[Third POV] "BASTA KUNG ano ang nasa listahan yun lang ang bilhin mo." Bilin ni Nora kay Myla. "Oo ate, ako na ang bahala." Ani Myla at nilagay na sa sling bag ang listahan ng bibilhin sa grocery at pera. "Wag kang mag alala, di magkukulang yan. Laging may pasobra kapag nagbibigay si ma'am. Kung may gusto kang bilhin pwede mong bilhin basta kasya sa sobra." "Sigurado ka ate? Baka hanapin ni ma'am Lara yung sukli." Diskumpiyadong sabi ni Myla. "Oo, saka yun ang sabi ni ma'am. Kapag may sobra sa atin na." Natuwa naman si Myla. Mabait talaga si ma'am Lara at hindi madamot. "Sige ate, aalis na ako." Paalam ni Myla kay Nora. "Mag iingat ka, yung pera ingatan mo ha." "Oo." Lumabas na sa kusina si Myla. Tahimik na ang bahay dahil pumasok na ang mga bata at hinatid ni Sir Jarred k

