CHAPTER 4

1970 Words
PINAPAKALMA ko muna ang self ko habang naka-sandal pa rin sa matigas na pinto. Why do I feel so intense?! Dahil siguro wala pang lalakeng tumitig sa ‘kin ng ganoon ka-lalim?! Hindi naman ako natataranta kapag may nakakaharap akong guys pero, aaminin kong bukod tangi s'ya! But it does not mean na attracted ako or what. Takot lang siguro 'to dahil super creepy n'ya. “My God, Veranica. You have to calm down,” pangungumbinsi ko sa aking sarili. Pinaypayan ko pa ang aking mukha using my both hands. Hindi normal ang lumalabas na init sa precious face ko. It is spreading in every parts of my body too! Don’t tell me, na-horny ako sa lalakeng ‘yon?! “Oh no, you don’t. I am definitely not,” mahinang bulong ko pa habang umiiling-iling. Saglit ko pang dinakma ang aking mahiwagang pusa sa gitna ng aking mga hita. I feel fine naman so hindi talaga ako nalilibugan sa taong ‘yon. My panty is not wet by the way. I am sure of it. I was about to step out the door but suddenly, biglang bumukas ang pinto at sa lakas ng puwersa ng pagbukas, muntikan na’ng masubsob ang divine face ko sa floor! Thank goodness naka-balance pa ako! “What the f**k is wrong with you?!” maarteng sigaw ko sabay humarap. Nag-mura na tuloy ako! Napa-tingala ako dahil nasa harapan ko na pala ang malaking katawan ni Ravano! Umatras kaagad ako ng dalawang beses para mapa-layo. “Bakit mo tinulak ng malakas ng pinto?” mariing tanong ko habang buong tapang ko s’yang tinitingala. Bakit feeling ko para akong langgam ngayon? Wait, ano ba ang height nito? Parang 6’2 ang height n’ya tapos parang hanggang balikat lang n’ya yata ako o leeg? Ganoon ba ako ka-liit? “Are you deaf?!” sigaw ko pa pero parang wala lang s’yang pakealam. He was just staring at me in pure ignorance on his face. Naka-pamulsahan pa s’ya na parang nagpapacool. To be honest with you guys, kahit gaano pa ka-gwapo ang isang lalake pero ganito ang turing sa magandang babaeng katulad ko, for example lang. YOU ARE NOT MY TYPE! I know wala namang nagtatanong. I just wanted to say my side. “I said, why did you push the door that hard ha?! Muntik na akong ma-disgras’ya!” Kinilatis n’ya ako mula ulo hanggang paa tapos binalik ang final stare n’ya sa mga mata ko. Geez, nanlalamig ako. “Then I wish you were dead.” Napa-singhap ako sa sinagot n’ya sa ‘kin. Umawang pa ng konti ang bibig ko habang tinititigan s’ya sa ‘di makapaniwalang reaks’yon. “H-How dare you to talk other people like that?! Wala ka bang kaluluwa?!” sigaw ko pa sa matinis na boses. “You… sana multuhin ka ng papa ko!” He scoffed. Parang napeke ang tawang lumabas sa bunganga n’ya na may halong panginginsulto. My God, ang dami n'ya na'ng red flag sa 'kin! “I can even put your dad’s soul in hell, stepsis. Nais mo bang sumama?” At humakbang ng isang beses palapit sa akin na ganoon din ang pag-hakbang ko ng doble para hindi n’ya ako maabutan. I gulped secretly. What is wrong with his voice? Ngayon lang ako naka-rinig na napaka-barito ng boses n’ya. Sobrang lalim. Nangingilo ang ngipin ko sa kilabot. Paniguradong sintunado ‘to kumanta. I raised my left eyebrow. “Are you a real life satan by any chance?” sarkastikong tanong ko at nag-pamewang pa pero with poise na may konting aura. “I am the reincarnation, perhaps.” walang preno-preno n’yang tugon sa ‘kin. Napa-tango naman ako para maiparating na agree ako sa sinabi n’ya. “You are right. Ang sama kasi ng ugali mo. Paano na lang kung mag back fire sa ‘yo ang pag-w-wish mong mamatay na ako ha?” Bahagya n’ya akong binuntungan ng hininga. “Kung gano'n, see you in hell soon,” confident n’yang sabat sa ‘kin kaya napa-tawa na rin ako ng pagak. This man is unbelievable. Wala pa akong nakilalang lalakeng sumasabat-sabat sa ‘kin ng ganito! Lahat ng lalakeng nakilala ko, they are all paying respect and so do I! Pero ito? My God! Ngayon nga lang kami nag kita but— Wait, pang second na pala ‘to. So, pangalawang meeting pa lang namin pero ganito na ang pinapakita n’yang ugali sa ‘kin?! If this is my stepbrother, mapipilitan akong lumayas nito! “See you in hell huh? Sure kang sa impyerno ako mapupunta? Akala mo ma meet and greet mo ako ro’n? Excuse me, hindi nababagay ang ganda ko sa hell. Sa langit ako mapupunta—“ “Are you quite sure?” Natigilan ako sa sabat n’ya sa ‘kin na parang hinahamon talaga ang init ng ulo ko. “Oo! Yes! Of course! Makasalanan ako pero humihingi ako ng forgiveness everyday—“ “No, not that.” My forehead creased. “Are you quite sure that you are beautiful?” He glared at me in a judgmental look again. Halos pati banal ko na kaluluwa, hinuhusgaan ng mga mata n’yang akala n’ya… perpekto. “Yes, I am sure of it,” confident ko namang tugon sa kan’ya sabay flip ng hair. He almost laugh when he saw me doing that hair flip. Hindi naman tawa na as in, tawa talaga dahil obvious naman na pilit lang ‘yon para insultuhin ang kagandahan ko ngayon. Sinabi ko na sa inyong kahit ang pogi o maganda kayo, once na pinakitaan n’yo ako ng masagwang ugali… naku nakakapangit. Nakaka-turn off. Imagine, hiniling n’ya na namatay ako? We are not even close to say that horrifying word! “Maganda ako. All women are beautiful in our own ways,” pahabol ko pa para mas malinaw. “Yeah. Except from you.” Parang sinampal n’ya ako sa tugon n’ya sa ‘kin. Ang sakit no’n ha? Grabe, he has guts to say that in front of a woman?! “You are not beautiful, stepsis.” Damn, that’s really hurts! Kumirot ang heart ko! Ang tapang ng lalakeng ‘to! Ginigigil n’ya nerves ko! I am so pissed off right now! Walang halong joke! Pinagpapawisan ang mga armpit ko! “Where is your mother? Wala ka bang nanay? Saan ka dumaan, sa butas ng puwet?” mariing tanong ko habang kinikiskis ko ang aking mga bagang. “Good question.” He nods his head. “My mother is worthless like your mom. Anak tayo ng mga walang kuwentang mga magulang, therefore… we are just in the same boat,” double meaning n’yang tugon sa ‘kin. Wait a minute, ang ibig sabihin ba nito lalakero rin ang nanay n’ya? “And by the way, if you want to meet a real attractive girl… you must see my sister.” Mas lalong kumunot ang noo ko. “You have a sister?” pabulong kong tanong. “I thought your mom did tell you.” Ay oo nga pala. Halos makalimutan ko na. “And guess what? She is a brat like you, an unbearable tough one.” Tinitigan ko ulit s’ya sa mga maaarteng mga mata. “Wow, akala ko impakto lang ang papasok sa buhay namin… may impakta pa pala?” Oh please sana mala-cinderella ang ugali ng kapatid n’ya. Hindi ko gustong dumagdag ang stress ko. Na-i-i-stress na nga ako sa ugali ko minsan tapos sasabayan pa ng panibagong impakta? I am praying again na sana, mabait ‘yon. “Aren’t you afraid?” Dalawang kilay ko na ang umangat sa binanggit unggoy na ‘to. Wala lang, nasabi ko lang dahil bulbulin kasi s’ya eh at isa pa, naiinis ako sa kan’ya kaya deserve n’ya naman sigurong tawaging monkey right? “For what?” pagtataray ko. “I pity you, stepsis. Do you think you can survive living with us?” Buong puso akong tumango. “Welcome to hell then.” I saw his creepy smirk. Nginishan n’ya ako kaya nakita ko tuloy ang kumikinang n’yang mga ngipin. Hindi maganda tingnan. Instead na papuri ang matatanggap n’ya sa utak ko, bad feedback dahil kinikilabutan ang katawan pati kaluluwa ko. “You are late. ‘Wag mo akong i-w-welcome-welcome riyan dahil Matagal na akong nasa impyerno. Ilang buwan na,” pagmamaldita ko sabay inikutan ko s’ya ng mga mata. Ito ang dahilan kung bakit marami ang ayaw sa ‘kin dahil hindi lang ako mataray at maldita, maarte pa. ‘Yan lang naman ang nasasagap kong chismis sa mga cousin at mga tita ko in both sides of our family. Duh, kaya ko sila tinatarayan kasi mas nakakasuklam pa ang ugali nila. Hindi ko naman sila ginagambala. And honestly speaking, kahit hindi nila sabihin… inggit lang sila dahil spoiled daddy’s girl ako ni papa. I can buy everything I want, bongga mag-bigay ng pera si Dad, at higit sa lahat na kinakainggitan nila is… mas’yado pang maluwag ang papa ko sa ‘kin. To the point na hindi n’ya ako pinapagalitan or sinisigawan kapag nauwi akong lasing. Reason? Kasi may tiwala s’ya sa ‘kin and he was just letting me to enjoy my life as a teenager and adult. Kahit ganito ako, may limits talaga at hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Virgin pa nga ako until now eh. Ang mga pinsan ko kasi, they are daughters of a rich man like dad pero kuripot naman ang mga tito ko. I don't know dahil mas'yado silang problematic sa 'kin. Hindi naman ako nangaaway. Hindi naman ako nagmamayabang sa mayroon ako. For me, I am still humble and kind for those who are deserving. However… my happy times are over. Panigurado, hundred percent sure tinatawanan ako ng mga ‘yon dahil wala na akong nakakapitan. That is a sad reality of mine, they hate me because their jealousy. Imagine, ka-dugo ko pa sila. But anyway, hindi ko naman sila kailangan dahil never ko silang hihingan ng tulong. “You are wrong.” Kunot noo kong binalingan ko s'ya ng nagsusungit na tingin ang unggoy. I hope I can still hold back not to say the monkey word from him dahil alam kong ikakausok din ng ilong n’ya ‘yon. “Wrong na ano?” naiiritang tanong ko. He did not respond. Instead, dahan-dahan s’yang humakbang palapit pa sa ‘kin pero dahil malakas ang tama ko ngayon, hindi na ako umatras para maipakita ko talaga sa kan’ya ang tapang na mero’n ako. Paliit na’ng paliit ang distans’ya naming dalawa. Hindi ko alam kung pipigilan ko muna bang humiga o ihinga ko lang ng sunod-sunod. Habang nilalamon n’ya ang agwat na iyon, I could smell his strong manly scent. Hindi masakit sa ilong but nakakahilo naman sa sobrang bango. I decided to hold my breath na’ng tumigil s’ya sa aking harapan na halos ilang inches na lang ang pagitan. I faced him with full of confidence. Parang nag-lock ang aking mga mata sa mga mata n’yang nangangain ng buhay. Nanghina yata ang tuhod ko. I saw clearly his black raven eyes. Kasing itim ng malago n’yang buhok ang mga mata n’yang iyon. Palihim kong kinurot ang aking hita para hindi ako tuluyang matulala. I feel like he was hypnotizing me by those ferocious eyes. I won’t let that happen. “Huwag mo akong pangunahan dahil alam ko ang kalagayan ko ngayon—“ Lumaki ang mga mata ko na’ng bigla n’yang dinakma ang aking mga pisngi gamit ang malapad at malaki n’yang kanang kamay. Agad-agad kong nadama ng paninibok ng puso ko ng bonggang-bonggga. “Wala ka pa sa impyernong sinasabi mo, stepsis.” Dahan-dahan n’ya pang pininga kaya napa-nguso ang bibig ko habang gumuguhit ang puwersadong ngisi sa kan’yang mga labi! “Just wait, you will find out what is the real meaning of HELL.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD