CHAPTER TWO

1006 Words
"Babe, i-try mo ha? Fifth anniversary natin 'yun! Dapat mag-celebrate naman tayo!" pagmamaktol ko kay Natan, habang nanunuod kami ng T.V. Nandito kasi ako sa apartment niya. Day-off ko ngayon, kaya gusto ko sanang mag-refresh. Eh kaso, mukhang napasama pa yata dahil bumanat na naman si Natan sa akin na may lakad daw siya bukas. Sa mismong anniversary namin! Tinanggal naman niya ang pagkakaakbay sa akin at tiningnan ako. "Tingnan ko, babe, ha? Bukas na kasi 'yung deadline ng autocad namin, kailangan na namin iyon ipasa." Pinagpatuloy kasi ni Natan ang pag-aaral niya bilang Engineering student. Suportado naman ako sa kanya, kahit madalas wala na siyang oras para sa akin. "Edi... pagkapasa mo na lang? Tapos sunduin mo ako sa office! Mag-date tayo, kahit sa tabi-tabi lang!” suhestiyon ko. "Nge?" Umalma siya. "Hindi pwede, babe! Pero sige, ganito na lang. Bukas, pagkalabas mo sa office, hintayin mo ang chat ko, tapos date tayo sa paborito mong fast food!" aniya. Bigla namang kuminang ang mata ko sa sinabi niya. "Totoo?" naiiyak kong sabi. Kapag talaga kay Natan, tumitiklop ako. Parang bata akong napagbigyan. "Oo naman! Basta ba, ihahanda mo na ang sarili mo sa'kin?" Binigyan niya ako ng mapanuksong tingin. Umayos naman ako ng upo at tiningnan siya nang masama. "Diba sabi ko, ibibigay ko lang ang perlas ko, kapag nag-propose ka na?" Nilahad ko ang kamay ko. "Pwes, singsing muna!" saad ko. Bigla siyang sumimangot, kaya sa gigil ko ay kinurot ko ang pisnge niya. Natan is my long time boyfriend. Nakilala ko siya noong pareho kaming um-attend sa JS Prom noong college. Well, hindi sa pagmamayabang, pero ako 'yung Queen of the Night at siya ang King ko. May itsura naman talaga kasi ako. Lagi nga akong pambato bilang muse sa section na napupuntahan ko, kaya medyo kilala na rin ako sa university namin noon. Until nagpakilala si Natan sa akin. I was 21 years old back then, at graduating student na rin kami pareho, kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinagot ko na siya, kahit nakakarinig ako ng iilang bad comments toward him. Huminto si Natan ng pag-aaral, dahil nalaman niyang may bagsak siya sa mga major subject. Kaya ngayon, ako muna ang nagta-trabaho, habang siya naman ay nag-aaral. At katulad ng ibang couples, nagkaroon na rin kami ng iilang malalang pag-aaway. Nahuli ko kasi siya na nililigawan 'yung kaklase niya. Humingi naman siya ng sorry, kaya pinagbigyan ko. Pangalawa, nalaman kong gumagamit pa rin siya ng dating app. Kinompronta ko siya, kaya tinanggal naman niya. Sana lang ay hindi na siya magpangatlo, dahil baka mabaliw na ako non. "Babe, diba napag-usapan na natin 'yan?" seryoso niyang sabi. Ngumiti naman ako at saka siya niyakap. "Syempre naman! Joke lang 'yun, ano ka ba!" Habang masaya kaming nagkukwentuhan, bigla namang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa glass table. Walang anu-ano ay kaagad niyang dinampot iyon, at ni katiting wala siyang pinakita sa akin kung sino ang nag-text sa kanya. "Sino 'yan?" tanong ko at pilit na tinitingnan. Pagtapos niyang kalikutin ang cellphone ay pinatay niya iyon. Ilang beses pa siyang napalunok bago sumagot. "Ah, wala! Si... si mama! Kinakumusta tayo. Kumusta ka raw?" pagkukunwari niya. Ramdam ko sa bawat galaw at kilos niya na may tinatago siya. "Pakisabi ayos lang. Mabuti na lang kamo at nandito ang stress reliever ko!" May kung anong kumurot sa tiyan ko, pagkasabi ko niyon. Siguro, hindi talaga sanay ang sistema ko sa pagsisinungaling. Hinayaan ko na lamang iyon, hanggang sa hindi namin namalayan na mag gagabi na pala. Inihatid ako ni Natan, hanggang sa labas, tsaka sinamahang maghintay ng sasakyan. "Ayaw mo ba talagang dumalaw muna kina mama at papa?" tanong ko ulit. Siguro nakatatlong beses na ako sa pagtatanong, hanggang makalabas kami ng apartment niya. "Alam mo namang ayaw ako ni papa mo, diba? Mamaya ipadampot pa ako non sa mga tanod niya," aniya. Sabagay. Ayoko rin naman mangyari iyon. Totoo rin na ayaw sa kanya ni papa, dahil nalaman ni papa ang pinaggagawa sa akin ni Natan noon. Sinumbong lang naman siya ng mga alipores sa munisipyo ni papa, kaya nakarating sa pamilya ko ang balita. Mayor si papa ng lungsod, si mama naman ay isang teacher, kaya medyo respetado ang pamilya namin. Ako lang naman ang pariwara, dahil nag-iisa lang ako na anak. "Sige na nga. Pero sana, bukas ipagpaalam mo naman ako sa amin ha? Para matuwa-tuwa naman sina mama at papa sa'yo!" paalala ko. Ngumiti lamang siya at hinalikan ang ulo ko. Sakto naman at may dumating na taxi, kaya sumakay na ako kaagad. Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko lang si mama na nasa sala, habang abala sa paggagawa ng kanyang lesson plan. "Hello ma," bati ko, saka nagmano. "Kumain ka na ba, anak? Mukhang matamlay ka?" aniya nang tingnan ako. "Opo. Kumain na kami sa labas ni Natan, ma. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Kahapon pa 'to e. Para akong lalagnatin na ewan," saad ko nang umupo sa sofa katabi siya. "Kumusta na pala kayo ni Natan, anak? Tumino na ba ang balahura na 'yon?" Napakunot ang noo ko at bahagyang natawa. "Opo ma. Nagbago naman na ang tao, kaya huwag niyo ng pag-initan," pagtatanggol ko. "Nako, Leiden! Sinasabi ko sa'yo, kapag ikaw, nabuntis ng gagong 'yon, humanda ka sa'min ng papa mo ha? Ilang beses ka na ngang niloko no'n! Ang ganda-ganda mo, hindi ka humanap ng kasing tino mo!" panenermon niya. Imbis na makipagdiskusyon, niyakap ko na lang si mama. "Ma, akyat muna ako sa kwarto ha? Ipapahinga ko lang 'to." Hawak ko sa sentido ko nang hindi ko na mapigilan ang pagkirot nito. "Baka dahil 'to sa stress sa trabaho. Bwisit kasi 'yung mga customer na 'yan. Napakagaling mangutang, hindi naman marunong magbayad!" paghihimutok ko. Nang makapasok na ako sa kwarto, nasulyapan ko pa sa side table 'yong mga props na gagawin ko sana para i-surprise si Natan bukas, kaso huwag na lang. Baka hindi pa matuloy. Itutulog ko na lang 'to para bukas fresh ako sa date namin. Sana lang talaga matuloy 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD