"Uhh..." halinghiling ko. Buong lakas akong napakapikit sa frame ng kama ng sadyain niyang dilaan ang leeg ko.
Buhat ng kalasingan, halos hindi ko na maaninag ang mukha ng lalaking kanina pa humahalik sa aking leeg, pababa sa aking dibdib. Halos hindi ko na maimulat ang aking mata dahil sa sarap na dulot nito. Dagdag pa ang mabango at mainit na buga ng kanyang hininga, na siyang lalong dahilan upang kumawala ang paruparo sa aking tiyan.
"You ready?" malambing niyang tanong, habang pababa nang pababa ang kanyang halik na animoy nang-aasar pa.
"Please..." tanging nasambit ko.
Ramdam kong pumatong na siya sa akin. Wala naman akong magawa kung hindi ang hintayin na lamang ang lalaking ito na sakupin ang buo kong pagkatao.
Nang sandaling ipapasok na niya ang kanyang p*********i ay bigla pa itong natigilan, na animoy nagsisisi sa kanyang ginawa.
"You're a virgin," aniya.
Hindi na ako pumalag pa nang tuluyan na niyang hagkan ang katawan ko. Sumasabay ako sa indayog na kanyang nililikha, kahit ramdam ko ang pagpunit ng aking laman. Masakit, ngunit masarap. Ito pala ang nais ni Natan sa akin na hindi ko maibigay.
"Fvck! You're so good!" nanggigigil na saad sa akin ng lalaki habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.
Gustuhin ko man makita ang mukha niya ay tila napakalakas ng tama ng alak sa akin, kaya pinagsasawalang bahala ko na lamang iyon. Dagdag pa ang madilim na paligid na siyang humahadlang, upang makilala ko kung sino ang lalaking umaangkin sa akin. Ngunit dumako ang tingin ko sa kanyang mata. May kung anong mahiwaga rito, kaya hindi maalis ang paningin ko, at pinipilit na buklatin ang talukap. Sumakto naman ang ilaw na nanggaling sa labas, kaya sa wakas ay nakita ko rin.
Parang tubig sa dagat ang kanyang mata, dahil sa kulay nitong asul. May kung anong bumabalot sa likod niyon, ngunit hindi ko maintindihan kung ano. Ang natatandaan ko lang ay galit at poot.
Makalipas ang ilang minuto ay walang anu-ano’y umalis siya sa pagkakadagan sa akin. Naramdaman ko na lang ang mainit niyang bisig na yumayakap sa malamig kong katawan. Dahil sa panlalambot, hinayaan ko na lamang ang sarili ko sa ganoong sitwasyon. Amoy na amoy ko pa ang tsokolateng amoy ng kanyang hininga. Ang aroma ng kanyang pabango na nagkalat na sa buong silid. Kahit pakiramdam ko'y may kulang na akin, parang panatag ang loob ko na kasama ang lalaking estrangherong ito hanggang sa pagtulog.
DALI-DALI akong napabangon nang maramdaman ang sinag ng araw na siyang sumampal sa akin, mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Laking gulat ko na lamang ng akma na sana akong tatayo, ngunit naramdaman kong may kung anong sa katawan ko. Parang...parang malamig!
"s**t! Anong nangyari? Bakit ganito?!" gulat kong sabi nang mapagtanto na hubot-hubad ako!
Isa pang nakapagpagimbal sa akin nang magpalinga-linga ako at napansing nasa ibang kwarto ako.
Sari-saring pag-iisip ang pumasok sa utak ko, habang inaalala ang nangyari kagabi. Baka kung sino-sinong lalaki ang umangkin sa akin. Baka ginahasa ako, baka pinagnakawan at ginahasa! Oh, hindi kaya baka may balak silang patayin ako, pero dahil maganda ako, ginahasa na lang nila ako!
"Gaga ka talaga!" Sinabunutan ko ang sariling buhok at dali-daling sinuot ang damit ko. Pagpulot ko ng panty sa sahig, napatigil muna ako panandalian at nakaisip ng paraan kung talagang may gumalaw ba sa akin kagabi o imahinasyon ko lang 'yung lalaki na 'yon.
Pagtusok ko sa kaibuturan ko, bigla akong nagulat. Ang sakit nga at iba na 'yung hulma!
"Lintek na Leiden ka talaga! Broken ka na nga, nagpabutas ka pa sa estrangero!" sermon ko sa sarili. "Ano na lang sasabihin ko kina mama at papa pag-uwi ko? Na broken ako, kaya ako nagpa-virgin? Kaasar!"
Kahit masama ang pakiramdam ko at iika-ika pa akong maglakad ay pinilit ko ng lumabas mg kwarto. Paglabas ko, nakasabay ko rin 'yung ibang mag-asawa o kabit ang mga 'to, dahil todo lingkis 'yung babae. Mukha lang namang tipaklong.
Napapikit ako ng maramdaman kong nagsisimula nang humapdi ang ibaba ko. Nakakainis!
Kaagad naman akong lumabas ng hotel, ngunit bago umapak ang paa ko sa labas ng hotel, binati pa ako ng mga receptionist. Sana raw nag-enjoy ako! Sinamaan ko tuloy ng tingin 'yung babae, kaya nawala 'yung ngiti niya sa labi. Mukha ba akong nag-enjoy rito?
Kahit kilala ang Bridge Hotel bilang prestihiyosong hotel sa Pinas, hindi pa rin ako masisiyahan! Dito ako nawalan ng dangal. Isa pa, hindi ko pa kilala 'yung hayop na lalaking iyon! Tanging naalala ko lang sa kanya, 'yung amoy caramel niyang katawan, pati 'yong asul na mata! Basta! Mukha namang gwapo, pero hindi ko dapat problemahin 'yon!
Hindi pa ako tapos kina Natan at Mia! Humanda ang ahas na 'yon sa'kin!
"Para manong!" Tinaas ko kaagad ang kamay ko nang sampung metro pa lang ang layo ng taxi sa akin. Meron din kasi akong kasabayan, kaya makikipag-unahan ako.
Isa pa, baka may makakita sa'kin dito sa tapat ng hotel, sabihin pa sa akin na nagpa-part time ako rito para magbenta ng katawan.
"Ay, ako ang nauna e!" reklamo ng babaeng may kaakbayang lalaki. Ang arte pa ng pagkasabi niya, kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Manahimik ka!" gigil na sabi ko, tsaka hinawakan ang pinto ng taxi. Hindi naman sila makapalag, dahil nauna na akong pumasok.
May love life na nga, hindi pa magpa-ubaya sa single na tulad ko.
"Saan po sila Madam?" tanong ni kuyang Driver, habang nakatingin siya sa akin sa rear view mirror.
"Sa MCG manong," saad ko, tsaka ko siya tiningnan.
Napairap na lang ako ng makitang nakangisi pa si kuyang driver. Kung mamalasin ka nga naman! Broken hearted ka nga, pinagnakawakan ka pa ng p********e, tapos, ang masasakyan mo pa, isang nognog na mukhang manyakis!
Imbis na makipagdiskusyon, binuksan ko na lang ang windshield ng sasakyan at nilibang ang sarili sa pagtingin ng mga sasakyang nasa labas.
Halos limang minuto lang ang byahe papunta sa MGC, kaya naman pagkabayad ko ay kaagad na akong tumakbo papasok ng building, ngunit biglang sumigaw si manong driver.
"Miss, kulang ng singkwenta ang bayad mo!" aniya.
"Okay lang 'yan, Kuya! Kota ka naman sa kakatitig sa akin kanina, eh!” sigaw ko pabalik at dire-diretso na akong pumasok sa loob ng building.