CHAPTER THREE

1659 Words
KInabukasan... Mabuti na lang at nakapag-leave na ako sa trabaho para asikasuhin ang surpresa at regalong ibibigay ko mamaya sa boyfriend ko. Syempre, hindi naman kailangang puro regalo lang. dapat magpaganda din ako, ano! Sbagay, given na'yon e. pero basta! kailangan makita ko 'yung ningning sa mata mamaya ni Natan habang naglalakada ako palapit sa kanya. Una muna akong nagpunta sa mall. Bumili ako ng mga kailangan para mamaya. Balak ko kasi siyang surpresahin sa apartment na tinutuluyan niya, para incase na hindi siya pwede, e may altenate naman akong plano na hindi siya makakatanggi. Bumili na ako ng ballons, flowers na dapat siya ang bumibili para sa akin, pero dahil mahal ko siya, ako na lang ang bibili ng roses. Bumili rin ako ng maraming crepe paper, para medyo may dating naman ang design ko mamaya. Pagkatapos kong mamili g mga palamuti, dumiretso naman ako sa sikat na botique dito sa mall. Mula nung nagdalaga ako, nagustuhan ko na 'yung mga damit nila dito sa Encatadio. Bukod kasi sa kumportable siyang suotin, paborito ko ring magsuot ng mga fitted dress. Nakikita kasi ang magandang hulma ng katawan ko kapag fit ang suot ko, syempre isa na rin doon, aakitin ko mamaya si Natan. Nakangiti namang tumambad ang salelady sa akin na nakasuot ng black na poloshirt.Aki ang nakaukit na pangalan sa gold niyang nameplate. Napangiti rin ako sa maaliwalas niyng pagbati sa akin. Napatitig ako sa kulay tsokolate niyang mata na kahit wala namang espesyal sa akin ay kumikislap iyon na parang diyamante. Ang mahaba at kulot niyang buhok ay lalong bumagay sa morena niyang kulay. "Magandang umaga, Ma'am Lei!" Bati niya. "Mukhang napaaga po ng pagsho-shopping ninyo ngayon ah? Tanong niya, habang palinga linga sa paligid." Siya nga po pla, mukhang hindi ninyo kasama si Mrs. Cruz ngayon?" sunod-sunod na tanong niya. Oo, sa dalas naming mag shopping ni mama dito, kilala na yata kami ng buong staff pati managemer ng Encantadio, kaya minsan nakaka-discount di kami. Sinagot ko naman siya ng tipid na ngiti. "Busy kasi si mommy ngayon e," sagot ko, saka ako dumiretso sa bagger upang iwan ang paperbag kong dala. Bawal kasing magpasok ng kung ano sa loon ng botique, lalo na at malaki laki ang store nila. Kumuha na rin ako ng basket at sinimulan ko nang mamili ng mga susuotin at gagamitin ko mamaya. Habang namimili ako ng mga denim na jacket, naalala ko iyong theme na balak kong gawin mamaya. sakto dahil black and white ang mga ballons ko, habang ang roses naman ay pula. Kinuha ko kaagad iyong white na jacket, saka naman ako dumiretso sa mga nakadisplay na bodycon dress. Kumuha ako ng white niyon at pagkatapos ay pumunta ako sa mga nakadisplay na sandals para makapili ng teterno sa damit ko. Nang mabayaran ko na, ngumiti pa si Criselle sa akin na isa namang cashier. Minsan napapaisip pa ako kung maganda ba talaga siya dahil maputi at naka-brace siya, o maganda lang siya dahil sa rebonded niyang buhok? kahit wala kasi siyang ginagawa sa akin, parang naiirita ako sa kanya. "Thankyou, Ma'am Leiden!" paalam niya, bago ko kunin ang paperbag sa table. "Thank you," sagot ko saka tumalikod. Nag-iikot muna ako sa mall habang iniisip klung ano pa ang dapat bilhin. Ihuhuli ko na lang din iyong paboritong cake ni Natan, dahil baka masira lang kapag binitbit ko pa ngayon. Nang mapatingin naman ako sa wristwatch ko, hindi ko namalayan na alas dose na pala. Nalibang ako kanina sa pamimili ng mga bagay na kakailanganin ko para mamaya. Isa pa, hindi ko naramdaman ang pagod ngayon, lalo na't para kay Natan ang ginagawa ko. nai-imagine ko pa lang yung matamis niyang ngiti, parang nalulusaw na ako sa tuwa. Ganon ba talaga ang epekto niya sa akin? Hay nako Leiden, sana lang pareho din kayo ng nararamdaman. Kaysa mag-overthink, dumiretso na lang ako sa paborito kong fastfood. Ewan ko ba, mula noong bata ako ito na ang kinamulatan ko. Pagpasok sa loob, May dalawang malalaking monitor doon na touchscreen kung saan doon mo pipiliin ang oorder-in mo. mabuti na lang at tatlo lang ang nakapila, pang-apat ako tobe exat kaya hindi ako gaanong nainip. ang ikli pa naman ng pasensya ko pagdating sa mga ganito, pero dahil favorite ko dito, makakapaghintay ako na walang masamang salita ang lumalabas sa bunganga ko. Isa pa, good mood ako ngayon at ayaw kong sirain ang espesyal na araw na ito para sa amin ni Natan. Pagkakuha ko ng resibo, dumiretso naman ako sa counter para ibigay 'yon. Pag-abot ng bayad, tumungo naman ako sa napili kong upuan habang hinihintay ang order ko. sa bagay, hindi na matagal ang five minutes. Nahihintay k nga ang isang oras na reply ni Natan, kahit minsan 'okay' lang ang sagot niya 'e, heto pa kayang five minuites lang. Para ilibang ang sarili kpo, dinukot ko ang cellphone ko na nasa loob ng bag. sinubukan kong contact-in si natan, pero ring lang nang ring ang cellphone niya. Inisip ko na lang na gumagawa pa rin siya ngayon ng autocad. Bahagyang nawala ang excitement ko, dahil balak ko sanang sabihin kay Natan na ang theme namin para mamaya ay black and white, pero dahil busy siya, wala naman akong choice kung hindi mag-iwan na lang ng message sa kanya. " Hello babe. Happy Anniversary! Alam kong busy ka. See you later okay? Siya nga pala, mamaya 'yung theme natin is black and white, mag-ready ka na lang ha? Ang gwapo naman ng babe ko mamaya!" Pagka-send ko niyon ay nilapag ko naman ang phone sa table at hindi na hinintay pang magreply si Natan. Alm ko naman kasing kung hindi 30 minutes ay baa isang oras pa ang aabutin pagre-reply niya. Sakto naman dahil habang tinitingnan ko ang isang pamilya na masayang kumakain sa harapan ko 'e tinawag na ang pangalan ko, hudyat na ready na ang pagkain in-order ko. Habang sarap na sarap akong kumakain, napatingin ako sa glass window na nasa harapan ko. Medyo naiilang ako, dahil kitang-kitya ko ang mga taong dumadaaan at nag-iikot-ikot kasama ang kanilang mga boyfriend o girlfriend di kaya naman ay asawa. In-enjoy ko na lang din ang p[agkain ko, kaysa mainggit pa sa kanila. Muntikan naman akong mabulunan nang biglang tu,munog ang nakataob kong phone. Sa pagmamadali kong sagutin ang tawag ay hindi ko na namalayan kung sino iyon. Isa pa, wala naman ibang pumapasok sa isip ko ung hindi si Natan. "Hello babe!" masayang bati ko, habang pilit na nilulunok ang natirang manok na ngingunguya ko kanina. "Anong babe ka diyan?!" iritableng sagot ng nasa kabilang linya. Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko ng mabosesan kung sino iyon. Upang maksiguro, tiningnan ko pa sa screen ang pangalan niya. "Aaron?" "Nagulat ka na naman?!" inis niyang sagot. "Teka, nasaan ka ba? Puntahan mo ako sa Daffodil, dali!" "Daffodil? anong ginagawa mo diyan? Tsaka hello! May lakad ako. Kung manliligaw ka kasi sa malayo, siguraduhin mong maayos makina ng kotse mo at may gas ka pa!" panenermon ko. "Samantha!" bigla pa akong kinilabutan dahil iba na ang pananalita ni Aaron. Kilalang-kilala ko siya kapag tinawag na niya ako sa pangalawa kong pangalan. Sa dalawampung taon naming magkaibigan, basang-basa ko na siya. "Puntahan mo ako ngayon dito sa Daffodil St." in-emphasize pa niya iyong pangalan na Daffodil. "O...okay. Pero pwede bang malaman kung para saan? Kumakain pa kasi ako e, pwede bang tapusin ko muna ito? "Hindi." Isang matigas na sagot ni Aaron. Kumpirmado, galit na galit na siya at kung ano man ang kinakagalit niya? HIndi ko rin alam. "Pa take out mo 'yan, alam kong magugutom ka mamaya," aniya. Medyo kumalma na ang boses niya. Wala naman akong magawa kaya pina-take out ko na lang ang kakainin ko sanang spaghetti at chicken. Habang naglalakad ako papuntang elevator, bigla akong nakaramdama ng kakaiba. Biglang naniikip ang dibdib ko at bigla din akong kinabahan. Dahil malapit lang din ang naka-park kong kotse sa fastfood na pinagkainan ko ay mabilis ko na lang iyon natunton. Bago ko pa buksan ang pinto ng sasakyan, bigla kong naalala iyong location na sinabi ni Aaron. "Daffodil St? Hindi ba puro hotel at mga fastfood lang ang nandoon? Anong naisipan ni Aaron at doon pa siya nagpapasunod? Don't tell me...iniwan siya doon ng ka momol niya? Pero hindi e. Bakit ako itong kinakabahan. Pagpasok ko sa sasakyan, ilalagay ko pa lamang sana itong seatbelt s akin ay bigla namang nag-vibrate ang phone ko, awtomatikong kumunot naman ang noo ko nang maisip na hindi makapaghintay si Aaron, pero nang makuha ko ang cellphone sa loob ng bag at makita kung sino ang nag-text, biglang kumalma ang paligid at napangiti aako nang maaliwalas. Si Natan. "Hi Babe, sorry late na kitang nabati ha? Oo nga pala may lakad tayo mamaya. Don't worry, susunduin na lang kita sa tapat ng bahay ninyo around 6pm okay? Happy Anniversary, I love you!" Nakangiti naman akong naglagay ng seatbelt habang nakatingin pa rin sa text message ni Natan. Nilagay ko na ang susi at pagkahawak ng manibela ay pinaandar ko na ang sasakyan. Habang nagda-drive, binuksan ko ang radyo ng sasakyan at habang sinasabayan ko iyon ay iniiisip ko kung may pasabog bang gagawin mamaya sa akin si Natan. Minsan naiisip ko pa rin iyong dating siya. Napaka ma-effort niya, hatid-sundo pa niya ako sa bahay at eskwela, at kahit magkaiba kami ng department noon, hinihintay pa niya ako tuwing lunch break. Nagbago lang nitong matagal-tagal na kami. Bigla akong bumalik sa ulirat nang mag-ring na naman ang cellphone ko. Napabuntong hininga na lng ako nang makita kung sino iyon. Sinuksok ko na lang ang earpiece sa tainga ko at pinindot ang answer button. "Where are you?" kalmado nang tanong sa akin ni Aaron." Tumingin ako sa labas at sa orasan ng sasakyan. "10 minutes. Hintayin mo na lang ako, okay?" sabi ko, saka naman niya pinatay ang tawag. Napakunot ang noo ko. Ano na naman kayang problema ng lalaking 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD