Lara NAPAKUNOT ang noo ko sa sinabi ni Jarred. Iniimbitahan daw silang dalawa ni James ni Geraldine na dumalo sa birthday nito next week. Gusto daw nito makabonding ang anak dahil next month ay babalik na ito sa Paris. "Ayos lang naman sa akin hon." Sabi ko. Natigilan sya at tumingin sa akin. "Ayos lang sayo na pati ako kasama?" Tumango ako. "Oo naman, kasama naman si James e. Pero kung ikaw lang ang inimbitahan nya syempre di ako papayag." Sabi ko. Baka kung ano pa ang gawin sa kanya ng bruhang yun maging kriminal pa sya. Halata naman kasing may gusto pa sa kanya ang babaeng yun. "Actually ayoko talagang sumama sweetie." "Pagbigyan mo na hon, kahit pakitang tao man lang. Tutal naman next month aalis na sya. Saka may tiwala ako sayo." Sabi ko. Kay Geraldine talaga ako walang tiw

