Nang banggitin niya iyon ay humagalpak ako ng tawa. Halata naman kasi na nagwapuhan siya run sa lalaki. "Naalala mo nung elementary pa tayo? Yung bata na laging baon ay boy bawang?" pagtatanong ko sa kaniya. "Oh, bakit napasok sa usapan ng amoy bawang na–" natigilang sabi ni Carrisa. "Huwag mong sabihing–" dagdag niya. "Kung ano iyang iniisip mo, tama ka," sagot ko sa kaniya at saka tumawa nang malakas. Nagkunwari naman siyang nasusuka nang mabatid niyang ang lalaking tila nagustuhan niya ay ang kababata naming si Aaron. Teka! Oo nga! Hindi ko napansin na wala na siyang suot na salamin kanina at saka yung buhok niya… parang kakaiba at astig ito. Sa sobrang drama ng umaga ko ay hindi ko na tuloy napansin na new look na pala si Aaron. Aba! Naligo na ata siya. Kaya pala tah

