Pagkabangon sa higaan ay agad na akong tumayo upang kahit papaano'y makapaghilamos man lang dahil panigurado, magulo na naman ang hitsura ko. Paano ba naman kasi, halos tatlong oras lang ang tulog ko. Huling naaalala ko ay nag-iinuman kami kasama yung dalawang babae na nasa park din kahapon. Kumusta kaya sila? Sana naman nakauwi sila nang ligtas. Akmang bababa na ako mula sa inuupuan kong kama nang mayroong biglang humiyaw. Dahil sa narinig ay nanlaki ang mga mata ko kaya't hindi ko napigilang mapasigaw rin. Paano ba naman kasi, pagkatapak ko ay natapakan ko pala ang isa sa mga kasama namin kagabi na natutulog sa malamig na sahig. Sa sobrang lakas ng hiyawan ay pati ang mama ni Carrisa ay napatakbo patungo sa kuwarto upang malaman kung ano ang pinagmumulan ng ingay. "Hoy! Anong n

