Lara Isang linggo na ang nakalipas nung huli naming pagkikita ni kuya Tim. At hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng halik na binigay nya sa akin nung gabing yun na hindi naman nangyayari sa akin pag naghahalikan kami. May iba na rin akong nararamdaman para sa kanya bukod sa pagnanasa. Ayoko na munang pangalan yun dahil baka dala lang ng libog. Nakaalis na rin si Ericson, bago nga sumakay ng eroplano ay tumawag pa sya para magpaalam. Lungkot at saya ang naramdaman ko pag alis nya, lungkot dahil umalis na sya at konting panahon lang kami nag bonding, masaya dahil nag kaayos na kami at naging mag kaibigan pa. At hangad ko rin ang kaligayahan nya at tagumpay sa America. Isang buwan na lang ay bakasyon na, at na pag uusapan naming magkaibigan ang mga balak namin. Si Emily at Gisell

