Chapter 1: Returning the time

1676 Words
"Ang gwapo naman ni tutoy oh" "Nakoo , hindi na ikaw ang baby ng mama at papa mo" asar ng tito ko sa akin . Nandito kami sa bahay ng lola ko sa side ng papa ko dahil binisita namin sila. Im just silently watching them na pagkaguluhan ang kapatid kong bagong silang . Nakaupo ako sa solo sofa while sila mama at papa ay nasa mahabang sofa. Looking them is like a happy family without me . Sa sandaling iyon nakalimutan nila ako , they're all teasing me not knowing that im hurting inside . And that's the first pain that i felt . Mabuti na lang bukas ang tv kaya doon ko na lang minsan tinutuon ang mga mata ko para pigilan ang luhang nagbabadya ---------- “Rouie!!!! Wag kang tumakbo at baka madapa kaa!!" Suway ko sa aking kapatid Ngunit hndi ito nakinig sakin at patuloy ang pagtakbo . Pagod man ay naggawa ko paring ngumiti dahil sa napakasaya niya. Matapos naming maglaro ay pinunasan ko ang pawis niya ay pinalitan ng damit. Inayos ko narin ang mga nagkalat niyang laruan . Ang hirap maging batang ina este batang ate HAHAHAA. “Ate !”oh my baby is calling me again . Damn its so sweet to call by ate. Nilapitan ko siya at kinarga ko . Ang bigat niya syet . “why baby ko? ” He pinch my cheeks and then shock of what he said “I lab you ate" My tears fall because of his 4 words that i really want and love to hear from him . ---------------- “Gumising ka na , magsisimba pa tayo ” Naramdaman kong ginigising ako at sa boses pa lang ay alam ko ng si mama ito Dahil sa antok ay hndi pa rin ako kumilos dahil sa gusto ko pang matulog . “Birthday ng kapatid mo kaya bumangon ka na ” Agad naman nagising ang diwa ko ng marining iyon kaya bumangon na ko at inayos ang higaan ko . Ng kusutin ko ang mata ko ay naramdaman kong basa ito. Napangiti naman ako ng bahagya at inayos na ang sarili. Matapos naming mag umagahan ay dumiretso kami sa simbahan para magpasalamat. Habang nagmimisa ay hindi ako mapakali, ako lang nga ba ang ganito? Madali akong mainip lalo na at nasa simbahan . Tanda ko pa nga noong bata pa lang ako kapag kami ay nagsisimba ay hindi ko magawang makatagal , umiiyak at nag aaya na agad umuwi. Kahit ganoon ay nagdasal padin naman ako ng taimtim nagpasalamat sa biyaya ay hiniling na sana ay bigyan pa kami ng mahabang buhay . Hindi masyadong malapit ang loob ko sa panginoon pero sapat naman na naniniwala ako sa kaniya Sa wakas ng matapos ang misa ay naging komportable narin ako , nakalanghap ng sariwang hangin. Nakakita naman kami ng dilaw na bulaklak kung kaya ay bumili kami ni mama para sa aking kapatid . Mukhang bagay kasi ito sa kaniya kaya laging dilaw na bulaklak ang binibigay namin. Naglakad kami upang puntahan ang aking kapatid kung nasaan man siya . Tuwang tuwa si mama dahil kaarawan nito. Nang makita na namin ang kapatid ko ay inilapag na ni mama ang puting bulaklak at cake sa harapan niya . Sinindihan niya narin ang kandila . "Happy birthday to you . Happy birthday to you. Happy birthday ... Happy birthday . HAPPY BIRTHDAY TO YOUU!! " Napatitig ako sa harapan namin at paulit ulit na binasa ito. Rouie Jey De Vera Born: July 22,2010 Died: September 5, 2010 It's been 10 years since he died . Halos 2 buwan lang namin siya nakasama simula ng isilang siya sa mundong ito pero sa maikling panahon na iyon minahal namin siya ng sobra . Never ko siyang nakitang tumakbo at naglalaro . Hindi ko man lang narinig na tawagin niya akong ate . Hindi ko man lang narinig na sabihan niya ako ng i love you . Dahil sa maagang pagkawala niya sa amin... Yung pangyayari na naglalaro kami... Yung pinapalitan ko siya ng damit ... Yung tinawag niya akong ate.. Lahat ng iyon ay panaginip ko lamang . Naging ate nga ba ako para sa kaniya ? Im very guilty kase maybe ako yung dahilan? Or isa sa naging dahilan kung bakit nawala siya . Nung panahon na andiyan siya palagi akong nagseselos sa kaniya . Kung bakit ba parang nawala na ako , mas binibigyan nila ng atensyon ung kapatid ko kesa sakin . Nagkaroon ako ng kaunting tampo at sama ng loob sa kanila . Di ko makakalimutan ung time na pinapalitan ni mama ng diaper ang kapatid ko tapos biglang sumirit ung ihi nya sa damit ni mama. HAHAHAHAH ang saya namin noon ako pa lagi ang taga tapon ng diaper niya . Ako ang nagbabantay sa tuwing natutulog siya sa kunang ginamit ko nung bata pa ako . Napakabata ko pa nga talaga noon para intindihin na mas kailangan niya ng atensyon at pagmamahal . Sanggol pa lang at walang kamalay malay . Masasabi kong naging ate naman ako sa kaniya sa ganoong parte , pero di parin maaalis sa isipan ko na nagselos ako sa kaniya at binawi siya sa amin. Ng lumaki ako naiintindihan ko na . Wala na kong magagawa kundi tanggapin at makasama siya ngunit hanggang sa panaginip lang .... Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong naglinis ng aking katawan dahil nanlalagkit ang aking paramdam . Habang nasa banyo ako ay hindi ko maiwasan na isipin kung andito lang sana ang kapatid ko ay masayang masaya kami . Simula ng nawala siya , saksi ko kung gaano naging malungkot si mama . Kung gaano siya nasasaktan ... Patuloy lang ang pag iyak niya hawak hawak ang litrato ng aking kapatid habang nakamasid sa kabaong nito . Bata pa lang ako noon kaya hindi ko pa masyado naiintindihan ang nangyayare noon . Hindi pa ako masyadong nasasaktan dahil nga sa hindi ko pa naiintindihan ang lahat . According to Charles Bukowski "Sadness is caused by intelligence, the more you understand certain things, the more you wish you did not understand them." Kaya ngayong lumaki na ako , it make a sense . Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag isip . Gusto kong maging payapa pero masyadong magulo ang kaisipan ko para mangyari ito . Tinapos ko na ang paglilinis ng katawan ko at nagmadaling nagbihis . Mag aala sais na kaya siguradong magtatawag na si mama para kumain . Habang sinusuklay ko ang buhok ko napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. I can see my younger self in the mirror . Maraming nagbago .. Pero ang masasabi ko lang ganoon parin masyadong malumbay ngunit nakasanayan ko na naman ito kaya hindi na iba sa akin. “Ria !! Kakain na bumaba kana rito " Tawag sakin ni mama kaya agad nanumbalik ang aking diwa at bumaba na . Kinuha ko ang sarili kong tubigan sa ref at umupo na sa tabi ni mama . “Dinalaw ko ang kapatid mo kahapon , mabuti naman at pinapasok nila ako . Hindi ko nga lubos na akalain na pinayagan nila ako " Nagulat ako sa sinabi ni mama .. Hindi kase siya pinapayagan na makapunta doon sa bahay ng mga lola ko sa side ng papa ko . At isa pa ay alam kong may alitan parin sila o di kaya ay sama ng loob . “Tinanong ko nga sa kapatid mo kung sino ako , at alam mo ba ang sabi niya anak? " “Si mama " ngiting ngiti naman si mama ng sabihin niya iyon . Kitang kita ko kung gaano siya kasaya kaya napangiti narin ako . “Sa susunod ma , isama mo ako " “oo naman , siguro sa isang araw dalawin natin ang kapatid mo " Sa sobrang saya namin ni mama ay ginanahan kaming kumain . Naubos naman namin agad ito . Ako naman ang naghugas ng mga pinggan habang si mama ay inaayos ang mga groceries sa ref . ---------------- 8pm palang pero ramdam ko na agad na gusto ko ng matulog . Andito kami sa sala at nanonood ng movie “ma, tutulog na ako ahh " “Ang aga pa ah? ” “Inaantok na kase ako ” "Siya sige , goodnight anak " lumapit ako kay mama para yumakap at humalik . Dali dali akong tumaas at pumasok sa kwarto ko . Lumandag sa kama at tumitig sa kisame . Naalala ko na naman ang kapatid kong si Rouie . Galit kaya siya saken? O nagtatampo? Sa sobrang pagod ay pumikit na ako , di naman nagtagal naramdaman ko ng unti unting humihimbing ang tulog ko . Ginala ko ang mga mata ko ,andito ako sa isang malawak na parke maraming bata ang naglalaro at may ilang pamilya ang nagpipicnic . Nanonood lang ako sa kanila ng may isang batang lalaki ang lumapit sakin .. “Hi ate " ngiting ngiti ito sa akin “ohh hello " nginitian ko narin ito Umupo ito sa aking tabi "Ate gusto ko non pero wala akong pera " turo niya sa cotton candy . Malungkot ito kaya naawa naman ako . “Halika ibibili kita " “Talaga ate ? " kuminang ang mata niya ng marinig iyon. “oo naman tara " Lumapit kami sa nagtitinda nito . “anong gusto mong kulay? " Tanong ko rito "Color yellow po" binigay namn ito sa kanya ng tindero at nagbayad ako . Muli kaming naupo sa bench at pinagmasdan siya na tuwang tuwa habang kumakain . Napansin kong mukhang kasing edad ito ni rouie . Payat at may singkit na mga mata . Maputi rin ito kagaya ng aking balat . Siguro ganito ang itsura ng kapatid ko kung nakita naming lumaki siya. "Ate salamat po " "Nako, Wala yun " binigyan ko ito ng matamis kong ngiti "ate .. wag ka na po sad " Nagtaka ako sa sinabi nito dahil nakangiti naman ako "Hindi naman ako sad , nakangiti ako oh" at nginitian ko ito ng mas malaki . "Nakangiti ka pero malungkot ka po ." Naistatwa ako sa sinagot niya .. "Wag ka ng malungkot ate , wag kang mag alala hindi ako galit sayo . Mag iingat kayo ni mama ha? I love you ate " Prinoproseso ko parin sa utak ko ang sinabi niya . Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisnge . "Paalam na ate , palagi ko kayong babantayan ni mama at ng kapatid ko. Im your little angel" Kumalas na siya sa pagkakahawak sa aking kamay at nagsimula ng maglakad palayo . Nagsiunahan na pumatak ang mga luha ko habang pinagmamasdan siyang maglakad palayo . "Rouie.... I love you" Isang huling sulyap at ngiti niya ang nakita ko bago pa ako tuluyan na magising . Nang imulat ko ang mata ko patuloy parin ang pagluha ko Dahil ang batang iyon ay ang lalaking kapatid ko ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD