Patuloy kong sinundan ang direksyon niya hanggang sa tumigil ito at mula sa halos limampung metrong distansiya, tanaw ko siya ka mayroong ibang lalaking kasama. Papasok sila sa isang apartment building while holding hands. Agad naman akong bumaba sa sasakyan upang komprontahin ang lalaki at ang girlfriend ko. "Hey, you b***h!" sigaw ko kay Francheska na biglang napaharap at nagulat nang makita niya ako. "H-how did you follow me?" pautal-utal na saad naman niya. "You think I'm stupid para hindi mapansin? I knew from the start na pera lang ang habol mo sa akin. At ngayon, you just proved how big of a b***h you are. "Pre, dahan-dahan ka naman sa pananalita mo. Sino ka ba?" saad ng lalaki kaya't tila nagpanting ang tainga ko at lumapit sa kaniya at saka siya kaagad sinapak sa panga

