Lara PUNO NG tawanan ang mahabang hapag kainan habang naghahapunan kaming lahat. Nandito sa bahay si mama at papa pati na rin si Kuya Luis at Ate Darlene. "Hay, sobrang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang nagpapasuso pa ako at nagpapalit ng lampin sa dalawang to. Ngayon naman sila na ang nagpapagatas at nagpapalit ng lampin ng mga anak nila." Ani mama na nagpalipat ang tingin sa amin ni Kuya Luis. Ngumiti naman ako at ngumisi naman si Kuya Luis. "Kaya nga, kung pwede nga lang ibalik ang dati." Sambit naman ni papa. "Wag naman pa, baka mamaya di pa ako ang mapangasawa ni Lara." Sabat naman ni Jarred. Natawa na lang kami. "Hindi halatang patay na patay ka sa kapatid ko bayaw." Sabi ni Kuya Luis. "Aba'y di naman halata. Triplets nga agad puro kamukha pa nya." Sabat ni pap

