Naramdaman kong mayroong bumuhat sa akin palabas ng bar. "Get her to the car. We're going somewhere," malambing na tinig ng lalaki kanina. Kahit na bagsak na bagsak na ako buhat ng kalasingan ay alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko. Nang inihiga na ako sa backseat ng sasakyan ay sinamahan ako ng misteryosong lalaki at binayaan pa nga akong ihiga ang ulo ko sa kaniyang mga hita. Nang tumama na ang air-conditioning sa aking balat ay tuluyan na akong nakatulog. Nagising na lamang ang aking diwa nang nakahiga na ako sa malambot na kama kahalikan ang mabangong lalaki. Hinding hindi ko malilimutan ang tila tsokolateng amoy na iyon. Grabeng init ang nararamdaman kong bumabalot sa aking buong katawan at hindi ko ito maipaliwanag. Sa sobrang init ay gusto kong alisin ang lahat

