bc

ALCANTARA BROTHERS: The Runaway Billionaire

book_age18+
289
FOLLOW
1.0K
READ
possessive
friends to lovers
tragedy
twisted
sweet
bxb
humorous
heavy
small town
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

The Runaway Billionaire

Written and Owned by IthinkJaimenlove

Date Started: January 29, 2022

Date Finish:

[DESCRIPTION]

"You're the answer I was longing for."

(Unofficial and can be change)

Harrison Alcantara was doing his best as he can, in order to make his ruthless father proud. But it's not enough and when he reached the extremes. Running away from him was his only way he know and this leads him to meeting a young caretaker of his rest house, Conan Dimaamo.

And for years, trying to figure out what's the feeling of in love. He found the answer with him. Pero hindi pa rin natatapos ang problema niya sa kaniyang Ama at naging hadlang ito para tuluyan siyang maging masaya.

Makakalaya pa kaya siya sa Ama o tuluyang susuko dahil kapalit nito ang buhay ng minamahal niya?

All right reserve. © IthinkJaimenlove

chap-preview
Free preview
Chapter 1
THE RUNAWAY BILLIONARE CHAPTER 1 -- C O N A N "We were both young when I first saw you. I close my eyes and the flashback starts, I'm standin' there...” pagkanta ko sa paborito kong kanta ni Taylor Swift na Love Story habang dinidiligan ang mga halaman dito sa bakuran ng bahay. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang matingkad na kulay ng iba't ibang bulaklak na nakatanim dito. Nang matapos akoʼy pinatay ko na ang tubig at saka iniligpit ang hose bago ko muling pinagmasdan ang munting garden. "Napakaganda talaga!" ani ko sa sarili, sabay pitas ng isang bulaklak ng gumamela at saka iyon iniipit sa aking tainga. "Napakaganda ko rin," dagdag ko pa sabay tawa. "Conan!" Mabilis kong tinanggal ang bulaklak sa aking tainga't mabilis na pinuntahan ang kung sino mang tumatawag sa aking pangalan. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso ako sa main door kung saan nakatayo roon ang isang Ginang na may edad na mahigit forty years na. "Manang, ano pong kailangan niyo?" tanong ko sa mayordoma rito sa bahay, kung saan kami nagtatrabaho. Oo, katulad niya'y katulong ako sa bahay na ʼto. Ang kaibahan lang ay stay in ako, samantalang ang iba nama'y umuuwi rin sa kanilang tahanan. Ako kasi ang care taker nitong bahay bakasyunan ni Sir Harrison Alcantara, ang may-ari nito. Bago lang akong care taker dahil ang dating care taker na si Mang David ay nangibang mundo na. Ang ibig kong sabihin, nategi na. Kaya itong si Manang Soy ang nag-hire sa akin kamakailan lang. "Sabihan mo ang mga kasambahay na maglinis sila, ayusin ang kuwarto ni Sir Harris dahil tumawag siyang darating siya rito," aniya, nagulat naman ako sa kaniyang ibinalita. Hindi ko pa nakikita si Sir Harrison. Tanging si Manang lang ang nagsabi sa akin ng kaniyang pangalan at kung anong klaseng tao siyaʼy hindi ko alam. Kaya medyo kabado ako, dahil baka mamaya ay hindi niya magustuhan ang pagiging pakialamera ko. Oo, pinakialaman ko iyong garden niyang walang kabuhay-buhay. Kaya ngayong nalaman kong pupunta siya rito, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kapag nagalit siya. "Bakit? May problema ba?" biglang tanong ni Manang nang mapansin nitong hindi ako tumugon. Ngumiti ako, kahit na ang totoo niya'y mabilis ang t***k ng aking puso. "W-Wala po. Sige po, makakaasa kayong sasabihan ko sila," sagot ko. "Mabuti naman. Oh siya, maiiwan na kita dahil ako'y mamamalengke muna ng grocery dito. Sabi kasi ni Sir ay magtatagal daw siya rito." Tumango lang ako at saka naman siya lumabas ng bahay. Mabilis naman akong kumilos. Malinis naman ang bahay dahil halos araw-araw akong naglilinis dito, pero hindi ako kampante. Dahil baka masyadong perfectionist si Sir at kapag may nakita lang na alikabok ay ikagalit niya. Ako pa naman iyong klase ng isang taong, takot mapagalitan. Nakakatawa ngunit iyon ang totoo. Kaya hanggat maaari, ginagawa ko kung ano man ang trabaho ko. Kinuha ko ang telepono at isa-isang tinawagan ang tatlong kasambahay upang ibalita sa kanila ang sinabi ni Manang Soy. Pagkatapos ko silang tawagan ay bumalik ako sa garden, sa likod nitong dalawang palapag na bahay. May tatlong kuwarto, dalawang guest room at iyong kuwarto ni Sir Harrison na walang kalaman-laman maliban sa mga cabinet at study table. Pagdating ko sa likod ay pinagmasdan ko ang mga bulaklak na siyang itinanim ko rito. Hindi man sila mamahalin katulad ng ibang bulaklak ngunit mahal na mahal ko pa rin sila. "ʼWag kayong mag-aalala, ramdam ko naman na hindi magagalit sa inyo si Sir dahil lang sa itinanim ko kayo rito," kausap ko, tila ba isang baliw. Humangin kaya napapikit ako ng mga mata. Malapit na rin pala ang taglamig dito sa Baguio. Dinama ko ang ihip ng hangin, kahit na dry season ngayon ay malamig pa rin ang simoy ng hangin. Nang imulat ko ang mga mataʼy ang mga bundok ang siyang bumungad sa aking paningin. Nasa mataas na parte nakatirik ang bahay kaya sa likod nitoʼy ang bulubunduking parte ng Baguio ang siyang makikita mo. Sa tuwing tumitingin ako ritoʼy kumakalma ang puso ko. "Ma, Pa, miss ko na kayo..." bulong ko sa hangin. Kumurap-kurap ako at sinubukang pigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Nakakainis! Bakit ba kasi ang babaw ng luha ko? Natawa ako at saka mabilis na pinunasan ang mga luhang hindi ko napigilang bumuhos. Tumingin muna ako sa mga halaman at saka bumuntonghininga. Muli akong bumalik sa loob nang makarinig ako ng door bell sa labas. Sigurado akong ang mga kasambahay na iyan. -- THIRD-PERSONʼS POV "f**k, Harrison! Seryoso ka ba sa plano mo? What if he finds you? Patay ka!" Tumingin siya rito nang masama ngunit hindi naman nagpatinag ang kaniyang kapatid sa pagtitig sa kaniya ng seryoso. He sighed before turning his gaze to the dance floor, where all drunk people were there dancing like stupid. "This is the only way I know, Hunter. Kung hindi ko ʼto gagawin, baka mabaliw na ako sa lahat ng pinapagawa niya," sabi niya. "Pero-" "Trust me. I can handle everything. Gusto ko lang na gawin moʼy huwag mong ipagsasabi kung kani-kanino kung nasaan ako. I trust you, Dude. Subukan mo lang." Umatras nang kaunti si Hunter at saka ngumisi. "Gago ka ba? Kung iyan ang gusto mo, then do it. Just don't blame me for not warning you," Hunter said. Alam niyang delikado ang kaniyang plano. Lahat silang magkakapatid ay kilala na ang kanilang ama. Their father can do anything he wants in just a snap of his fingers. Kaya nitong pahirapan maski ang sarili nitong anak. Ngunit wala nang naiisip pang plano si Harrison kundi ang tumakas at magtago. Sawang-sawa na rin naman siya. Sakal na sakal na sa lahat ng mga pinapagawa nito. Mabuti na lang ay na-realize niya ang lahat matapos niyang malamang ipapakasal siya nito sa iba para lang lumago ang kanilang kompanya. Napakawalang kwentang dahilan! "I know him and I know what he can do," he said. "Pababayaan mo na lang ba ang kompanya?" tanong ni Hunter, seryoso na itong nakatitig sa kaniya. This time, he turned his gaze to his brother. "I've heard you wanted to-" "Shut up, Dude! Estudyante pa lang ako. Oo! Balak kong palitan ka sa puwesto but not in this time that all I can do is to f**k every virgin in town," Hunter said with smirked plastered on his face and proudly looking at him. "Inamin mo rin," aniya sabay tawa. "But don't worry, Dad will not allow you do that. Hayaan mo siyang magkaproblema, kasalanan naman niya iyan." Ngumidi siya at kinuha ang panghuling bote ng alak at saka iyon tinunga. "Tss!" Hindi na siya nagsalita paʼt agad nang tumayo nang maubos ang alak na hawak. Tumingin muna siya sa kapatid. "I have to go. Baka malaman pa agad ng demonyo ang plano koʼt ikulong pa ako," he said, laughing. Tumango lang si Hunter kaya agad na siyang umalis doon. Mabilis siyang sumakay ng kaniyang kotse. Ayaw man niyang iwan ang kompanyang matagal niyang pinapangarap na patakbuhin ngunit mas ayaw niyang ikasal sa babaeng kakakilala pa lang niya't hindi naman niya mahal. Magpapakasal lang siya sa babaeng mahal niya, sa babaeng katulad niya. Hindi na siya bumalik pa ng kaniyang bahay dahil dumeretso na siya sa airport. Bahala na ang damit na susuotin niya, bibili na lang siya roon kapag nakarating siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook