
"Hindi ko aakalain na magmamahal ako ng isang tao kahit alam kong mali".
"Nakakapagod talaga" wika ni letty habang nakaupo at naghihintay na matapos ang oras ng kanyang trabaho, isang simpleng empleyado si letty sa isang magandang kompanya sa maynila. Galing sa isang simpleng pamilya na ang gusto lang ay kapayapaan sa buhay.
Si letty ay simpleng dalaga at may kasintahan na pinapangarap ng halos lahat ng babae. Matipuno, mabaet, malambing at higit sa lahat may takot sa dyos at mapagmahal sa magulang at kapareha.. Ito ay si Ramil na isang anak mayaman, ngunit hindi pinalaking spoiled brat ng kanyang mga magulang. Nag mamay-ari ng hacienda at mga pamilihan sa kanilang lugar. Kaya naman napakaswerte ni letty na magkaroon ng isang kasintahan na katulad ni ramil. Matagal nadin silang magkasintahan at tanggap naman sila ng kani-kaniyang magulang. Mahal na mahal ni letty si ramil at ipinangako nyang ang lalaki lamang na iyon ang kanyang iibigin hangang sa kanyang huling hininga. Gayun din naman ang lalaki.
"Mahal" bakit parang malungkot ka ata tanong ni ramil kay letty. Wala mahal napapagod lang ako sa trabaho lagi nalang kasi kame pinapa extend ni boss. Minsan nga gusto ko ng magresign. Huh!! magresign? napapagod ka lang mahal magreresign kana??. Diba sabe mu may gusto kang marating at gusto mung tulungan ang mga magulang mu. Kaya wag ka mawaoan ng pag asa mahal. Tahimik na nakatitig lang si letty sa kasintahan. Sa isip nya "ou nga pala marami akong pangarap sa mga magulang ko". "wag kang susuko letty napapagod kalang". Hindi nabiyayaan ng magandang pamumukay ang babae malayong malayo sa buhay na meron ang kanyang kasintahang si ramil. Kaya naman pursigidu si letty na magtrabaho sa magandang kumpanya. Para sa pamilya at kahit paano ay may maipagmalaki sa magulang ng kanyang kasintahan. Isang magsasaka ang mga magulang ni letty at nagpakahirap ito para sya'y makapagtapos ng kolehiyo. kaya naman ganun nalang ang pagpupursige ng dalaga na maiahon sa hirap ang kanyang mga magulang.
Habang nasa trabaho si letty isang pangyayare ang hindi nya inaasahan at magpapagulo ng kanyang mundo. Nakaupo lamang siya at nagtatrabaho ng araw na iyon. Wala naman bago sa araw na yun hangang sa isang sulok ng kanilang opisina may pumukaw ng kanyang mga mata. Matangkad, maputi, chinito at talaga naman mapapatitig ka sa isang taong nakaupo duon. 'jessi' tawag ni letty sa kaibigan. "bakit ba ?? ano nanaman ba yun busy ako girl sabay tawa ng malakas. loka ka talaga lumapit ka muna dito dali!. May itatanong ako sayo importante , habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa lalaking nakaupo sa dulo ng pasilyo. " oh! ano ba un Make sure lang bakla na importante yan ah! alam mu naman ako may booking pa ko mamaya kaya nagmamadali ako hahaha! charrrr!. Magseryoso ka nga , ano nga kasi yun ?? tanong ni jessi sa kanya. Bakla nakikita mu ba yung lalaking nakaupo sa dulo ng pasilyo ? ah! yun ba yung maputi ?. "Oo" , ay anak yan ni boss si sir Tj sya muna kasi mag aasikaso nitong kompanya gawa ng pupuntang ibang bansa yung papa nya kasi may business trip baka matagalan daw. bakit ba? naku!naku! letty may poging jowa kana huh!. abay wag ng kumati. Hoy! grabe ka naman naitanong ko lang naman kasi ngaun ko lang sya nakita. Saka kahit sa panaginip hindi ko ipagpapalit si ramil noh!. Daig ko pa naka jockpot sa kanya. Okay! sagot ng kaibigan nya. Ngunit may mga tanong na nabubuo sa utak nya. " Bakit kaya iba yung pakiramdam ko? bakit kaya parang nararamdaman ko yung pakiramdam nung unang nakita ko si ramil?. Habang nakatitig sya sa lalaki bigla naman itong napatingin sa kanya at ngumiti. oh! my god ano tong nararamdaman ko para akong nakukuryente. bigla nyang inalis ang pagkakatingin sa anak ng kanyang boss at tiningnan ang picture nila ni ramil. Alam nyang mahal na mahal nya ang kasintahan kaya naman imposibleng magkagusto sya sa iba. "Siguro na-amazed lang ako sa kanya kasi maputi at chinito si sir tj".
After work nakaugalian ng sunduin si letty ni ramil. Paglabas nya ng gate ay sinalubong sya ng magandang ngiti ni ramil na nagpapatunaw ng kanyang puso at nagpapakilig. "grabeee ka mahal kinikilig padin ako sa mga ngiti mo kahit matagal na tayo". "Abay dapat lang sa mga ngiti ko lang kikiligin ang pinakamamahal ko, baka naman may nagpapakilig sayo dyan sa mga kawork mo ah!. huh? ano kaba mahal siguro naman nakikita mo mga kawork ko ang layo nila sayo. Asus!! nagseselos kaba?? . ako ? bakit ? bawal ba magselos ? .. naku naman kaya lalo akong naiinlove sayo eh! . tara na nga umuwi na tau para makarami, sabay ngiti ng nakakaloko. Huh??? ano sabe mo mahal ? . Wala sabe ko para makarami ng kaen kasi kanina pa ko nagugutom. Kitang kita ni letty sa mga mata ng kasintahan kung gaano sya kamahal nito.

