bc

By the way, I am your Sexy Boss.

book_age16+
389
FOLLOW
1K
READ
possessive
dominant
kickass heroine
powerful
billionairess
female lead
like
intro-logo
Blurb

[Language: TagLish] She used to be fat, and she was bodyshamed for it. She used it as a motivation, however, and transformed herself into a lady no one thought she would become. But she is not done yet. She will make the people who hurt her to pay for their sins.

chap-preview
Free preview
Prologue: The Plan to Break Keana’s Heart
Prologue: The Plan to Break Keana’s Heart “Maverick, kalat ang balita ngayon. Mukhang in-love pala sa iyo ang anak ng mayor dito sa bayan natin.” Tumatawa ang isang kaibigan ni Maverick Maximillio habang kinukuwento nito ang chismis na siyang usapan ngayon sa kanilang paaralan. Nakita kasi ng isang kamag-aral nila ang laman ng locker ni Keana Kares Kehanu kung saan may nakapaskil na litrato ng mukha ni Maverick dito. Nakalimutan kasing isara ni Keana ang kaniyang locker dahil nagmamadali ito para sa isang klase, kaya namang naiwan nang nakabukas ito dahilan upang makita ng isang estudyanteng dumadaan ang loob nito. “Sino ulit iyon?” Kumunot ang noo ni Maverick habang nakatingin sa kaniyang kaibigan na si Alastor. “Ang anak ng mayor, si Keana. Hindi mo ba kilala?” “Ah, the fat girl with many pimples on the face?” Bigla na lang nagtawanan sina Maverick at ang kaniyang dalawang mga kasamang sina Alastor at Wade dahil sa kaniyang deskripsyon kay Keana. Bigla siyang tinaasan din ng balahibo dahil sa balitang may gusto ito umano sa kaniya. “Is it legit, though? She really has a picture of me glued inside her locker?” “Oo. Ito oh, kinuhan ng larawan ng nakakita.” Nilabas ni Alastor ang cellphone nito at pinakita ang larawan ng loob ng locker ni Keana. May litrato si Maverick dito na siyang ginunting upang maghugis puso at mukhang kinuha ito sa kaniyang f******k. Muling nagtawanan ang tatlong magbabarkada. “Ang lakas ng kamandag mo, pati baboy ay in-love sa iyo. Wahaha!” Tugon ni Wade. “Hoy, huwag mo ngang ikompara ang baboy kay Keana. Masarap ang baboy lalo kapag na-lechon, e si Keana, masarap ba?” Humalakhak muli si Alastor. Tila naubusan na rin ito ng hangin nang matapos tumawa kaya naman hinihingal na ito pagkatapos. Lahat din tuloy ng mga estudyanteng dumadaan sa pasilyo ay napapasulyap sa kanila dahil agaw-atensyon ang tawa ng tatlo. Ang isa rin namang dahilan kung bakit napapatingin ang mga estudyante sa kanila, lalo na lang ang mga babae, ay dahil sa kagwapuhan din ni Maverick. Alam ito ni Maverick, kaya naman mataas ang tingin nito sa sarili. Para rin sa kaniya, ang mga babae ay pawang mga laruan lamang na pagkatapos pagsawaan ay puwede mong itapon na lang nang basta-basta. “I-try mo kayang paglaruan tapos paiyakin din si Keana?” Suhestiyon ni Alastor. “Yuck. Ayaw ko nga,” tila kinilabutan pa si Maverick dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan. “Hahahaha. Sige, ganito, kung pumayag kang gawin ito, hahayaan kita na lumandi kay Elizabeth pag-uwi niya rito sa summer para magbakasyon.” Maverick was tempted by the offer. Matagal na rin kasi nitong napapansin si Elizabeth dahil sa kagandahan nito at tuwing summer break lang ito nakakauwi galing sa California. Isa itong Filipino-American, maganda siya’t maputi, at para siyang isang modelo. Ngunit dahil may usapan silang magbabarkada na bawal galawin ang pamilya ng isa’t isa ay hindi siya makakilos upang landiin ang dalaga tuwing nasa Pilipinas ito. “You serious? You will finally let me flirt with your cousin?” “Yes, just don’t deflower her. You are only limited to kissing, iyon ay kung papayag siya at makipaglandi rin sa iyo.” Ngumisi si Maverick at saka niya tinuro ang kaniyang guwapong mukha, “you really think she won’t flirt back? With this face?” Maverick said, confidently. Alastor rolled his eyes and Wade chuckled, “oo na, edi ikaw na ang guwapo.” Sagot ni Alastor. “We have a deal, then?” “Yes.” Ngumisi si Maverick. “Kahit na nakakadiri itong gagawin ko.” “Ay, oo nga pala... Malapit na ang prom. Next week na.” Ngumisi si Wade at nagkatinginan sila ni Alastor, mukhang may ideya nang naisip ang dalawa. Tumingin sila kay Maverick na nakakunot lang ang noo, mukhang nakuha na rin ng binata kung ano ang nais mangyari ng kaniyang mga kaibigan. “No—I already have a date!” “So?” Tumaas ang isang kilay ni Alastor, “edi i-cancel mo... Tapos ang ipalit mo ay si Keana.” “No way! Saka kung i-cancel ko man, wala namang kasiguraduhan na papayag si Keana na makipag-date sa akin.” Deklara ni Maverick. “Luh? May gusto sa iyo si Keana tapos hindi siya papayag? Saka ikaw ba si Maverick? Anong nangyari at parang biglang umurong ang tingin mo sa sarili mo?” Alastor chuckled. “Hindi... E kasi, may date na nga ako at si Sarah ito. Lahat ng tao ine-expect siya ang date ko dahil siguradong ako ang kokoronahang Prom King at siya ang makokoronahan na Prom Queen.” “Sige. Binabawi ko na pala na puwede mong landiin si Elizabeth—” “Fine!” Maverick sighed and cut off his friend Alastor. Elizabeth is his ultimate crush, and he cannot let this opportunity to get away. Sigurado naman siyang magsasawa rin siya kay Elizabeth kapag matikman na niya ito, ngunit sa ngayon, hangga’t hindi pa, gagawin niya ang lahat para lang malandi ito pag-uwi nito galing sa California. “Good.” Ngumisi sina Wade at Alastor dahil pumayag din sa wakas ang kanilang kaibigan. “Basta sa Prom lang na lalandiin ko si Keana and after that—it is over, tapos sa prom ko rin wawasakin ang puso niya para isahan na lang.” Pagbibigay ni Maverick ng kondisyon. “Either deal or no deal.” Hindi niya masikmura kung ilang araw pa niya lalandiin si Keana bago niya wawasakin ang puso ng dalagang ito. Parang nasusuka na nga rin siya tuwing iniisip niyang nilalandi niya ito. “Deal!” Masayang sagot naman ni Alastor. “Dapat matuwa pa si Keana rito, we are doing her a favor by letting her have a taste of her dream.” Humalakhak si Alastor sabay tingin kay Maverick na kumunot naman ang noo. Biglang tumunog ang school bell, isang senyales na oras na para sa klase, kaya naman nagpaalam na ang tatlo sa isa’t isa at tumungo sa kanilang mga silid-aralan. Iba-iba kasi ang Senior High School strand na kinuha nila. Si Maverick ay kumuha ng Technical Vocational dahil nais nitong maging chef at ituloy ang negosyo ng kaniyang mga magulang, habang sina Alastor at Wade naman ay kumuha ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics o S.T.E.M. dahil nais naman ng dalawa na maging inhinyerong-sibil pagdating ng panahon. Habang naglalakad si Maverick ay saktong naaninag niya si Keana na nakayukong naglalakad din sa pasilyo. Hindi naman mahirap malaman kung nasaan si Keana dahil sa laki ng katawan nito. Ngumisi si Maverick at saka siya naglakad palapit sa dalaga. He tapped on the shoulder of Keana. Bahagya namang tumingin ang dalaga sa kaniya at nang makita ang mukha ni Maverick ay nanlaki ang mga mata nito. “Hi. I’m Maverick.” “A-Ah—” Nautal si Keana at bumilis ang pintig ng puso nito. Hindi siya makapaniwala na lalapitan siya ng kaniyang ultimate crush na si Maverick. Lingid pa kasi sa kaalaman din nito na kalat na sa campus na may siya kay Maverick. Hindi rin nito alam na may masama palang balak ang binata sa kaniya. “You’re Keana, right?” Maverick smiled, showcasing his perfect set of teeth. Namula naman ang pisngi ni Keana at tumango ito. Para siyang pinagpawisan din bigla dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap na niya mismo si Maverick. “Do you want to be my date for next week’s prom night?” Maverick asked, direct to the point. Kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata ni Keana... Parang naglaho ang lahat sa kaniyang paligid. Hindi siya makapaniwala na inaaya siya ni Maverick na maging date nito para sa prom. Wala rin naman din siyang balak sanang pumunta sa prom. “Uhm, hello?” Bumalik sa huwisyo si Keana nang muling magsalita si Maverick. “A-Are you really asking me to be your date?” Nahihiyang tanong ni Keana. “Yes, ayaw mo ba?” “N-No... It is not like that.” Umiling si Keana at matapos ang ilang sandali ay bumuntong-hininga ito, “b-bakit ako? Marami namang mas magandang babae diyan sa paligid kaysa sa akin.” Mabuti alam mo, ito ang nasa isip ngayon ni Maverick. Gusto na niyang tumawa rin at umalis, naiilang siya dahil marami nang mga taong nakatingin sa kanilang dalawa. Para bang nahihiya siya dahil ang matabang si Keana ang kausap niya. Mayaman si Keana at sila ang nagmamay-ari rin ng paaralan, kaya naman kahit matanda siya at ganito ang itsura ay hindi siya magalaw ng mga tao o ma-bully, ang kaniyang angkan ay maharlika at ang kaniyang lolo rin ang mayor ng bayan. “S-So, bakit ako?” Keana asked once more after regaining her composure. “Bakit hindi?” Ngumiti si Maverick... At tila bumilis muli ang pintig ng puso ng dalaga. Sa ngiti rin kasi nito nahulog kaya naman laki na lang ang epekto ng simpleng pagngiti ni Maverick. “S-Sige...” “Is that a yes, then?” Maverick confirmed. Keana nodded. “See you by prom night, then.” Maverick smiled victoriously.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook