CHAPTER 5

3226 Words
HALOS maluluwa na ang mga mata ko hindi dahil sa binanggit n’ya sa ‘kin kundi sa awkward position naming dalawa! Mabilis kong tinapik ang mabigat n’yang kamay na naka-kapit sa cheeks ko. Humupa ang pagkakanguso ang aking mga labi. Parang kinuryente ang aking buong katawan dahil nagka-skin to skin contact kami. Hindi pa ako kontento dahil tinulak ko pa s’ya pero hindi ko man lang napa-atras ang unggoy na ‘to! It turns out na ako na lang ulit ang humakbang two times habang umaasim na talaga ang face ko! “You… baka gusto mong maka face to face na si kamatayan? Why did you touch me like that?! Ew!” pagiinarte ko sabay umaktong tinapik-tapik ko pa ang body ko para maipakita sa kan’ya na nandidiri kuno ako. He was just staring at me in plain expression na parang hindi big deal sa kan’ya ang ginawa n’ya sa ‘kin. Napansin kong umiinit ang buong mukha ko na tila doon naipon ang lahat ng dugo ko. Kinakailangan ko yatang dumistans’ya sa unggoy na ‘to ah? I am not safe here. Just look the way he stares me. Napaka-uncomfortable ang mga mata n’ya. “Why are you looking at me like that ha?” mariing tanong ko habang baba-taas ang aking tingin sa kan’ya. “What is happening here?” May narinig ako bigla na boses na parang demonyo rin pakinggan. Pag tingin ko sa left hallway namin, napa roll eyes na lang ako na’ng masilayan ang isa pang impakto. Pasens’ya na sa mga bukang bibig ko pero pare-parehas lang sila. Ayaw ko munang sumigaw kaya hinintay ko na lang na mapa-rito s’ya sa aming kinaroroonan. Um-e-echo sa buong palapag ang mabibigat n’yang mga yapak. I crossed my arms and fold it into my chest. “What was the commotion all about?” Mag-tatay nga sila dahil halos mag-kaboses lang din pero obvious na mas bata pakinggan ang tinig ng unggoy. Na’ng tumigil ang stepdad ko sa gilid ng magaling n’yang anak, doon ko silang hinarap na dalawa. Good gracious. Ngayon mas makukumpara ko ang kani-kanilang mga pagmumukha. Like father like son. Halos katangkaran lang sila. Siguro nag-s-skin care rin ‘tong kabit ng mama ko dahil kahit fifty years old na, med’yo bata-bata pa tingnan. Mas mabalbas lang s’ya kaysa sa anak n’ya at mas malaki ang katawan. Obvious nga talagang labas-pasok 'to sa gym o ‘di kaya may iniinom na gamot para ma-maintain ang ganitong klaseng uri ng katawan. Naka-sando ang stepdad ko kaya makikilatis ko s’ya ng maigi. Look how veiny his arms are. Pati nga batok n’ya, may muscles rin. Creepy. “What happened you say?” taas kilay kong tugon. “Bakit hindi n’yo tanungin ang magaling n’yong anak?” May paggalang pa rin ang precious voice ko kaso konti lang. I am not in a mood para lambingin sila sa pamamagitan ng boses ko. “Ang sama-sama ng ugali tapos hahawak-hawakan n’ya ako ngayon without my consent? Hindi ba harassment ‘yon?” Sabay sinalin ang pagkakatitig ko sa unggoy. “You have the audacity to talk about harassment right now? How about that slap, stepsis?” seryosong tugon sa ‘kin ng unggoy kaya lalo pang napa-taas ang kilay ko. “Alam mo kanina... Gusto kong mag-a-apologize ako sa ‘yo pero sa isip-isip ko, you deserve that slap pala. Hindi lang matalas ang dila mo, may kapal ka pa ng mukha para hawakan ako!” malakas kong singhal. Hinarap s’ya ng tatay n’ya. “Apologize to her, Ravano,” maawtoridad na utos n’ya kaya umangat ulit ng magkasabay ang dalawa kong mga kilay. Mabilis naman pala kausap ‘tong stepdad ko eh. “Just say sorry to your sister—“ “Stepsister,” pag-c-correct ng unggoy sabay isinilid ang mga kamay sa bulsa ng long pants n’ya na dark green. “I don’t have a time to apologize for this immaturity. You were disgusted when I touched you but I know, you are just a slut. Huwag kang pakipot, it does not suit you—“ “WHAT?!" Nilakihan ko ang mga mata ko. "Alam mo kanina mo pa ako tinutusok ng bibig mong ‘yan. My God! Sa unang tingin para kang santo, santo-demonyo pala! Have some class!” Damang-dama ko talaga kung paano nag-e-evaporate ang mainit na usok sa mga ilong at tainga ko! Tama naman siguro ang narinig ko?! Slut daw ako? Wow! Super-duper red flag na talaga ang unggoy na ‘to! Walang modo! Parang hindi s’ya dinisiplina ng mga parents n’ya ah?! “My class is exclusive only for the people I know, not for you,” malamig n’yang sabat sa ‘kin tapos humakbang paalis sa kan’yang kinatatayuan! “H-Hoy! We are not done yet! Bawiin mo ang sinabi mo!” sunod-sunod kong sigaw dahil hindi ko talaga matanggap na may lalakeng pinagsabihan ako ng taboo word na ‘yon! Seriously, halang ba ang kaluluwa ng unggoy na ‘yon?! “I apologize, dear. Ang totoo, mabait naman ang anak ko—“ “EXCUSE ME?! MABAIT? ANG ANAK N’YO?! MABAIT BA ‘YONG SINABIHAN AKONG SANA MAMATAY NA AKO?! TAPOS SLUT PA?!” Sabay sunod na binalingan ng tingin ang stepdad ko. “Masasanay ka rin sa kan’ya, Nica. My son is arrogant, yes. But he has bright sides.” Natawa ako ng pagak sabay hinipan ng malakas ang baby hair ko sa noo at nag-pamewang pa. Na-high blood ako ang aga-aga. “You should know him first before you judge.” Pinandilatan ko ng mga mata ang stepdad ko. “Are you kidding? Ang anak mo nga ang unang nanghusga sa ‘kin na akala mo nasilip n’ya ang kipay ko para sabihing slut ako?! Alam n’yo kaya ako nanggigigil ngayon dahil sa kan’ya ko lang narinig ang foul word na ‘yan!” Pormal lang akong tinititigan ng taong ‘to na tila handang makinig sa lahat ng sasabihin ko. “Pag sabihan n’yo ang anak n’yo ha?! Teach him some manners!” Napa-sapo pa ako sa noo ko para makita n’ya kung paano na-stress ang kagandahan ko ngayon. “I can’t do that, Nica. My son is already thirty years old. Ganiyan lang talaga ang ugali ni Ravano and I have nothing to do with it.” Maharas kong binaba ang kamay ko at s’ya naman ang tinaasan ko ng kilay ngayon. “Makunat na pala ‘yon pero walang respeto?! Walang edad-edad! Pagsabihan n’yo s’ya dahil sinaktan n’ya ang damdamin ko!” Sabay napa-hawak sa dibdib kung saan ang heart ko. Pilit s’yang tumikhim na parang na-oa-han s’ya sa reaction ko. Acting ko lang naman ‘yon para mag-inarte. Oh come on, masanay na kayo sa ‘kin. Binalik n’ya ang attention sa ‘kin. “I have told you that he will break your horns.” “Oh really?! Baka sungay n’ya pa ang mabali ko! Ang tanda-tanda na pala n’ya pero ma-attitude?! And another serious thing ha, nasa pamamahay pa s’ya namin! Take note! Can you believe it?!” nangigigil na sigaw ko. He cleared his throat once again. Mas lumakas na iyon. “Actually, this mansion belongs to him.” Na’ng marinig ko ang tugon n’ya sa ‘kin, parang binuhusan ako ng kumukulong tubig. “C-Come again?” Biglang bumagsak ang boses ko at humina na iyon. “Your mom gave him this mansion. Naka-pangalan na kay Ravano ang titulo.” Umawang ang aking mga labi at parang tinamaan ako ng malakas na kidlat. Napa kurap-kurap pa ako na tila hindi makapaniwala sa aking narinig. Nakakahimatay ang mga sunod n’yang sinabi kaya nag inhale exhale na naman ako habang naka-pikit dahil parang aatakihin na rin yata ako sa puso. “Please tell me you are just joking right now,” mariing tugon ko sabay minulat ang aking mga mata na sumabay ang isang malalim na hininga. “No.” Doon na ako mariin na napa-kagat labi at marahas na sinabunot ang buhok ko sa tuktok ng aking ulo. Napa-hilamos pa ako ng madiin sa mukha ko. That crazy old hag, talagang nahihibang na ang mama ko. “Just ask your mom, Nica—“ Wala na akong pake sa mga sinasabi ng stepdad ko dahil mabilis na akong humakbang paalis sa puwestong iyon. Hindi mabilang ang mga hakbang ko papuntang left stairs para akyatin ang third floor hanggang fourth floor. Hinanap ko si Mom kung na saan s’ya ngayon. My body is on fire, parang sinusunog sa inis. Lumalagablab ang aking presens’ya habang focus na focus ang mga mata kong naka-target sa naka-saradong pinto. “Mom?!” I shouted in very loud voice na’ng kinapitan ko na ang golden door knob ng pinto at marahas na binuksan. Hinanap ko agad s’ya sa loob ng malawak n’yang k’warto pero hindi ko s’ya nakita. Where is she… ginagago n’ya yata ako?! Ibinigay n’ya ang house and lot na ‘to sa wicked monkey na ‘yon samantalang ako, wala s’yang naibigay ni piso?! THIS IS RIDICULOUS! Instead na si Mom ang nakita ko rito sa loob, biglang lumabas ang maid in uniform sa loob ng walk in closet. Nakita kong may naka-lapag sa mga naka-angat n’yang mga kamay na naka-tuping golden silk bath robe. “Magandang umaga, senyorita Veranica—“ “Where is mom?!” malakas kong tanong at padabog na nag-lakad sa kinatatayuan n’ya. “Ah, nasa loob ng bathroom, senyorita.” Pagkarinig ko ng sagot ng maid ng mama ko, lumiko ako sa direks’yon ng bathroom sa left side ng pader. Huminto ako sa tapat ng pintuan at dali-daling binuksan ang door knob. “Ano na naman ‘tong kahibangan mo mom?!” hiyaw ko sabay humakbang pa papasok sa loob. Nasilayan ko agad s’yang nagbababad sa built in bathtub sa dulo nitong bathroom. Walang tigil ang aking mga hakbang hanggang sa tumigil ako sa kan’yang harapan while breathing heavily. Mas nakita ko pa s'ya ng malinaw. Naka-relax lang ang kan’yang ulo sa dulo ng bath tub while her eyes were closed. Umuusok-usok pa ang tubig ng milky bath n’ya habang nalalanghap ko rin ang scented bathroom candles. “Let me finish my business here, Nica—“ “No! Paghihintayin mo pa ang galit ko?! Ano ‘tong sinabi ng kabit mo ma ha?! He said that you have given this mansion to his son! Nababaliw ka na ba, ma?!” Um-echo ang matinis kong boses sa buong bathroom na sobrang sakit sa tainga. Bahagyang napa-salubong ang mga kilay ng mama ko habang nananatiling naka-pikit ang kan’yang mga mata. “Na saan ‘yong sinasabi mong mana ko kay papa?!” sigaw ko pa habang naka-kuyom ang mga kamao ko. This is so damn unfair, mas nauna n’ya pang bigyan ang ibang tao?! Ito rin ang isa sa mga pinaghihinayangan ko dahil dapat pinaasikaso ko na kay Dad ang mga mana ko. Nabanggit n’ya kasi dati nu’ng twenty five years old pa lang ako na ipapangalan n’ya sa ‘kin ang ibang properties n’ya. Maliban kasi na si Dad ang owner ng 6 private universities sa anim na suidad, ang dami pa naming mga kalupaan na hektarya-hektarya pa. Naka-depende sa ‘min ang mga magsasakang sumasaka roon. May mga mans’yon din sa iba’t-ibang lugar tapos may mga bed spacers. May mga naka-pangalan na kay Mom na ibang properties pero hindi lahat. Aasikasuhin na raw namin dahil mahaba ang process. Ako naman ‘tong si gaga, tinanggihan ko dahil pakiramdam ko, mamamatay na s’ya kaya may mga habilin na sa ‘kin! Ang iniisip ko kasi dati, pera lang ang maibibigay n’ya… ayos lang sa ‘kin! At maaasikaso rin namin ‘yon anytime dahil nandito lang s’ya sa tabi ko pero ito nga ang nangyari, mas’yadong biglaan. Talagang hindi natin masusukat kung hanggang saan ang buhay ng tao. Mas’yado akong naging kampante, mas’yado akong umasa sa pera ng papa ko. Ang dami kong pinaghihinayangan, as in ang dami. Kaya pinangako ko sa sarili ko na kapag may binigay sa ‘kin si Mama, iingatan ko na at palalaguin ang maiisip kong business na hiyang ako. Tao rin ako at nagkakamali kaya papahalagahan ko na ang ibibigay sa ‘kin na malaking halaga. But of course, habang hindi pa binibigay ni mom… magbabanat ako ng buto. Practice rin ‘yon sa ‘kin. Yes, umaasa ako sa mana ko pero kinakailangan ko rin maging independent. Mahirap but I have to. Makakaya ko. Kung kaya ng iba, kaya ko rin. Hindi forever na ma-stuck ako sa silver spoon’s life. “Bakit hindi kayo maka-sagot mom? Mas inuna n’yo pa ang ibang tao kaysa sa sarili n’yong anak?” seryosong tanong ko pa dahil parang unbothered lang s’ya sa mga sinisigaw ko. “He is my son. Hindi s’ya ibang tao. He is more capable than you, Nica.” Napa-buga ako ng marahas sa bunganga at saglit na umiwas ng tingin. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Hindi dahil sa material na bagay na binigay n’ya sa unggoy na ‘yon, but I feel jealous too. Anak ako eh, hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi ng sariling mama ko. Maka-sabing ‘He is my son’ parang anak n’ya talaga ah? “And how about me? I came from your flesh and blood. Kailan n’yo ibibigay ang mana ko para maka-alis na ako rito? Hindi ba’t ‘yan ang gusto n’yo? Ang mawala ako?” magkasunod na tanong ko. “I don’t want your drama this early in the morning, Nica. You will have your share if you become deserving.” I bit my upper lip. Kakakulo nga lang ng dugo ko sa unggoy na ‘yon tapos mas gagatungan pa pala ngayon. “Kailan ako magiging deserving sa ‘yo mom? Kung ibigay mo na kaya? Bakit ang dami n'yo pang arte? Ni hindi mo nga kaano-ano ‘yong pinagbigyan mo ng house and lot tapos ako, ang dami pang pasikot-sikot?” She did not respond. I waited for it pero parang naka-tulog na yata ang matandang ‘to. “Mom!” malakas kong tawag. Nawawalan na ako ng pasens’ya. “Shut up, Nica. You have to earn it bago mo makamit ang mana na hinahangad mo sa akin.” Napapa-oh my God na lang ulit ako sa utak ko habang walang humpay na bumuntong hininga. This is frustrating. My nerves are tingling. “Kapag naging masunurin ka sa akin, I will give it to you.” “Really? Kailan pa ako naging masunurin sa inyo?” mariing tanong ko. There is no way na magiging sunod-sunuran ako dahil alam kong hindi kanais-nais ang naghihintay na scenario para sa ‘kin. “I have to discipline you. Twenty seven years na akong nagtitiis sa ‘yo, Nica—“ “My God! Mom! Ang tanda ko na! Am I a teenager para disiplinahin ako?! What now if I am a spoiled brat?! May panahon ka pa para ganyanin ako?! For real?!” Napapalakas na talaga ang boses ko so it means, sumobra na sa boiling point ang init ng dugo ko! “Whatever you say, ako ang magtatala ng araw kung kailan kita mabibiyayaan. Sa ngayon, pieces of advices lang ang maibibigay ko. Work hard, be obedient and don’t raise your voice. Don’t interfere my decisions too. Ravano deserves all of these. Si Rovano na rin ang mamamahala ng private universities. He is now the new owner—“ “WAIT WHAT?!” Halos sasabog na ang ear drums ko at sinabayan pa ng panlalaki ng aking mga mata. “Y-YOU EVEN GAVE TO HIM ANG NEGOSYO NG PAPA KO?! MOM! WHAT THE HELL ARE YOU THINKING?!” Parang mapuputukan na ako ng lahat ng ugat. Namamawis na ang noo ko sa stress. “NABANGGIT MO SA ‘KIN NA IKAW NA ANG MAG-H-HANDLE NG BUSINESS NI DAD!” “Promises are meant to be broken. Hindi ko kailangan pagpapagod sa pag-m-manage lang ng bagay na iyan. It’s not my thing. I will just enjoy my life. Magbabakas’yon lang dapat ako. I have a husband who can take care for it... for me. Mas may alam s'ya tungkol sa business industry. He owned luxury Jewelry Company, remember? His son is the CEO.” Halos dudugo ang lower lip ko sa mga naririnig ko mula kay Mama. Habang sinasabi n’ya ang mga ‘yon, ganoon din ang pag-f-flashback ng mga ala-ala ng Dad ko kung paano ko nasaksihan ang mga struggles at pagod n’ya para maasikaso lang ang mga iyon. Nararamdaman kong parang iinit na ang mga sulok ng mga mata ko kaya mas lalo ko pang diniinan ang pagkakakagat para hindi matuloy. I don’t want to show my tears from this heartless mother. “You are the worst of all, ‘ma. Including the private universities, binigay mo na rin? Ang pinaghirapan ng papa ko?” My voice broke. Nanginginig na ang lalamunan ko. I was about to cry pero hindi p’wede. I can hold these tears. “He is dead now. Si Rovano na ang asawa ko. Normal lang na sa kan’ya ko ipapasa ang aking obligs’yon, Nica.” She even smiled kahit pikit mata pa rin. That evil smile makes my inside burning. Humihilab ang dibdib ko para kay Papa. Damang-dama ko ang pamimiga ng puso ko. Sobrang sakit lang. I feel really hurt for my father. My lips are starting to tremble. “Don’t worry, mapapasayo rin ang hati mo, Nica. I have told you already that you must live with us. If you won’t, you cannot have it and even worst… may gagawin akong hindi mo magugustuhan so dapat sumama ka sa ‘kin.” Hindi ko alam kung magsasalita pa ako pero hindi ko gustong mabasag ang boses ko. Hindi ko na kayang tumayo ng matagal dahil parang sasabog na ako. Hindi na ako sumagot pa. Mabilis akong tumalikod at patakbong nag-lakad palabas ng pinto. Dire-diretso lang ang mga hakbang ko hanggang sa bumangga ang aking katawan sa matigas na kung ano. Napa-atras ako ng konti sa impact at pag-angat ko ng tingin, lalo lang ako sinapian ng demonyo na’ng makita harap-harapan ang unggoy. Nakipagtitigan s’ya sa ‘kin na may nanginginsultong expression sa kan’yang pagmumukha. “Why are you crying, stepsis?” Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang mga butil ng luha ko. “Did your mother made those sparkly tears?” He even grinned at me. Hindi pa s’ya kuntento dahil pinunasan n’ya pa ang mga luhang dumadaloy sa aking mga pisngi gamit ang mga darili ng galamay n’ya. “You are weaker than I have thought—“ Hindi ko na hinayaang mapatapos ang mga susunod n’yang sasabihin dahil mabilis kong inangat ang kanan kong kamay at binuhos ko ang lakas na mero’n ako para masampal ang makapal n’yang kanang pisngi. Umugong ang tumatagingting na tunog sa buong k’warto at sa pangalawang pagkakataon, napa-tagilid s’ya sa lakas. Nadama ko agad ang pangmamanhid ng palad ko. Umutal-utal ang aking pag hinga habang nanliliit s’ya sa paningin ko na ang sarap apak-apakan. “Have you heard about tears of joy?” Dahan-dahan n’ya akong binalingan ng nanlilisik na tingin pero tinapatan ko naman agad dahil kayang-kaya ko namang gawin ‘yan. “If you touch me again…” Sabay dinuro-duro ko s’ya sa gigil na gigil na paraan. “Baka maliligaw ulit ang dugo mo sa dalawang butas ng iyong ilong.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD