CHAPTER ONE

1099 Words
"Bago?" sigaw ni Carrisa, kaya kaagad kong tinakpan ang ginagawa kong love letter para sa anniversary namin ni Natan. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Alam mo, wala na kamo akong privacy sa'yo!" inis kong sabi. "Lahat na lang binabasa mo. Kung hindi text message, love letter naman!" "Sorry naman, Lei." Umupo siya sa mesa ko. "Eh, para saan ba kasi 'yan? May pa "pati banig, yayanig!". Jusko! Ang corny mo." "Ano ka ba, Carissa? Nakalimutan mo bang anniversary na namin sa susunod na araw ni Natan? Gusto ko lang siyang sorpresahin 'no? Tsaka, sigurado ako, kapag nabasa niya 'tong love letter na 'to, baka nasa tapat pa lang ako ng pinto ng apartment niya, nakahubad na siya," kinikilig kong sabi. Binatukan naman niya ako, kaya nawala kaagad ang pag-day dream ko. "Aray ko ha? Ang bitter mo, porket wala ka lang jowa e!" inis kong sabi. "Aanhin ko ang jowa, Leiden. Kung ang jowa ko naman, e hindi man lang ako masundo kahit minsan sa trabaho!" aniya. Grabeng real talk 'yun ha? Parang bigla akong sinaksak sa pusod. "Huy grabe ka naman! Syempre ano... busy rin siya sa pag-aaral! Nag-aaral siya nang mabuti para sa future namin!" dipensa ko. "Sus!" Tumayo si Carissa at tiningnan ako nang masama. "Ang sabihin mo, busy sa pambababae! Bahala ka nga riyan! Ang martyr mo talaga! Hindi mo alam, baka limang taon ka na rin niloloko niyan!" Hindi na ako nakasagot pa, dahil kahit ako ay natulala rin sa sinabi niya. May tama naman si Carissa, dahil tatlong beses na akong niloko ni Natan. Sa limang taon namin, halos hindi pa rin niya ako masundo-sundo rito sa work ko, dahil lagi raw siyang busy. Ewan ko ba, pero minsan, kahit hindi na kapani-paniwala naniniwala pa rin ako sa kanya. Tanga ko ba? Wala, e. First love ko. Habang abala ako sa pag-iisip ng idudugtong ko rito sa love letter na ginagawa ko, bigla namang kumunot ang noo ko, nang marinig na naman ang nakakarinding boses ni Madam Ivan. Nagtatalak na naman siya, dahil panay palusot raw ng mga sinisingil niya. "Sus! Ang sabihin mo, puro lalaki lang inaatupag mo," pabulong kong sabi. Hindi ko talaga mapigilan 'tong bunganga ko, kapag naiinis ako. Hays! "Anong sabi mo?" mataray na sabi ni Madam Ivan na nasa likuran ko pala. Humarap ako sa kanya at pinandilatan siya ng mata. "Eh, bakit? Totoo naman diba? Reklamo ka nang reklamo sa trabaho, pero wala ka namang ginagawa! Puro ka lang cellphone nang cellphone!" "Ikaw mahadera ka talaga, ha? Gusto mo ng away?!" inis niyang sabi at susugod na sana siya sa akin, ngunit biglang sumigaw ang head naming si Mrs. Matteo. "Mr. Lim! Ms. Cruz!" sigaw nito. Hindi ko alam kung matatawa ba kami sa sigaw niya o matatakot. Paano naman kasi, iyong boses niya, parang boses ni Jericho sa Ghost fighter. "Lagi na lang kayong nagbabangayan! Gusto niyo bang ilipat ko kayo sa ibang department?!" sigaw niya. Yumuko naman ako at umiling habang kagat-kagat ang ibabang labi ko. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa loob ng office, ngunit nang umalis na muli si Mrs. Matteo ay ginaya naman siya ng iilan naming officemate. Muli akong napatingin sa simpleng love letter na ginagawa ko. "Mamaya ka na lang nga," saad ko, saka sinuksok iyon sa aking bag. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagta-trabaho. Kailangan kong kumayod ngayon, dahil malaki-laki na naman ang gagastusin namin ni Natan sa date namin. "Hoy, Ma'am! Anong napulot ang cellphone? Manahimik nga kayo riyan! Utang kayo nang utang, tapos ngayon, ayaw ninyong magbayad?!" inis na sabi ko sa kabilang linya. "Eh, sa anong magagawa mo? Kapal ng mukha mo, ha?! Napulot ko nga itong cellp—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita, dahil kanina pa namumula ang mukha ko sa inis. "Ano bang gusto mong mangyari, ha? Kapag hindi ka nagbayad within this week, iaakyat ko ito sa taas! Tandaan mo, Mrs. Teodoro may copy kami ng mga Id's mo!" pananakot ko. Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ko. Nakakainis ang mga taong ito! Kapag nangungutang, kung hindi sila magse-send ng hubad nilang picture, magmakaawa pa sila! Kapag pinautang naman, pahirapan sa pagbabayad! Sasabihin, mukha ka pang pera! "Huy, Lei..." Tinanggal ko ang headphone, tsaka hinarap ang tumawag sa akin. "Tara na! Palamig ka muna," pag-aaya ni Carissa. Pagtingin ko sa wall clock, hindi ko namalayan na break time na pala namin. Kapag ganitong oras talaga, inuubos ng mga 'yun ang pasensya ko 'e. Tamad akong tumayo at sinabayan sa paglalakad si Carissa papuntang cafeteria. Sa totoo lang, wala akong ganang kumain ngayon, dahil nainis ako sa customer na nakausap ko. Alam ko, mukha akong pera! Kailangan ko 'yun 'e. Pero hindi man lang ako nakabawi sa pagmumura ng panget na 'yon! "Nangingibabaw talaga ang boses mo Leiden kapag ganitong oras, ano?" Singit ni Alvin sa amin habang naglalakad. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. "Nako! Kahit ako, mapapabayad ako ng wala sa oras, kung si Lei ang maniningil 'e," tawang-tawang sabi ni Carissa. Sinamaan ko naman sila ng tingin. Kapag talaga nagsama ang dalawang 'to, alam ko ng ako ang pagti-tripan nila. Pasalamat talaga sila, wala akong lakas ngayon. Pagdating namin sa cafeteria, dumiretso na ako sa dati naming upuan, na katabi ng bintana. Habang si Carissa naman ang nag-order ng pagkain. Habang hinihintay ko si Carissa, nilibang ko muna ang sarili ko sa pagtingin ng mga puno sa labas. Kaya gustong-gusto ko rito sa tapat ng bintana dahil nawawala ang stress ko sa mga clients. Dagdag pa na presko ang hanging sumasampal sa akin. "Hindi ba 'yan yung kabit ni Natan?" Biglang nagpintig ang tainga ko sa aking narinig. Dahan-dahan akong humarap sa nagchichismisang mga babae sa harapan ko at pinaningkitan ko sila ng mata. Wala pa rin silang tinag at nakatingin pa sila sa akin. "Grabe siya nga!" dagdag pa ng kasama niya na kamukha ni Betty Lapea. Pasimple ko silang tiningnan habang nakasalo ang aking baba. "Alam ninyo? Ang papanget niyo na nga...wala pa kayong magawa sa buhay kung hindi magchismisan," saad ko saka ko sila nginitian. Mabuti na lang at dumating na si Carissa dala ang isang tray ng order naming pagkain. Kaagad kong kinuha 'yung pinabili kong halo-halo, para naman mabawasan ang init ng ulo ko. Dumagdag pa 'tong dalawa sa harapan ko, kaya todo ang pagsimsim ko sa straw. "Sino na naman ba ang inaaway mo?!" Napansin yata ni Carissa na kanina pa ako nagro-rolled eyes. "Paano, sinabihan ba naman akong kabit ni 'Natan!' E, jowa ko 'yun e!" Nilakasan ko ang pagkasabi ko, kaya napanganga na lang ang dalawang pangit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD