In just 10 tries, i finally got the toy! Sobrang saya ko nung makita kong hindi na binitawan nung machine yung toy na kanina ko pa gigil na gigil na makuha. Sa saya ko, binigay ko yung remaining 90 tokens ko run sa bata kapalit nung lima niyang stuffed toy na nakuha. Galing naman ng bata na to. May tricks ata siyang ginamit eh. Pagkatapos kong makuha yung laruan, deretso na akong lumabas sa mall at saka umuwi muna sa bahay to read some books. Masaya akong lumabas ng mall habang masaya kong yakap ang panda stuffed toy na kasinlaki ng aso. Alam ko naman kasi na after all these times, mahal niya pa rin si Natan kahit na ginago na siya kaya baka matutuhan niya rin akong magustuhan kapag naramdaman niya yung pag-aalaga ng isang tunay na nagmamahal sa kaniya. Nang makasakay na ako sa ko

