Chapter 54

3024 Words

Lara "TULUNGAN NA kita Lara." Alok ni Dustin ng makasalubong sya nito sa hallway na may dalang bundle bundle na bond paper. "Naku wag na, kaya ko na to." Natatawang sabi ko. Hindi naman masyadong kabigatan ito. Wala kasi si Deny na syang taga kuha namin ng bond paper sa stock room. "Ako na, di dapat pinagbubuhat ang babae." Pamimilit pa ni Dustin at kinuha na nga sa mga kamay ko ang mahigit limang bundle ng bond paper. "Salamat." Nakangiting sabi ko. "Bakit ikaw ang kumuha nito?" Tanong nito at sinabayan na ako sa paglalakad. "Wala si Deny eh, kaya ako na lang ang kumuha." Sabi ko. Tumango tango naman ito. "Teka, parang ngayon na lang ulit kita nakita ah. Masyado bang busy sa site?" "Oo eh, nagagawi naman ako dito sa building di nga lang nagtatagal." Sagot nito. "Ah.."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD