Chapter 1
“My gosh! Nabalitaan niyo na ba? May nawala na naman isang babae sa mall. Pero bigla rin itong lumitaw kinabukasan. Sobrang weird na talaga ang nangyayari sa mall na ‘yon.” sabi ng isang babae na katabi ko sa isa kong class. Hinihintay namin ang aming professor na dumating pero fifteen minutes na ang lumipas at wala pa ito. That means hindi na ito a-attend ng class o kaya naman late lang talaga ito. Lumabas na ang ibang students since ‘yon naman ang policy.
But I stayed and enjoyed reading my new paranormal book about an alien spider and his mate. Mabuti na lang at may dust jacket akong dala para matakpan ang cover nito dahil siguradong maja-judge ako sa binabasa ko. Tumigil ako sa aking pagbabasa at nakinig sa chismisan ng aking mga katabi. Nakalabas ang kanilang makeup at nagre-retouch ang mga ito.
“Yes! Ay naku! Narinig ko rin yan! The girl was confused, though, at hindi alam kung nangyari sa kanya. Ito pa! Natagpuan daw ito sa isa sa dressing room sa women’s clothes part ng department store! Ano kayang nagyari noh?”
“Baka naman napagtripan siya?” natawa ang isa.
“So, lahat ng babae na nawala napagtripan lang? Imposible ‘yon! I just know na may nagyayaring kakaiba sa mall na ‘yon.”
“Still, it’s the best mall in the city. I also heard that the owner handed out compensation sa mga babaeng ‘yon. Malaking pera raw ang binayad.”
“No wonder kung bakit sila tahimik na lang at tuloy sa kanilang buhay. Ano kayang nangyari noh? Kung may pera naman pala akong matatanggap, aba’y magkukulong ako sa dressing room.” Tumawa silang dalawa at napailing lang naman ako.
Mula nang makatanggap ako ng scholarship dito sa university, lagi ko ng naririnig ang sikat at pinakamalaking mall dito sa lugar na ito, ang Golden Scales Mall. For the past years na naipatyo ito, wala namang cases ng nawawalang mga babae until recently lang. For the last three years, may nawawalang babae a few times sa mall at matatagpuan na lang sila kinabukasan sa isa sa mga dressing room sa mall.
Those girls didn’t know what happened at wala namang naisasampang kaso sa mall dahil wala namang ebidensya na sila ang gumagawa nito. The place where packed with CCTV, at wala naman itong nakikita. Some said na hindi naman tampered ang mga videos. So, everyone is wondering kung ano ba talagang misteryo ang nagaganap sa mall na ‘yon.
Some even says may naririnig sila sa mall in the middle of the night. Like a hissing, mad voice ng isang lalake. Pero ang sabi, kuwento-kuwento lang daw ito at hindi totoo. Maging ako ay hindi rin naniniwala na may kakaibang nilalang sa mall. Ilang beses na rin naman akong nakapunta at chinecheck ko nga ang lahat ng dressing room. Pero wala naman akong nakita na kakaiba. Actually, I was wishing na meron nga since I am obsessed with monster romance stories.
Bigla akong na-excite sa isipin na ‘yon pero hindi ako nagpahalata. Bumalik na ako sa pagbabasa ng aking book pero hindi na ako maka-focus. My mind was now full of possibilities, that a monster, maybe half man and half something, ang naka-stay doon. Maybe in a basement, and the owner thinks na swerte ito. What if isang half man at half snake? Sa totoo lang madalas ko itong napapaginipan. A very handsome, well-built half-man tapos ang snake part ng body niya is colored emerald green. Long black hair, chiseled jaw, golden slit eyes, and forked tongue. I wonder kung anong pakiramdam na humalik ng isang ganong nilalang?
My gosh! I am getting turned on! Hindi dapat ako nagkakaganito, eh! Influence siguro ito ng binabasa kong books. Oh, baka naman gano’n lang talaga ang type kong lalake? Wala pa akong nagiging boyfriend. I mean, hindi naman ako maganda, hindi katulad ng mga babae rito. Sa pagbabasa lang ako interesado at sa aking pag-aaral.
Gusto ko lang makapagtapos for my parents na naghirap na itaguyod ako. This is for them kahit wala na sila. My mother died because of cancer at ang Papa ko naman, namatay in the line of his active duty as a Marine. Mabuti na lang at may iniwan sila sa akin, and that got me through. Nag-iisa na lang ako sa buhay, but I have my books with me.
Matapos ang aking mga class nang araw na ‘yon, umuwi agad ako sa dorm. Doon ay naligo ako sa communal showers at bumalik sa aking dorm room na nakabihis na. My roommate was waiting for me since sabay kaming pupunta sa isang sorority initiation ngayong gabi. Hindi ko alam kung anong ipapagawa nila sa amin, but I hope it doesn’t involve anything painful or s3xual.
"Why are we even joining this thing?” tanong ko sa kanya na naging kaibigan ko na rin.
“Dahil akialngan ko ng kasama. Tsaka maraming advantages pag natanggap tayo sa grupo nila. All around frat parties everywhere na invited tayo. Tapos makakalapit pa tayo sa mga hunky men university.” excited niyang sabi at napa-roll eyes lang naman ako.
“Nandito tayo mag-aral at hindi makipaglandian sa mga lalake. Mabuti sana kung may type ako sa kanila.” inis kong sabi.
“Weird ka kasing babae! Ang mga type mo, werewolf, blue aliens, at ang latest mong type ngayon ay isang half man at half spider.”
“Hey! They may be fictional, pero hindi naman sila mayabang at puro sports alng ang nasa isip. At least they take care of their woman," bahagya niya akong tinulak.
“Sinabi mo na rin, fictional sila. Hindi sila totoo kaya enjoy-in mo ang college life mo habang hindi pa tayo sumasali sa working force. Marami namang matinong lalake, eh, pero ikaw mismo ang umaayaw.” Hindi ako sumagot pero tinulak ko rin siya.
Nang makarating kami sa malaking bahay ng sorority, pumasok na kami. Naroon na rin ang mga ibang babae na sasali rito, at pinaglinya na kami agad. Nagsalita ang president ng grupo at sinabi ang tungkol sa gagawin namin sa initiation. Bumunot na kami ng numbers, and mine was seven. Kitang-kita ko ang gulat sa mga members na naroon. Ngumisi sa akin ang president at tinapik niya ang aking balikat.
“Well, ikaw ang pinakamaswerte sa grupo ninyo.” makahulugan niyang sabi at napakurap naman ako. “You’re the lucky girl na mag-stay sa Golden Scale Mall overnight sa women’s section dressing room!” at pumalakpak pa ito. Natigilan naman ako at hindi nakapagsalita. “Magtatago ka lang naman roon at siguraduhin na hindi ka mahuhuli.”
“You are kidding, right?” sabi ko sa kanya at bahagya itong tumawa.
“No, it's really part of the initiation. Hindi lang naman ikaw ang dumaan doon.”
“Sinasabi mo ba na ang ilang babae na nawala ay dahil sa inyo?” nawala ang kanyang ngiti at tumaas ang kanyang kilay.
“Wala kaming kinalaman doon. At ni minsan walang nawala na babae na dinala namin doon.” sabay boop niya sa aking ilong. “Natatakot ka ba? You can quit if you want. But if you do, hindi namin tatanggapin ang roommate mo.” pinalis ko ang kanyang kamay na nasa aking balikat at ngumisi ako.
“Fine. I will go. Tutal curious din naman ako sa anong nangyayari sa mall na ‘yon. Pero siguraduhin mo lang na hindi ako makukulong. If that happens, I will tell everyone about the initiation.”
“No worries! Hindi ka naman makukulong kung hindi ka mahuhuli, hindi ba? You just stay there for the rest of the night. Pag nagbukas ulit ang mall, pwede ka ng lumabas.” Tumingin siya sa kanyang wristwatch. “May 30 minutes pa bago magsara ang mall, I suggest na pumunta na tayo ngayon.” pagkasabi nito, hinawakan niya ang aking kamay at hinila palabas ng kanilang sorority house.
Kasama ko ang ilang member ng club, and we’re like friends doing last-minute shopping. Ang galing umarte ng mga ito na para bang okay ang lahat. Nang makarating kami sa women’s section ng clothing department. Some were on a lookout habang namimili kami ng mga damit na isusuot ko. They pushed me in one of the dressing rooms at may mga binilin ito sa akin. Napailing lang naman ako and just go with what they want. Besides, I want to solve the mystery in this mall at ito na ang pagkakataon ko.