Bigla akong napabangon nang maramdaman ang sinag ng araw na siyang sumampal sa akin, mula sa mahimbing kong pagkakatulog. "Ahhhhh. Ang sarap ng tulog ko," banggit ko pa nga nang nag-stretching pa ako. Laking gulat ko na lamang ng akma na sana akong tatayo ay naramdaman kong may kung anong sa katawan ko. Parang...parang malamig ata ang kwarto ko ngayon at isa pa, bakit sobrang lambot ng kama at mga kumot? "s**t! Anong nangyari? Bakit ganito?!" gulat kong sabi nang iangat ko nang kaunti ang blanket at mapagtanto ko na hubot-hubad ako! Isa pang nakapagpagimbal sa akin nang magpalinga-linga ako at napansing nasa ibang kwarto ako. "Leiden! Anong katangahan na naman ba ang pinaso mo?" pagtatanong ko sa aking sarili habang pilit na inaalala ang nangyari. Sumakit lang ang ulo ko kaiiis

