Pagkatapos kong magpunta sa salon ay dumeretso ako sa eye center na nakalagay sa business card ng magandang babae. After all these years, ngayon ko lang masusubukan na finally , gumawa ng paraan para maalis na itong aking glassess. Nang makapasok ako sa eye center ay halatang walang gaanong tao. Tanging ang mga nurse sa counter lang ang bubungad sayo. "Good morning, sir. Do you have any reservations?" agad na tanong ng lalaking nurse sa counter. Agad ko namang ibinigay ang business card na bigay ng magandang babae sa salon kaya't agad niya akong pinapasok. Sinamahan niya ako hanggang sa tila office at examine room ng may-ari ng hospital ngunit wala siya roon. "Sir, maghintay na lang po tayo, may inaasikaso lang po si Mr. Depano," saad ng nurse at saka na tuluyang umalis. Haba

