Chapter 2 : Happy Family

1519 Words
Today is sunday that's why where here on the way to church . Sunday is a Family Sundate for us . Nakasanayan na namin itong schedule kaya no excuses . Sunday is sundate for fam! Dito kami nakaupo ng kapatid ko sa backseat And syempre si Dad yung nagdridrive also Mom is in the front seat. Its so good to see na ganito kami at sama sama . Parang walang problema . My mom and dad never failed to solve their conflicts or problems that's why hanggang ngayon eh magkasama parin sila at nagmamahalan . Marami kasi akong nakikita or kilala na may broken family eh ... Kaya thankful talaga ako at buo kami . Im so lucky to have this kind of family , wala na akong mahihiling pa . Nang marating namin ang simbahan ay ipinark ni dad ang kotse namin sa gilid ng simbahan . Pagbaba naman namin ay inakay ko ang kapatid ko na bumaba , lampa pa naman ito at baka mag subasob . Habang hawak ko sa kamay ang kapatid ko hinawakan naman ako ni mama sa shoulder ko while hand's of my dad holding mom's waist . Ang sweet dibaaa !! Mabuti na lang at maaga kaming dumating dahil kundi ay wala kaming maaabutan na mauupuan .. Nagawa naming tapusin ang misa . Dahil sa kagutuman ay dun kami kumain sa paborito naming restaurant. Nauna na kaming umupo ng kapatid ko para mag reserve ng set sila mom and dad naman ang pumila para umorder . Ang saya saya ng kapatid ko , palagi ko nga kinukurot ang pisnge niya napa ka cute at ang taba ehh. Ng makaorder na sila mom and dad ay nagpicture kami . Iuupo ko na sana ang kapatid ko sa kabilang silya ng biglang lumikot ito dahilan para mahulog ako sa silya . "Anak ng tokwa , akala ko ba kumakain ka? " nagising ako sa pagbagsak ko sa silya . "Nakatulog ako ma " Awit ang sakit ng pwet ko . "Eh tanghali ka na nga gumising tapos antok ka padin? Nagpupuyat ka sa gabi ano?! " "Hindi po" "Kakaselpon mo yan e . Bilisan mo na kumain at aalis tayo. " "Saan tayo pupunta ma? " "Sa mga lola mo , dadalawin natin kapatid mo . Hindi kita nasama nung dumalaw ako diba . Kaya bilisa mo diyan " Umakyat na siya sa taas at iniwan akong tulala padin . Pumunta muna akong kusina at naghilamos para naman magising ang diwa ko . Nakakagutom narin kaya bumalik na ko sa upuan at nagsimulang kumain . ------- Papunta na kami sa kapatid ko kaya ng madaanan namin ang tindahan malapit sa bahay ng lola ko ay bumili kami ng pagkain para sa kaniya . Hindi pa man nakakapasok a madami ng mga mata ang nagmamasid sa amin habang naglalakad. Mga chismosang kapitbahay/ kamag anak . Kinakabahan na medyo excited ang nararamdaman ko , hindi ko alam feeling ko may hindi magandang mangyayari . Pagpasok namin sa gate ay naroon sa grahe ang lola ko at ang kapatid ko . Lumapit namn ang kapatid ko sa amin . She's just 5 years old . Ako ang panganay sumunod sa akin ay ang namatay kong lalaking kapatid at siya ang bunso . "Jhazlene , namiss mo ba si mama? Eto oh may pasalubong kami sayo" Ngumiti naman ito sa amin at hinalikan kami sa pisnge . Ngunit di ko mawari kung bakit ganoon ang reaksyon ng lola ko . Ang nanay ng papa ko . "Jhazlene pasok ka muna sa loob " utos ng lola ko sa kapatid ko . Wala naman itong nagawa kundi sumunod . "Bakit ka nagpunta dito ?, alam mo naman na maraming nakakakita ." ayan ang sabi niya sa mama ko . Ako naman ay tahimik lang at patuloy na nakikinig sa kanila. "Dinalaw ko lang naman ho si jhazlene , huling dalaw ko ho kase ay hindi kasama si . Kaya ngayon ay dunalaw lng ulit ako " "Ahhh , sa susunod wag ka ng pupunta dito . Mapagchichismisan pa kami dito dahil sa nagpupunta punta ka . " "chandria .... ikaw na lang ang pupunta dito ha? Bawal ang mama mo . Hindi yan dito pwede . " wika nito sa akin . Marami pa ang masasakit na salita ang sinabi nito ngunit di ko na masyadong marinig dahil sa pagpipigil na umiyak para sa mama ko . Oo nagloko si mama kaya nasira ang pamilya namin . Pero alam ko na hindi lang si mama ang dahilan . Alam ko na may kasalanan din si papa. Kahit ganto ang nangyari sa aming pamilya Hindi parin maaalis na may karapatan parin bilang ina ang mama ko sa kapatid ko . May karapatan siyang makita at makasama ang kapatid ko. Galit na tiningnan ko ang lola ko. Marami akong gustong sabihin pero hindi ko masabi . Wala akong lakas para ipagtanggol ang mama ko. Wala akong naggawa . Yinakap ako ni mama dahil sa umiiyak ako , ngunit pati siya ay naiyak narin kaya mas lalong nagbadya ang mga luha ko. Wala na kaming naggawa kundi magpaalam sa kapatid ko . Ito ang huling pagkikita ng mama at kapatid ko . Huling yakap . Huling halik. Walang maggawa kundi umalis . Dala ang sakit at galit . Dala ang hinagpis. Hindi ko akalain na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon . Dati buo kaming pamilya kahit may problema ay nananatili parin magkasama . Laging sabay sabay na kumakain .... Namamasyal ... Kung dati hawak hawak ni mama si jhazlene nung bata pa lang ito Tinitimplahan ng gatas Pinapatahan Pinapatulog Binibilhan ng mga gamit Pero ngayong lumaki na siya ... Wala nang maramdaman ang kapatid ko na aruga ng aming ina. Dahil hindi nila binibigyan ang mama ko ng pagkakataon , pinagbabawalan nila itong makita o makasama man lang . Napakasakim nila , puro sila poot at galit mula sa nakaraan . Matagal na ang lahat pero namumuhay parin sila sa mga pagkakamaling nagawa ng magulang ko . Wala naman silang nakikita kundi ang mali lang ng mama ko ... Little they didn't know my father is a monster and keeping a secrets . For a long time ... Those secrets are still unreveal ... If i would speak ... I know my father will pay for what his done . Yes i know some of his secrets . I witness how he did those things At the younger age , i saw how cruel and bad he is . Ung iba they wish na yung magiging kasama nila sa buhay ay katulad ng kanilang ama but... Me? I wish my future man will not be like my father . Never . Bata pa lang ako saksi ko kung paano sila nag aaway . Isang gabi noon gusto ko katabi si mama but nag away sila noon kaya si mama sa sahig natulog . Meron naman na latag wala akong magawa kundi marinig silang nag aaway . Tanda ko pa noon kung paano batuhin ni papa ng balat ng tsitsirya ang mama kong nakahiga . Para sa akin na musmos na bata wala akong maggawa kundi umiyak ng patago at nagkukunwaring tulog . Ganon ang madalas na pangyayari sakin sa gabi . Kahit anim na taon lang ako nagkwekwento si mama sakin Kapag nakakatulog na ako nag aaway sila ni papa minsan sinasabunutan siya o tinatadiyakan . Hinding hindi ko iyon malilimutan . Nalulungkot ako kapag nalalaman ko iyon . Kaya pinipilit kong gising ako sa gabi para mabantayan ko si mama at makita pag nag aaway at sinasaktan siya . Pero dahil bata ako at napapagod sa laro hindi ko ito naaabutan . Maaga akong nakakatulog . Napatingin ako sa larawan namin . Isang pamilya , masaya kung titingnan . Pero sa likod ng ngiting iyon may lungkot na nagtatago . Sa mga matang ito may mga matang lumuluha . May humihingi ng saklolo Magkasama nga at buo kami rito pero di mo akalain na sira na pala ito at patuloy na nawawasak . Okay na rin yun . Ang matapos , ang masira kesa sa piliting maging buo at piliing ipagpatuloy kung dala lang naman nito ay lungkot at sakit . Mayroong oras na pag may nakakakita ako ng masayang pamilya at may mag amang masaya ay di ko maiwasan malungkot at mainggit . I was grew without a care of my father . It feels like there's a big gap for us to have that kind of bond . We're never really close . Pag nakakasama ko si papa ng mag isa sa kwarto agad akong umiiyak dahil ayokong nakakasama siya ng mag isa lang . Scared ? Siguro nga takot ako . Sino bang hindi matatakot pag ganoon ang nakikita mo diba . At saka he never approach me like others do . Kaya rin siguro naging ganon iyong nararamdaman ko. Honestly ? Hindi ko naramdaman na minahal niya ko as his child . Mas gugustuhin ko pa maging tatay ang tito ko Not truely tito but yeah that's kinda Kung tatanungin ako kung gusto ko pang maging buo ang pamilya namin. Hinding hindi ko na gugustuhin Sometimes its better to split a way and ended up . For best . Sa magiging pamilya ko sisiguraduhin ko na hinding hindi mararanasan ng anak ko ang naranasan ko Ayokong matulad siya sakin . Kaya sa hinihiling ko kay God sana hindi ganito ang kahihinatnan ko sa future ko . Gusto ko walang takot at lungkot na nararamdaman ang mga anak ko. Gusto ko magkaroon sila ng masaya at buong pamilya. Gusto ko maibigay sa kanila ang mga bagay na hindi ko naranasan . At hnding hindi ko ipaparanas sa kanila ang mga naranasan ko. Naalala ko ang napanaganipan ko kanina bago kumain . Masaya kaming nagsimba at kumain . Malayong malayo sa realidad na nangyayari ngayon . That's why i loved to sleep . In my dreams ....were a happy family ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD