Chapter 2

1092 Words
THE RUNAWAY BILLIONARE CHAPTER 2 -- C O N A N Mahimbing na sana ang tulog ko ngunit bigla akong nagising nang makarinig ako ng kaluskos. Nasa unang palapag ang kuwarto, malapit sa gate nitong bahay. Kaya madali lang para sa akin ang marinig kung sino man ang papasok dito nang walang paalam. Mabilis akong bumangon at hindi na nag-abalang isuot ang tsinelas ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto't sumilip sa labas. Madilim ngunit dahil sa tulong ng liwanag ng buwan ay kitang-kita ko ang anino ng isang taong pumasok ng walang paalam. Bigla akong kinabahan. May akyat bahay! Kaya muli kong isinara ang pinto't mabilis na hinanap ang tinatago-tago kong dos por dos na kahoy rito. Muli kong binuksan nang dahan-dahan ang pinto at sumilip. Wala na ito roon. Sa tingin ko'y nakapasok na siya sa loob ng bahay. Patay! Uuwi pa naman dito si Sir Harrison. Baka mas lalo akong mapagalitan kapag may nawawala sa mga mamahaling gamit dito. Kaya kahit alam kong hindi ko kayang makipagsuntukan, dahil sa liit ng katawan ko. Lakas-loob akong lumabas bitbit ang hawak kong kahoy. Imbes na sa main door dumaan ay sa mabilis akong umikot papunta sa likod kung saan doon ako pumasok. Nakapatay ang ilaw at walang tao sa loob nang makapasok ako sa unang palapag. Ngunit sa ikalawang palapag ay nakabukas ang ilaw. Kaya dahan-dahan akong umakyat doon. Todo ingat ako dahil baka marinig ako ng magnanakaw at baka saktan pa niya ako. Nang makatapat ako sa kuwarto ni Sir Harrison, dahil dito ko nakitang pumasok iyong magnanakaw. Pinihit ko ang door knob at mabuti na lang hindi iyon naka-lock. Huminga ako nang malalim. Bumilang ng tatlong beses. Isa... Dalawa... Tatlo! Mabilis kong binuksan ang pinto. "WAAAAAAHHHH!!!!" sigaw ko, pikit-mata akong pumalo sa hangin. Wala akong pakialam kung alin man ang matamaan ko dahil na rin sa kabang nararamdaman. "WHAT THE FCK!! ARAAY!!" Nang marinig ko ang sigaw ng magnanakaw ay iminulat ko saglit ang mga mata upang ito'y tingnan at saka puwersahan ulit na siya'y paluin. "SINO KA?! MAGNANAKAW KA, 'NO?!" tanong ko, walang tigil pa rin ako sa pagpalo na siya rin nitong sinangga. Patuloy rin siya sa paghiyaw. "SUMAGOT KA!" "FCK! STOP IT! WHO THE HELL ARE YOU?!!" Nagulat ako nang mahawakan nito ang dos por dos na hawak ko't puwersahan itong hablutin sa kamay ko. Mabilis naman akong umatras, inihanda ko ang sarili ko sa pagsugod niya. Ngunit imbes na lumapit ito't gantihan ako sa ginawa ko. Ang switch ng ilaw ang siyang nilapitan niya. Kaya bumungad sa akin ang nakakamatay niyang tingin. Napalunok ako. Pinagmasdan ko ang kaniyang itsura. Masama itong nakatitig sa akin ngunit hindi nakatakas sa aking mga mata ang tila pagod niyang mga mata. Umiigting din ang kaniyang panga. Malaki rin siyang tao, at doble kung ikukumpara sa katawan kong payat. Nang tingnan kong muli ang kaniyang mukha ay hindi nakatakas sa paningin ko ang bukol sa kaniyang noo. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa dahil nagasgasan ang makinis niyang balat. Pero magnanakaw siya at hindi ako natatakot. Kaya nilakasan ko ang loob ko. "S-Sino ka? T-Tumawag na ako ng pulis, kaya wala ka ng takas," sabi ko. "This is my house. Ikaw, sino ka? Bakit ka nandito?" "House? Sa ʼyo ang bahay na 'to? Nag-iilusyon ka ba! Kay Sir Harrison ito." Nagsalubong ang makakapal niyang kilay at humakbang ng dalawang beses papalapit sa akin. Nanatili naman ako sa aking puwesto, inihahanda ang sarili sa kung ano man ang gagawin niya. Mabilis din ang t***k ng puso ko sa mga oras na ito. "Don't you know me? I'm Harrison Alcantara, the owner of this rest house," may diin niyang sabi. Sunod-sunod akong napalunok. Halos sumabog na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Hindi maaari! Akala ko baʼy bukas pa ang dating ni Sir? Pero sabi ni Manang Soy ay baka susulpot na lang ito bigla. Patay! Patay talaga ako nito! Nasaktan ko si Sir Harrison. Ano'ng gagawin ko? "Ikaw, sino ka't bakit ka nakapasok sa pamamahay ko?" Napabalik ako sa reyalidad nang muli itong magsalita, gamit pa naman ang malalim nitong boses na nakakapanindig balihibo. Pero imbes na sagutin ang tanong niya'y lumuhod ako't pinagsaklop ang dalawang palad na tila ba nagdasasal. Pumikit din ako. "S-Sir, h-hindi ko po sinasadya. P-patawarin niyo po ako! Pasensiya na po. 'Wag niyo po akong tanggalin bilang care taker. Gagawin ko po lahat ʼwag lang po kayong magalit sa akin at palayasin." Kung puwede lang magpalamon sa sahig, matagal ko ng ginawa. Nanginginig din ang katawan ko sa takot at nagbabadya na rin ang pagbuhos ng mga luha ko. Taimtim din akong bumubulong na sanaʼy ʼwag niya akong palayasin sa kaniyang pamamahay dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Tumayo ka riyan," sabi nito, gamit pa rin ang nakakapanindig balahibong boses. Pero hindi ko siya sinunod. Natatakot kasi akong baka ang kamao niya ang bumungad sa akin kapag tumayo ako. "I said, stand up!" may kalakasan nitong boses. Kaya sa pagkakataon ito'y walang pagdadalawang isip akong tumayo. Sa balkonahe ako tumingin, dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. "Answer me. Who are you and why are you here in my house?" "C-Conan Dimaamo po, twenty years old po, isang ulila, at care taker po ng inyong rest house," sagot ko. Hindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman. Sumulyap ako rito ngunit mabilis ding umiwas. Inilagay ko sa likod ang mga kamay ko't pinagsaklop iyon. "S-Sir, h-hindi ko po talaga sinasadyang s-saktan kayo. S-Sana po--" "Cut it out. I don't need your explanation. Just go out of my room before I even ran out of patience." Napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil sa takot. Ang ibig niya bang sabihin ay lumayas na ako rito bago pa siya mawalan ng pasensiya? Paano na ʼto? Saan ako titira? Tumingin ako kay Sir Harrison." S-Sir, p-palalayasin niyo na po ba ako rito sa bahay niyo?" tanong ko, pahina nang pahina ang boses ko ngunit sapat lang iyon para marinig niya. Itinapon niya sa gilid ang kanina pang hawak na dos por dos. Tapos ay isa-isa niyang tinanggal ang butones ng suot niyang puting polo. "Bukas na natin iyan pag-usapan. I'm tired," sabi niya at saka ako tinalikuran. Ibinagsak niya ang sarili sa kama. Halata ngang pagod siya dahil kita ko iyon sa kaniyang mga mata. Nakahinga ako nang maluwag, sa ngayon. Hindi ko alam kung may matutuluyan pa ako kinakabuksan dahil sa katangahang nagawa ko. Sana ay magawa kong pakiusapan si Sir Harrison na ʼwag akong palayasin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD