The Man Who Chose Silence (Yanna’s POV)

1610 Words
Ilang araw na mula nung pinutol ni Brian ang lahat ng sagot. Chat ko, seen lang o kaya hindi nabubuksan. Calls ko, laging “cannot be reached.” Sa campus, dumadaan siya na parang hindi ako kilala. Pero ngayong gabi, hindi ko na kaya. Hawak ko yung phone ko, nanginginig yung mga daliri habang tine-type ko ang huling message na baka sakaling basahin niya. > Me: “Brian, please. Just 10 minutes. Face to face. If you hate me, sabihin mo sa harap ko. Kung totoo man yung nasa picture, I deserve a chance to explain. Please.” Napahiga ako sa kama, pinipigilan yung hikbi. Hindi ko alam kung nagdarasal ba ako o nagmamakaawa na lang sa hangin. At nung mag-vibrate yung phone ko, halos mabaliw ako sa kaba. > Brian: “Basketball court. Now.” 12 midnight. Tahimik ang buong campus. Naka-hoodie ako, halos nagtatago, kasi ayokong may makakita. Paglapit ko sa court, andun siya. Nakaupo sa bleachers, nakayuko, hawak yung bola na parang wala lang. Para bang hindi gumuho yung mundo ko. “Brian…” tawag ko, mahina, puno ng kaba. Dahan-dahan siyang tumingin. Pero wala akong nakitang lambing, wala yung matagal ko nang kilala. Yung mga mata niya, malamig. “Sabihin mo sa’kin na hindi totoo,” agad kong bungad, halos humahabol ng hininga. “Sabihin mo na kilala mo ‘ko. Na hindi ako ‘yon sa picture. Sabihin mo na hindi mo ko iiwan.” Matagal siyang tumahimik. Tapos bigla niyang itinapon yung bola sa gilid. Tumayo siya, hinarap ako. “Hindi ko na kayang magpanggap, Yanna.” Parang gumuho lahat ng laman-loob ko. “Anong ibig mong sabihin?” “Yung picture… yung mga tao… lahat sila, mali man o tama, hindi ko na kayang akuin.” Malamig yung boses niya. “Hindi kita kayang ipaglaban.” “Pero Brian!” halos pasigaw ko. “Ako ‘to! Ako yung kasama mo since high school, ako yung nag-alaga sayo nung nilagnat ka, ako yung tumulong sa thesis mo—ako ‘yon! Hindi ba worth it kahit isang laban lang?” Natahimik siya. Kita ko na nanginginig yung panga niya, pero hindi siya umiwas ng tingin. “Hindi ko na kayang maging best friend mo.” Boom. Para akong binaril sa tenga. Umiikot yung mundo ko, nanginginig yung tuhod ko. “Brian… please,” halos lumuhod na ako. Hindi ko na iniisip yung pride ko. Pride ang pinaka-huling bagay na meron ako. “Kahit isang beses lang, maniwala ka. Hindi ako ‘yon. Huwag mo kong iwan. Huwag ikaw.” Umiling siya. At sa bawat pag-iling, parang pinupunit yung puso ko. “Kung totoo man o hindi… wala na ‘kong lakas para ipagtanggol ka. Kasi kahit ako… hindi ko na alam kung sino ka.” Durog. As in durog na durog. Naglakad siya palayo. Hinabol ko yung braso niya, mahigpit. “Brian, huwag ganito. Hindi ako makakahinga kapag nawala ka.” Dahan-dahan niyang tinanggal yung kamay ko. Hindi siya nagalit. Hindi rin siya nag-iyakan. Yun ang mas masakit—yung calmness niya. “Sorry, Yanna. Pero tapos na.” At iniwan niya ako sa gitna ng court. Mag-isa. Nakasubsob ako sa sahig, hawak pa rin yung braso kong hinawakan niya kanina, parang may iniwan siyang sugat na hindi kita pero ramdam na ramdam. Naririnig ko pa rin sa ulo ko yung mga sinabi niya. “Hindi ko na kayang ipaglaban ka.” “Hindi ko na kayang maging best friend mo.” Paulit-ulit, hanggang sa parang ako na rin mismo yung sumasaksak sa sarili ko. Naiwan akong umiiyak, walang tunog, kasi kahit ang iyak ko, parang wala nang halaga. Pag-uwi ko sa dorm, wala akong naramdaman kundi bigat. Parang wala nang saysay lahat. Binuksan ko yung messenger. Tinitigan ko yung pangalan niya. Yung mga old chats namin—mga memes, mga “tara kape,” mga “ingat ka”—lahat nandoon pa rin. Pero ngayon, ghost na lang siya. Nag-type ako ulit: > Me: “Kahit isang sorry lang. Kahit fake lang. Please.” Pero hindi na siya nag-reply. Seen lang. At doon ko naintindihan na minsan, hindi yung strangers sa internet ang papatay sayo. Minsan, yung taong akala mong mundo mo—siya pala ang unang lalakad palayo habang duguan ka. Sa gabing iyon, officially, nawala si Brian. Hindi lang bilang best friend. Hindi lang bilang secret love. Nawala siya bilang tao na nagbigay ng dahilan para lumaban pa ako. At kung kanina, gumuho yung mundo ko, ngayong gabi… yung puso ko na mismo ang bumigay. Hindi ko namalayan kung paano ako nakalabas ng library. Basta ang alam ko lang, tumatakbo ako. Diretso, walang tingin sa likod. Parang may humahabol na anino. Pagdating ko sa bahay, sinara ko agad ang pinto at isinandal ang likod ko. Nanginginig pa rin yung kamay ko. Pakiramdam ko, nadumihan ako sa presensya niya. Six months. Be my puppet. My public girlfriend. Tumulo na lang yung luha ko nang kusa. Para akong hiniwa mula loob. “Ayoko… ayoko…” paulit-ulit kong bulong, parang dasal na walang nakikinig. Kinabukasan, pinilit kong bumangon at pumasok pa rin. Hindi dahil malakas ako—kundi dahil wala akong choice. Kung manatili ako sa kama, baka mas tuluyan akong lamunin ng isip ko. Pero iba na ang mundo. Pagdating ko sa hallway, ramdam ko na yung katahimikan. Yung tipong kahit nag-uusap ang mga tao, biglang titigil pagdaan mo. May isang grupo ng babae na nagkunwaring nagse-selfie pero naka-zoom pala ang camera sa akin. Narinig ko pa yung isa: “Grabe, may mukha pa siyang ipakita.” Ang sakit. Nilunok ko na lang, tinuloy yung lakad ko. Pero pagdating sa classroom, wala na talagang natira. Pati yung professor na dati ina-idolize ko, hindi man lang nag-abot ng tingin. Diretsong sabi lang: “Ms. Cruz, please see the admin after class.” Sa admin office, malamig yung boses ng staff. “Miss Yanna Cruz, effective immediately, terminated ka na bilang student assistant sa library. Due to… bad publicity.” Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. “Pero ma’am… please… kailangan ko ‘tong trabaho para sa allowance ng kapatid ko. Wala na po akong scholarship, wala na po akong—” “Sorry. We cannot risk the school’s reputation. This is final.” Nakatulala lang ako, hawak yung papel na termination. Para akong binura. Sa sobrang desperado, hindi ko namalayang napunta ulit ako sa café malapit sa campus—yung lugar na dati madalas naming puntahan ni Brian. At doon ko siya nakita. Nakasalubong ko siya, hawak yung kape niya, may kasama pang bagong tropa na parang hindi niya man lang ako kilala. “Brian…” mahina kong tawag. Napatigil siya, pero hindi ngumiti. Walang emosyon yung mukha niya. “Pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang? Please… kailangan kita ngayon. Hindi ako guilty, Brian. Hindi ako—” Pero nag-iling lang siya. “Enough, Yanna.” Parang gumuho ako sa mismong harap niya. “Please… ikaw na lang ang natitira. Ikaw na lang yung iniisip kong kakampi.” At doon, tuluyang bumagsak yung huling pader. Nakita ko yung disgust sa mata niya. “Stop making yourself a victim. Ang dumi na ng pangalan ko dahil nadamay ako sa’yo. Ayoko na.” At umalis siya. Para akong tinanggalan ng hininga. Ang sakit. Yung tipong hindi ka na makaiyak, kasi ubos na. Para akong nadurog. Gusto ko munang lumayo saglit kaya nagpunta ako sa park.Doon sa dulo kung saan madalas akong tumambay kung gusto kong magreview ng mag isa noon dahil madalang puntahan ng tao, wala na akong boses. Para akong hollow shell. Pagpasok ko sa parteng iyon nandoon siya. Si Kairo. Nakahiga sa bench na pinupwestuhan ko, nakataas ang paa, hawak-hawak ang termination paper ko na parang trophy. “Cute,” ngisi niya. “Hindi ka tinanggap ng admin. Hindi ka pinakinggan ni Brian. You really thought may makikinig pa sayo?” Nalaglag yung bag ko sa sahig. “Anong ginagawa mo dito?!” “Relax.” Tumayo siya, lumapit sa akin. “Sinabi ko naman sayo, Yanna. Walang ibang magbabalik ng pangalan mo kundi ako.” Lumapit pa siya, hanggang halos magdikit yung mukha namin. “And yet… you refused me.” “Hindi ako manika!” sigaw ko, kahit nanginginig. Tumawa siya. Hindi malakas, kundi yung mababang tawa na parang lalo kang binabaon sa lupa. “Pero tingnan mo ang sarili mo ngayon.” Tinutok niya sa mukha ko yung termination paper. “Wala kang scholarship. Wala kang trabaho. Wala kang kaibigan. Even your beloved Brian left you. Anong natira sa’yo?” Hindi ako nakasagot. “Exactly,” dagdag niya. “Nothing.” Hinawakan niya yung baba ko, pinilit niyang itaas yung mukha ko para tumingin sa kanya. “Pero ako? I can give it all back. With one signature.” Para akong sasabog. Sa loob-loob ko, gusto kong sumigaw ng oo. Kasi ang hirap nang mabuhay sa walang-wala. Pero at the same time, lahat ng buto sa katawan ko sumisigaw ng huwag. “Kung pumirma ka…” bulong niya, “lahat babalik. Kung hindi… mas lalo kang mawawala. Think of your family, Yanna. Think of your future.” Pinikit ko yung mata ko, at doon tuluyan nang bumagsak yung luha ko. “Hindi ko kaya…” bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Umurong siya, tumalikod. Pero bago siya tumayo at maglakad paalis, tumigil siya. “You will. Not today, maybe. But soon.” Lumingon siya, nakangisi. “Because in this world, pride doesn’t pay the bills. And you’re already drowning.” At iniwan niya akong mag-isa sa katahimikan ng dulong iyon, nakahandusay sa damuhan. Hindi ko alam kung paano ako hihinga at haharapin ang bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD