at puno ng pinipigilang emosyon. “Yanna! Lahat ng ginawa mo… lahat ng narating mo

