Episode II - Old Love

1156 Words
Isang napakaganda at magarbong party ang nakikita ni letty sa buong paligid. Malaki ang venue sa hotel na pinuntahan nila. Mukhang mayayaman ang mga pupunta at hindi bastang mga tao lang. Meron pang pa-catering at mga waiter. hmmmm! mukang bigtime talaga ang mga college friend ni mahal, bulong nito sa sarili. "talagang kinakabahan ako ah!". feeling ko talaga may hindi magandang mangyayare. Malakas ang pakiramdam ni letty, hindi pa sya nagkakamali sa kanyang kutob, habang sila'y naglalakad sa loob ay biglang may lumapit sa kanila at tinawag ang pangalan ng kasintahan. "Ramil" pare kamusta na? long time no see ah!. wala na kami masyadong balita sau. Buti nakapunta ka. kaya nga pare alam mo naman focus sa mga nesgosyo ng family. "oo nga pala" girlfriend ko si letty. ay! sya pala ang girlfriend mo pare ah! iba ka talaga ramil pumili. kaya pala masyado kang busy!. sabay tawa nito. hello letty nice to meeting you. tugon ng lalaki kay letty haha! hangang ngaun hindi kapa din nagbabago jim. Ano graduate kana ba sa pagbibilang ng babae??. Oh! mahal bat parang ang tahimik mo yata?, hindi kaba masaya? may problema ba?. nangangambang tanong ni ramil sa kasintahan. Naku! mahal hindi ah! masaya ako noh! muka lang hindi, hahaha! sabay tawa ng mahina. E! ba't parang feeling ko hindi ka masaya!. Mahal naman syempre ikaw lang naman ang kilala ko dito tpos may mga kausap kapa, at yung mga friends mo naman hindi ko ganun ka-close. Ok! i understand, basta kung may kailangan ka magsabe kalang sa akin. Sige mahal, don't worry about me, mag enjoy kalang dyan. Palinga-linga lang si betty sa paligid at pinagmamasdan ang mga taong nandoon. Hangang parang may biglang angel na dumaan at biglang natahimik at natulala ang lahat. Napakaganda ng babaeng iyon na kahit si letty ay napapatulala sa kanya. Naglalakad ang babae palapit kung nasaan naka upo sila betty at ramil. "Scarlette" sigaw ng isang ka batchmate ni ramil. At lahat ay binati siya at akala mo nga ay nakakita ng isang artista. "Parang mas lalo kang gumaganda scarlette, buti naman at nakapunta ka". "Oo naman" syempre pupunta talaga ko, gusto ko kaya kayong makita namiss ko din mga bonding natin. Oh! ramil, you're also here i thought di na kita makikita. "Hi scar" nice seeing you again, syempre pupunta ko . sambit ni ramil. Uyyyyy! hiyawan ng ibang taong nanduon.. Ano bang sinasabe nyo baka nakakalimutan nyo andyan lang naman yung girlfriend ko. sambit ulit ni ramil. Natahimik naman ang mga kabatchmate nilang nang aasar, na parang napahiya sa kanilang ginawa. By the way! scar this is letty may girlfriend and soon to be my wife. hi! scarlette nice to meet you. sambit ni letty kahit medyo naiinis na sa mga kabatchmate ni ramil. oh! so you're the present and soon to be the future. Am i right letty?. ahm! yes. matipid na sagot ni letty. Medyo napaisip si letty sa mga salitaan ni scarlette na parang may gustong sabihin. Kahit nabigla at masaya ang kalooban ni letty sa sinabi ng kasintahan na sya ang magiging future nito. Ramdam na ni letty na parang may dapat syang malaman sa kasintahan. Hindi nadin mapalagay si letty sa tuno ng pananalita ni scarlette. Habang nagmamasid lang si letty sa nangyayare sa paligid isang pangyayare ang labis nyang kinabahala. Galing syang comfort room nang makita nyang nag uusap ang dalawa, si ramil at scarlette at parang seryoso ang kanilang pinag uusapan. Hinayaan nya lang ang dalawa at pinakiramdaman kung ang kutob nya na hindi maganda ay walang iba kundi ang magandang babae na kausap ng kanyang kasintahan. Dahil sa hindi na talaga mapalagay si letty, nagtanong na sya sa isa sa mga bisita doon. "Excuse me" can i ask you something if you don't mind. Yes! what is that? sagot ng isang babae na nakaupo. I just want to know kung anong meron kay ramil at scarlette kasi parang may something sila sa past. ah! yeah! lover sila before nung college kami, and sa pagkakaalam namin first love ni ramil si scarlette, matagal din nyang niligawan. Kaya lang pumuntang ibang bansa si scarlette para doon na mag aral. Tpos na heartbroken si ramil sa kanya. so! naging sila ba ? we don't know kasi masyadong malihim yan si ramil. Hindi sya nagkukwento ng buhay nya. Masyadong private yan pagdating sa life nya. Diba ikaw ang girlfriend nya hindi ba nya nakwento sayo?. tanong ng isa pang babaeng bigla nalang sumabat. ahm! sige salamat. At naglakad na si letty palapit kay ramil ng bigla itong nagulat ng makita sya. Oh! mahal kanina kapa ba nandyan? No! halos kararating ko lang. Mukang seryoso pinag uusapan nyo ah!. baka gusto nyong ishare. Pabirong sambit ni letty na may halong pag ngisi. ah! wala mahal nagkakamustahan lang kme. yeah! right, you know about our past. about our life now and ..... Scar!! biglang sambit ni ramil. Umismid ang mukha ni letty ng biglang nagsalita ang kanyang kasintahan. Mahal may ayaw kabang sabihin bat parang pinipigilan mong magsalita si scarlette. No! mahal wag mong bigyan ng meaning yun . Syempre dapat masaya lang tayo diba? yes! letty wag kang mag alala wala na un noh!, ikaw naman ang present nya. Kaya wala kang dapat isipin. Naka-ngising sambit ni scarlette na may halong pang iinis. After that convo with scarlette, si ramil na ang nag ayang umuwi. "let's go home na mahal medyo antok na ko saka napapagod nadin ako" hindi mo naba tatapusin ang party?? tanong ni letty. No need naman tapusin as long nagpakita ako sa kanila. At nagpaalam na nga si ramil sa mga kaibigan. except kay scarlette. Habang binabaybay nila ang daan bigla nalang nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong si letty. Sya pala ang first love mo? Gulat ang mga mata ni ramil ng marinig ito sa mismong kasintahan. Huh? knino mo naman nalaman yan? Magdedeny kapa ba?? ba't di mo nalang aminin. Gusto ko lamg malaman Ok! pero sana hindi natin to pag awayan mahal. Si scarlette ang first love ko pero never naging kame kahit nung pumunta pa sya sa ibang bansa. oo, niligawan ko sya pero di nya ko sinagot dahil ayaw nya ng long distance relationship. Namiss mo ba sya nung nakita mo sya kanina sa party? Walang ganun mahal, nagulat lang ako dahil andun sya. Wala ka naman dapat ipaghinala mahal dahil hindi kita lolokohin. Kahit ganun ang sinabe ng kanyang kasintahan, hindi padin sya matahimik Alam mo naman mahal kung gaano kita kamahal diba ? Sana lang hindi mo ko ipagpalit sa iba. Mahal lasing kaba ? Hindi ko kayang iwan ang mahal ko ng ganun lang. Wag ka masyado mag isip mahal. Wag mo ng problemahin si scarlette, dahil ikaw lang ang mahal ko. Kahit paano ay napanatag naman ang utak ng babae sa mga binitawang salita ng kanyang kasintahan Past is past alam kong ako lang ang mahal ni ramil. binulong nito sa kanyang utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD