Lara NAPATAAS ANG kilay ko habang pababa ng hagdan ng mapansin ang ayos ni Myla na nakasalampak sa caperted na sahig sa sala. Tinuturuan nya sa pagsusulat si Jayson. Nakasuot sya ng bulaklaking shorts na medyo maiksi kaya kita ang mga hita nya na kahit morena ay makinis naman. Ang t-shirt na suot nya ay medyo mababa ang neckline at sumusungaw ang cleavage nya. Dito nga sa kinatatayuan ko ay nasisilip ko na nga ang bra nya. Napapansin ko na nga nitong mga nakaraang araw ang pag iba ng pananamit nya. Bagama't wala namang problema sa akin basta disente pa rin syang tingnan. "Sweetie nakabihis ka na pala, kain na tayo." Untag sa akin ni Jarred na nakaupo sa single sofa. May suot syang salamin habang may tinitingnan sa cellphone nya. Napangisi ako. Gusto ko kapag ganitong nakasalamin sya.

