"Ah, ma'am. Do you have any ID on you? You don't look like you can even afford a drink in this prestigious bar," nakakagigil na sabi ng babakla-baklang receptionist ng bar nang bigla niya akong harangin. "Ah...hind–" natigilan kong sabi nang biglang may lumapit sa kaniya at biglang mayroong ibinulong. Laking takot na lamang ng matapobreng bakla at tila patakbo pa itong pumasok sa loob. "Pasok, ma'am," pagbati sa akin ng lalaking ubod ng laki ang katawan. Security guard ata siya rito. Halata naman dahil sa baril na nakasabit sa belt niya. Sasabihin ko pa sanang hindi ako papasok dito pero ang hirap kontrahin ng flow ng mga tao. Ganoon kasikat ang bar na ito. Hindi lang siya basta pipitsuging bar dahil sa entrance pa lang, mamatahin kana at tila mayayaman ang lahat ng nandito dahil

