Wala na tuloy akong magawa nang kunin na ni Carrisa yung bouquet na hindi naman para sa kaniya at saka umupo. Dumagdag pa sa kanityaw itong si Lei nang hindi niya alam na iyon ay para sa kaniya. "You look so beautiful today," basa ni Carrisa sa note na nakalagay sa tali ng boquet sabay ngiti at tila kinikilig pa ata. "Ikaw, Aaron ah! May tinatagong pagtingin ka pala sa kababata natin!" kantiyaw ni Lei sa akin sabay tapik sa batok ko. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari at ni hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para makapag react man lang sa sitwasyon. Ayaw ko namang masaktan ang feelings ni Carrisa dahil tila masaya siya sa regalong hindi naman para sa kaniya pero ayaw ko ring isipin ni Lei na may gusto ako sa kababata namin. Hay! Hindi ko na alam. Nang dahil sa nangyari ay wala

