Lara "Lara, padala naman nito sa table 6." Utos ng manager sa akin. Ngumiti ako at kinuha ang isang tray na may lamang tatlong light beer isang platong sisig at chopped grilled liempo. Pasado 10 pm na ng gabi at marami pa rin ang tao sa loob ng resto. Ang ilang customer pa nga ay galing kabilang bayan, may ilan din na galing pang Maynila. "Here's your order sir." Malambing na sabi ko pagkarating ng table 6 at nilapag isa isa ang order ng tatlong lalaki sa table. Huminto naman sila sa paguusap at hinayaan lang ako habang panay ang sulyap sa akin. "Thanks miss beautiful. Tawagin ka na lang namin pag may kailangan pa kami." Sabay kindat ng may kaitiman na lalaki, ngumisi naman ang dalawang kasama nya. "Sige po mga sir." Nginitian ko lang at tumalikod na bitbit ang walang laman na tr

