Dinig ang Christmas songs sa estasyon ng mga pulis, subalit imbis na maging masaya ang mood ni Asher, inis ang nararamdaman niya habang kaharap ang salbaheng si Siberius.
Nagmamaktol siya dahil ang inakala niyang moment of truth with Emma ay made-delay pa. Medyo kabado na rin siya na baka maging malamig pa ang Pasko niya at silang mga preso na lamang ang magyayakapan.
Kinilabutan pa siya nang may ipasok ang mga pulis sa estasyon na dambuhalang lalaking lango sa alak. Tumitig ito sa kanya at nag-flying kiss pa kaya napakapit na lang siya kay Emma upang humihingi ng saklolo. Na-i-imagine pa lang niya na katabi ito sa piitan ay namamawis na siya nang malapot.
"Diyos ko," pananalangin na niya. "Ilayo Mo po ako sa delubyong malaki!"
"Talaga bang ayaw mong magpaareglo?" dinig niyang pagtatanong na ng pulis kay Siberius. "Ang sabi mismo ng may-ari ng karinderya ay wala naman naganap na p*******t, at ikaw pa nga raw ang nanggugulo."
"Kasinungalingan!" pagtanggi nito sa pahayag ni Emma. "Marahil ay nasulsulan lang siya ng tambay na 'yan kaya napipilitan na magsabi ng 'di totoo!"
"Anong depensa mo roon?" pag-uusisa ng pulis kay Asher. "Maaari kang makulong kung hindi iaatras ang reklamo sa 'yo."
"Wala po akong sinasaktan," pag-uulit ng binata sa tanong na naririnig niya kanina pang nasa barangay hall. "At hindi rin totoo na carnapper ako. Sa akin nga nakarehistro ang sasakyan."
"Patingin nga ng pruweba."
"Sandali." Kinuha niya ang cellphone at hinanap sa photo gallery ang litrato ng registration pati na rin driver's license niya. Pinakita niya ang mga iyon sa nag-iimbestiga. "Heto po, kitang-kita na legit owner nga ako ng Ferr@ri."
Napakunot ang noo ng pulis sapagkat ibang-iba ang itsura ng nasa litrato ng lisensiya. Maayos ang naroon na naka-coat and tie, naka-hair gel, at mukha ngang kagalang-galang samantalang ngayon ay nakapambahay na nga, magulo pa at buhaghag na naman ang buhok niya na tila ba nakipagbuno siya sa buhawi.
"Tumingin ka sa mukha ko, huwag sa buhok," sinambit na niya na tila ba nabasa ang isip ng pulis sa pagdududa nito. "Kapag kasi walang gel o pomada ang buhok ko ay parang may sariling buhay."
"Asher Aldana?" pagbanggit pa nito. "Hmmm, anong relasyon mo kay Mr. Aizen Aldana?"
"Tatay ko siya."
"Imposible!" pagsingit na ni Siberius sa pahayag niya. "Kakilala ko ang ginoong 'yun na bilyonaryo! Mestizo 'yun at 'di hamak na mas magandang lalaki kaysa sa 'yo! Tignan mo nga ang sarili mo, ang itim-itim mo at ang pangit pa! Talagang sinungaling ka lang na nag-aangkin ng personalidad ng iba!"
"Aray ko naman kung makapangit ka sa akin!" bulalas na ni Asher dahil aminado naman siya na mas madating talaga ang ama kaysa sa kanya. Sadyang hindi nga siya ma-appeal sa unang tingin lalo na kung hindi nakaayos pero alam naman niyang hindi siya nahuhuli sa itsura.
Matangkad at makisig din naman siya pero sa 'di maipaliwanag na dahilan, talagang ang magulo niyang buhok pa rin ang napapansin. Kadalasan ay gusto na lang niyang magpakalbo pero nang subukin minsan, napagkakamalan naman siyang p∅rn star na sikat sa palawit-lawit ng dila. Dahil doon ay nagdesisyon na lang siyang pagtitiyagaan at ibababad na lang sa gel o mousse ang wavy hair niya.
"E ano naman ngayon kung moreno ako?" pagdepensa pa niya sa kulay niyang kayumanggi. "Brown is beautiful, 'di ba? At ano ba ang kinalaman ng issue natin sa itsura ko? Kung puwede lang, umuwi na lang tayo para wala ng hassle! Magpapasko pa naman kaya sana, magkaunawaan na at kalimutan mo na kung ano man ang ikinagagalit mo sa akin!"
"Tama!" pagsang-ayon naman ni Emma na nakatabi sa kanya. "Ikaw rin naman ay may ginawang hindi maganda sa akin, Mr. Siberius. Kung nagkasagutan man kayo kanina ni Asher, sana quits na lang para makauwi na tayo."
"Hindi puwede!" pagmamatigas pa rin nito sa suhestiyon nila. "Paano ko palalagpasin ang p*******t niya sa akin?"
"Pero wala naman naganap na ganoon!" naiinis nang pahayag ng dalaga. "At alam mo rin 'yun!"
"Pinoprotektahan na nga kita sa tambay na ito, kinakampihan mo pa?" tila ba concerned na pagtatanong ni Siberius sa kanya. "Maiintindihan mo rin kung bakit kailangang managot ng boyfriend mo. Kahit ipakulong ko siya ay gagawin ko basta ba mailayo kita sa hungh@ng na 'to!"
"Hindi mo magagawa 'yan, Mr. Oso," pagsingit na ni Asher na biglang naging seryoso na sa pakikipag-usap. "I have a right to due process and my lawyers will do everything to prove my innocence. And besides, evidence of an assault on your part is quite weak. If you would push through with this complaint but I win this case, I can sue you for moral damages."
"A-Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang bulalas ni Siberius nang marinig siyang magsalita na tila ba may alam sa usaping legal. "Huwag mo akong takutin sa pa-English mo dahil kayang-kaya nga kitang ipakulong!"
"Bakit ayaw mong magpa-medico-legal kanina para magkaalaman na sana kung may injury ka nga o wala?"
"Hindi ko ba karapatan din na tumanggi?" pagdepensa naman nito sa pag-uusisa niya. "Baka mamaya, kakuntsaba mo pa ang mga nasa ospital at babaligtarin niyo pa ako!"
Nagitla si Siberius nang biglang tumayo na si Asher. Maging ang mga pulis ay naging alerto sa kilos niya sa pag-aakalang dadambahin nga niya ang matanda at tototohanin na talaga ang pananapak.
"Asher!" mabilis na pag-awat ni Emma kasabay ng paghawak sa garter ng walking shorts niya. "Maghunos-dili ka!"
"Maghuhunos-dili ako...kung bibitiwan mo ang shorts ko!" Hinila ng binata ang pang-ibaba paitaas sa takot na baka may bumulaga at madagdagan pa ang reklamo sa kanya na indecent exposure. "Mahuhubuan na ako kaya pakawalan mo na ako!"
"Ay!" namumula ang nga pisnging nilayo na ng dalaga ang kamay nito sa garter niya lalo na nang makitang sumisilip na ang puti niyang brïef. "Sorry na..."
"Ikaw ha, pasimpleng chancing 'yan! Ikaw pala dapat ang ireklamo ko, Miss Ganda!"
"Che! Magseryoso ka nga!" panunuplada na ng binibiro kaya nagsitawanan pa ang mga pulis na nakikinig sa kanila. "Ikukulong ka na nga't lahat-lahat, nagagawa mo pang umastang ewan!"
"Hindi ka man lang ba natuwa sa white brïef ko? May special collection ako niyan na iba't ibang colors pa! Galing pa ito sa Italy at may design na umiilaw pa sa dilim. Ganyan ako kayaman, for your information! Underwear ko pa lang ay ginto na ang value! Pakita ko sa 'yo ang mga iyon kapag nakalaya na ako rito..."
"Juicelolord! Pakiusap, umayos ka, Asher!" Napatakip tuloy ng mukha si Emma sapagkat siya ang nahiya na para sa binata. "Mag-focus ka muna kung paano mo malulusutan itong binibintang ni Mr. Oso!"
"Ayaw kasi ni Mr. Oso na maniwalang may Ferr@ri ako," pagdadahilan naman niya."Kung gusto niyo, ipapakita ko na sa inyo ang suot ko ngayon para magkaliwanagan na!"
"Huwag!" pagtili ni Emma. "Huwag kang mag-eeskandalo rito!"
"Joke lang," pagbawi rin naman ni Asher sa sinabi. "Pero na-excite ka, aminin! Woot! Woot!"
"Pagpasensiyahan niyo na po siya," paghingi na ng dalaga ng dispensa sa mga pulis na humahagalpak na ng tawa. "Ganyan lang po talaga siya pero mabait naman..."
Natatawa man sa reaksiyon ni Emma ay inayos-ayos na ni Asher ang kasuotan at sinikap na magmukhang pormal. Ang totoo ay strategy niya ang pagpapatawa upang makakuha ng oras upang makapag-isip ng ilalaban kay Siberius. Huminga na siya nang malalim upang nakapag-focus sa plano.
"Maaari ba tayong mag-usap sa tabi, Mr. Siberius?" pormal at maawtoridad na sinabi na niya na tila ba may sanib siya ng isang mabangis na CEO na handang makipagbardagulan upang maisalba ang Global Smartlines Communications at ang mga empleyado niya laban sa mga nagbabalak na magpabagsak sa kumpanya. Maging si Emma ay napanganga sa aura niya na malayong-malayo sa tambay na mahilig lang kumain ng beef pares at siopao.
"Bakit?" Napalunok nang malapot si Siberius na unti-unti nang nari-realize na hindi nga basta-basta ang nakabangga. "Anong gusto mo sa akin?"
"Pag-uusapan lang sana natin ang patungkol sa utang," tugon naman ni Asher kaya kinabahan na ang kaalitan. "Kung ayaw mo sanang mapahiya, doon tayo sa tabi mag-uusap..."
Aligagang sumunod ang lalaki sa sulok kung saan sila lang ang magkakarinigan at alam ni Asher na hindi mahahagip ng CCTV. Sa mata ng karamihan ay tambay lamang siya pero ang totoo, silent observer siya na maging ang mga bitak-bitak sa istraktura ng police station ay napansin na rin niya.
"Mr. Siberius Oso," nakangising pagturan ni Asher sa lalaki nang sila na lang ang magkaharap. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Batid ko ang business transactions mo. And guess what? Napag-alaman ko na naisangla pala ang hacienda mo sa bangkong pag-aari ng aking ama."
"Paano mo nalaman ang mga iyan?" nanlalaki ang mga matang anito. "Sino ka ba talaga?"
Walang kaalam-alam ang lalaki na simula pa noong umaaligid at nagiging agresibo na kay Emma ay palihim na nag-background investigation na pala si Asher sa pagkatao nito. Noon pa man ay may kutob na siyang hindi maganda sa babaerong haciendero kaya inalam na niya ang mga kahinaan nito bilang preparasyon kung magkakaroon man sila ng alitan dahil sa panliligaw nila sa iisang babae.
Sakto na tumama nga ang kanyang hinala at magagamit pa niya bilang sandata ang mga nalaman sa oras ng panggigipit ngayon ni Siberius.
"Paano nangyari na pati personal records ko ay nakuha mo?" desperadong tanong nito sa kanya.
"Of course, I am an Aldana; we know our enemies well, and we always come prepared for a fight," may pagmamalaking deklarasyon ni Asher. "Alam ng buong pamilya ko na nalulong ka sa sugal at nagkabaon-baon sa utang kaya nag-loan ka sa bangko namin. Collateral ang hacienda mo, hindi ba?"
"Pamba-blackmail ba ito?"
"Hindi naman," sarkastikong pagtanggi ni Asher sa paratang nito. "Nagsasabi lang ako ng tunay na mangyayari sa iyo sa oras na ituloy mo ang kaso mo sa akin. Remember: We have the best lawyers in the country. Kapag nanalo ako, siyempre manghihingi ako ng danyos-perwisyo. Malaki ang hihingin ko, sa totoo lang! Kaya saan ka pa hahanap ng perang maipambabayad sa akin? Utang mo plus compensation for damages sa akin ang hahanapin mong salapi, kaya pag-isipan mo kung all-in ka sa laban na ito. Ako kasi, I'm very much ready!"
Mabilis na napagtanto ni Siberius na tagilid na nga siya kung itutuloy pa ang masamang plano kay Asher. Batid naman niya na wala talagang interes sa kanya si Emma pero dahil sa nasaktan na pride, ayaw sana niyang pakawalan ito. Pasimpleng tinignan niya si Asher na mataimtim din na nakatitig sa kanya habang hinihintay ang sagot niya. Ramdam niya ang palaban nitong aura na hindi nga talaga siya uurungan kahit saang korte pa sila maglaban.
"Tuloy ba tayo sa korte, Mr. Siberius Oso?" kalmado pero may diin na pagtatanong ng binata. "Kung 'oo' ay ituloy na natin ang investigation sa pulis. Kung sakaling ide-detain ako ay ipapahanda ko na ang pampiyansa ko sa mga lawyers..."
"Aatras na ako," pagsuko na nito nang matimbang na mataas ang chance na matatalo nga siya sa kaso lalo na at isa pang Aldana ang hinahamon. "Iaatras ko na ang reklamo!"
"Hmmm, totoo ba 'yan?" may pagdududang paniniguro pa ni Asher. "Usapang lalaki sa lalaki ito. Kung anong desisyon mo, wala ng bawian!"
"Oo! Ayaw ko na ng g**o!"
"Good!" bulalas naman niya. "That's one smart move, Mr. Oso!"
"And one friendly advice," pahabol na suhestiyon pa niya sa lalaki, "itigil mo na ang pagsusugal kung gusto mo pang maisalba ang hacienda mo."
Hindi na nga itinuloy ni Siberius ang mga reklamo niya kay Asher. Ganoon pa man ay pareho silang nasermonan ng mga pulis na huwag aaksayahin ang oras nila dahil lang sa mga personal na alitan. Patawa-tawang nag-sorry na lang ang binata tutal naman ay makakalaya na siya.
"Kahanga-hanga!" pagpuri ni Emma sa kakayahan niya. "A tapang a tao ka naman pala, Asher!"
"Ang totoo ay parang hihimatayin nga ako sa kaba kanina!" Hinawakan niya ang palad ng kasama upang ipadama ang nerbiyos na pinakakatago-tago. "Tignan mo, o! Ang lamig ng palad ko!"
"Ngeh! Akala ko pa naman ay pagkatapang-tapang mo kanina!"
"Front ko lang 'yun, pero ang totoo ay nginig ako sa loob!" pag-amin din naman niya. "Ganito ang buhay ko bilang CEO. Kahit na takot at kabado, kailangang humarap sa challenges! Hindi puwedeng magmukhang mahina!"
"Awww, may grace under pressure ka pala!" nangtu-twinkle ang eyes na deklarasyon ni Emma. Sa paningin niya ay pumogi pa si Asher ng isang libong beses dahil sa ipinamalas nito na katapangan at katatagan sa harap ng mabigat na suliranin.
"Wala pala tayong masasakyan kasi barangay ang naghatid sa atin dito," kasunod na pahayag ng dalaga. "Rush hour na rin pala at trapik!"
Nagpalingon-lingon si Asher sa paligid upang maghanap sana ng taxi. Pagtingin sa kanan ay natanaw na niya ang bubong ng dati nilang naging eskuwela noong high school. Gumuhit sa labi niya ang ngiti sapagkat kahit 'di kaaya-aya ang naging issue kay Siberius, tila ba gumawa ng paraan ang tadhana upang magkalapit sila ng sinusuyong babae.
"OK lang ba sa iyong maglakad pa nang kaunti, Miss Ganda?"
"Saan tayo pupunta?"
"Malapit na pala tayo sa school natin noon." Inilahad niya ang palad at inaya si Emma na sumama sa kanya. Tila ba bumalik siya sa pagiging teenager nang dumalaw muli sa kamalayan ang chinitang dalagitang sumagip sa kanya noong nagdidilim na ang kanyang mundo. Sabik niyang inakay ito sa short cut na eskinita patungo sa school.
"Tara, puntahan na natin ang lugar kung saan naukit sa puso ko ang magagandang alaala ko sa iyo..."
-ITUTULOY-