Chapter 5

3365 Words
Madilim-dilim na at palabas na ang mangilan-ngilang estudyante na nag-stay pa sa eskuwelahan upang tumulong sa paglinis ng mga classroom at garden. Christmas vacation na kaya kaunti na lang ang mga mag-aaral at gurong naroon. "Boss, bibisita lang kami sa chapel," binanggit ni Asher sa guard na nakatalaga sa harapan ng unibersidad. "Aumni po kami at gusto rin sana namin makita 'yun belen." "Sige," pagpayag naman ng lalaki dahil marami ngang alumni ang nagagawi roon upang bisitahin ang chapel na may nalalagay na belen o nativity scene kung saan naroon ang mga rebulto ni Joseph, Mary, at Jesus. "Basta huwag kayo masyadong magtatagal, ha. Magsasara na kasi kami ng eight o'clock." "OK po, sandali lang naman kami." Nang makalayo na sa guard ay dali-daling lumiko ang dalawa sa kanto kung saan naroon ang high school building. Napahahikgik pa sila sa excitement dahil pakiramdam nila ay mga pasaway silang estudyante na pupuslit sa loob ng campus. "Bilisan mo!" Tinulak pa ni Emma ang binata para hindi sila mapansin ng guard na lumihis palayo sa chapel. Nang makarating sa pakay ay nagkatinginan silang dalawa at tahimik na nagtanong sa isa't isa kung itutuloy ba ang plano. "Gusto mo pa bang umakyat?" pag-uusisa ni Asher habang nakatingala sa itaas ng gusali. Naisip kasi niya na baka matakot pa si Emma dahil wala ng tao sa lugar maliban sa kanila. Bali-balita rin na may nagpaparamdam daw na white lady roon kaya nagdadalawang-isip na siya kung magtutungo pa sila sa tuktok ng building. "Doon na lang tayo sa chapel at doon ko ikukuwento sa iyo ang detalye kung paano tayo nagkakilala dito sa school..." "Ay, gusto ko sa itaas!" Hinila siya ni Emma patungo sa hagdanan at sabik na umakyat. Natutuwa kasi siya na muli ay nakatuntong siya sa paaralan at parang naglalakad siya pabalik ng oras kung kailan isa pa lamang siyang dalagita. "Alam mo ba, naggo-ghost hunting ako rito dati," paglalahad niya habang humahakbang paunti-unti sa mga baitang ng hagdan. "Natatakot ang mga kaibigan ko noon, pero ako naman ay gusto talagang makatagpo ng kahit isang multo! To see is to believe kasi ako, haha!" Napangiti na lang si Asher dahil batid niya na sadyang malakas ang loob ng dalaga at hindi basta-basta napapaatras o natatakot. Saksi siya mismo sa katapangan nito kahit na nasa harap pa ng peligro kaya 'di nga malayo na magtatapos ito ng kursong nursing. "Wow!" bulalas ni Emma nang makarating na sa tuktok ng building. Tanaw kasi roon ang malaking Christmas tree sa open field ng unibersidad. Kita rin mula roon ang kalahatan ng school kaya nakagawian na niyang tumambay roon at magmasid lang sa ibaba kapag recess, lunch at uwian. "Wala pa rin masyadong nagbago pala!" "Tama ka," pagsang-ayon ni Asher habang papalapit sa dalaga. Hinawakan niya ito sa kamay at masuyong tinitigan. Pagkatapos ay marahan niya itong inakay sa may gilid ng hagdanan kung saan may covered area. "Pati ikaw, kaunti lang ang pinagbago. Napakaganda mo pa rin- sa totoo lang, mas gumanda pala!" Nag-blush tuloy ang cheeks ni Emma dahil sa compliment at paglalambing ng kausap. Kung noon ay nasanay na siya sa mga paghirit ng binata, ngayon ay 'di niya maiwasan ang mailang. Dati ay wala lang epekto ang presensiya nito sa kanya pero tila ba nahahatak na siya ng karisma nito. Mas na-appreciate n rin niya ang itsura nito na hindi man madating sa unang tingin ay mas pumopogi pala habang tumatagal tinitignan at hindi pa nakakasawang titigan. Moreno man ay halata pa rin sa facial features nito ang pinaghalong lahi ng Pilipino, Kastila at Amerikano. Nang magbangga ang kanilang mga mata ay mas na-awkward na siya at hindi na makatitig nang diretso. "Saan nga ba tayo unang nagkita?" pag-uusisa na niya para maikubli ang pagkailang. "Dito mismo, sa kinatatayuan natin," tugon naman ng kasama kaya bahagyang napaawang na ang bibig niya sa reyalisasyon. "Talaga?" nakakunot ang noong paniniguro pa niya. Napasinghap pa siya nang mapagtanto na si Asher nga ang nakatagpo niya sa tuktok ng building noon. "Ikaw 'yun nakaupo sa gilid ng covered area ng roofdeck na medyo tulala noon? "Ako nga!" "'Di ako magkakamali! Umiiyak ka pa nga noon!" "Ako na nga 'yun," halos mapatalon sa tuwa na pag-ako ni Asher sa katauhan ng binatilyong nabanggit. "OMG!" bulalas na ni Emma. Napatawa pa siya dahil sa 'di pagkakilala kaagad kay Asher. Sa isip niya ay sino nga naman ang makakaisip na ang payat, maputla, at mukhang sakitin na binatilyo ay magkakaroon ng bonggang glow up. "Ikaw nga! Ikaw nga talaga!" "Naaalala mo na ako?" puno ng pag-asang tinanong na ni Asher. Nang dahil sa pagkasabik na malamang tunay nga siyang hindi nalimutan ng iniibig ay hinawakan pa niya ito sa magkabilang braso at tinignan nang mataimtim. "Oo!" Namimilog ang mga matang sagot ni Emma sa kanya kaya inakala na niya na ito na ang moment of truth kung saan magyayakapan sila at mag-iiyakan dahil sa makapagbagbag-damdaming reunion nila bilang young lovers. "Hindi ba, ikaw 'yun binatilyong bagong tuli noon?" may malawak na ngising deklarasyon nito kaya halos masamid sa sariling laway si Asher. "Pfft! Pfft! A-Ano? B-Bagong tuli?" Biglang napabitiw at naglaho ang ngiti niya sa kakatwang pahayag ng kasama. "Imposible! Nasa ibang bansa ako noong magpaano...t-tuli! At nasa bahay lang ako noon para iwas infection at injury nga!" "Ikaw 'yun, huwag ka nang mag-deny!" pagpupumilit ni Emma. "Ikaw 'yun nakita ko na umiiyak dito kasi nangamatis 'yun ano, alam mo na, hahaha! Nagpumilit ka kasing maglaro ng basketball kaya ayun, nabinat si manoy! Hindi ka nga makalakad kaya pa-secret na kitang dinala sa clinic para ma-treat ng nurse. O di ba, after all these years walang nakaalam ng secret mo? Ang liit-liit mo pa noon, pagkatapos, ngayon e ang laki-laki mo na! Tuli pala ang sagot para lang tumangkad, nyahaha!" Bumagsak ang mga balikat ni Asher dahil muli ay napagkamalan na naman siya nito na ibang tao. Nanlulumong napaupo na lang siya sa sahig at napahagod ng batok. "Akala ko ito na talaga," may pagtatampong nasambit na lang niya. "Why can't you remember me?" "Uy, siyempre, naalala kita!" pagbawi rin naman ni Emma upang huwag nang magmaktol ang kausap. "Naikuwento ko lang 'yun si Mr. Tuli. Ikaw naman, 'di ka na ma-prank!" "Baka kasi iba na naman 'yan masabi mo patungkol sa akin," malamlam ang mga matang pahayag nito. "Hindi ba talaga ako ganoon kahalaga sa iyo kaya ang dali mo lang akong kalimutan?" "Hindi totoo 'yan." Kumapit na si Emma sa braso ni Asher at sumandal sa balilat nito. Pagkatapos ay pumikit siya habang unti-unting binabalik sa alaala ang bawat eksena nila ng binata bilang mga walang kamuwang-muwang na mga teenagers. "Hindi ko makakalimutan ang mga mata mo noon...napakalungkot..." Pinagmasdan ni Asher ang ekspresyon ni Emma upang masiguro na sa pagkakataong ito ay tunay na nga siyang naalala. Sa una ay nag-alinlangan pa siya sa sinabi nito at inakala pa na baka nagbibiro na naman. Subalit, mapapatunayan niya na seryoso na nga ito sa susunod nitong mga pahayag. "Tandang-tanda ko ang hinagpis mo noon dahil sa pagpanaw ng iyong ina. Ayon sa iyo, unang Pasko iyon na wala na ang nanay mo..." "Emma..." Bigla-bigla ay yumakap na si Asher nang mahigpit sa babaeng matagal na niyang iniibig pero tila ba biniro sila ng tadhana na magkalayo sa mahabang panahon. "Ang tagal kong hinintay na ikaw mismo ang makaalala sa akin," pigil sa pagluhang sinambit niya dahil sa umaapaw na tuwa. "Akala ko kasi, tuluyan mo na akong kinalimutan!" Tila ba bumalik sila sa panahon kung kailan mga kinse anyos lang sila na estudyante. Katatapos lang ng Christmas party ng klase ni Emma noon at uwian na, pero nagpasya muna siyang tumambay sa tuktok ng building. Tahimik kasi doon at mahangin kaya paborito niyang puntahan. Pasipol-sipol siyang naglakad-lakad doon habang nakikinig ng music mula sa cellphone. Subalit, naantala ang pagliliwaliw niya roon nang mapansin ma may binatilyong naroon din at tahimik na nakaupo lang sa covered area ng roofdeck. "Uy, narito ka rin pala!" Nagitla ang kapwa niya mag-aaral nang malaman ang presensiya niya. Sa lalim ng iniisip nito ay hindi na namalayang may kasama na pala sa lugar. "O-Oo, pero aalis na rin ako." Pinahid ni Asher ang basang mga pisngi at tumayo. Dinampot niya ang backpack at naghanda nang umalis dahil nahihiya rin siyang makita ng isang babae na ganoon ang kalagayan. Araw-araw man na pinapahirapan ng trauma ay ayaw din naman niyang magmukhang mahina at maging pabigat sa iba. Ganoon pa man ay sadyang hindi kayang magsinungaling ng mga mata niya. Hindi nga nakalagpas sa paningin ng dalaga ang sitwasyon niya. Patungo na sana siya sa may hagdanan upang lumisan pero hinarangan naman siya ni Emma. "Sandali! Parang ngayon lang kita nakita rito, ah! Transfer student ka ba?" "Oo, mag-iisang buwan na." Pilit siyang ngumiti at magmukhang masigla subalit nabigo pa rin siyang itago ang pagluluksa. "Excuse me, I had to go..." "Umiiyak ka ba?" may pag-aalalang pag-uusisa na ng dalagita. "Hindi, may sore eyes lang siguro ako," pagpapalusot niya pero patuloy naman ang pangingilid ng luha sa kanyang paningin. "Don't mind me..." "Parang hindi ka talaga OK. Kung gusto mo ng makakausap, makikinig ako." Panandaliang tinignan niya si Emma upang timbangin kung mapagkakatiwalaan ba. Dahil sa nangyaring trahedya ay natatakot na siyang magtiwala sa iba. Ganoon pa man ay tila ba dinidikta ng puso niya na mabuti naman ang kausap at hindi naman siya ipapahamak. Tuluyan nang pumatak ang mga luha sa pisngi ng binatilyong si Asher. Hindi na niya kayang kimkimin pa ang kalungkutan sa pagkawala ng mahal sa buhay. "My mom died three months ako, and this will be our first Christmas without her," paglalahad na niya sa napakabigat na pagsubok na hinaharap. "At kasalanan ko kung bakit siya nawala! Kung hindi sana ako nagpumilit na mamasyal sa probinsiya, hindi kami masusundan ng mga gustong kumidnap sa amin. 'Yun mismong drayber pa pala namin ang mastermind! Noong nagkaroon ng engkuwentro ang mga nagtangkang mag-abduct sa amin at mga pulis, naging casualty ang nanay ko. While trying to protect me and my little sister, natamaan siya ng ligaw na bala." Ang inakalang outing sa isang beach ay 'di inaasahan ni Asher na mauuwi sa trahedya. Ni-request niya iyon dahil ilang araw na ngang abala ang mga magulang sa negosyo at nais sana niyang magkasama-sama sila ulit. Kung inaakala ng nakararami na mapalad ang mayayamang bata o rich kids, ang totoo ay may disadvantage rin sila. Maliban sa kulang sa pansin sa mga magulang, sila rin ay at risk na i-abduct ng masasamang loob. Hindi nila inaasahan na ang empleyadong pinagkatawilaan at tintrato pa na kapamilya ay pagpaplanuhing kidnapin silang magkapatid. Nabigo man ang mga kriminal na makuha sila, nasakripisyo naman ang ina nila sa engkuwentro. Dahil doon ay natanim sa murang isip ni Asher na tila ba naging sumpa sa kanya ang karangyaan. Simula noon ay nais na lang niyang magsuot ng mga simpleng damit. Umiwas na siya sa pagbili ng branded at luxurious items at pinili na magmukhang karaniwan lang upang hindi na maging target ng mga kriminal at mas maging madali para sa kanya ang makihalubilo sa iba't ibang klase ng mga tao. "Oh, I'm so sorry!" Napatakip ng bibig si Emma dahil sa nalamang trahedya sa buhay ng ka-batchmate. Sa bata niyang isipan ay tunay nga naman na dagok sa buhay ang mawalan ng magulang lalo na at sa bayolenteng paraan pa. "Pero hindi mo kasalanan 'yun. Ang mga kriminal ang pumat@y sa nanay mo, at hindi mo rin iyon kagustuhan!" "'Yan din ang sinasabi ni Dad at ng therapist ko. Pinipilit mo na umayos mentally pero hirap na hirap ako. I can't sleep! I can't even think well! Hindi ko alam kung kakayanin ko ito! Sometimes I think that I'm gonna lose my mind! Pero kung susuko ako, paano naman ang kapatid ko? Pero pagod na pagod na ako, sa totoo lang!" Tinapik-tapik ni Emma ang balikat ni Asher upang kumalma na ito. Aminadadong hindi rin niya alam ang sasabihin dahil kung siya rin ang nasa sitwasyon nito ay baka hindi rin niya kayanin. Ang tanging magagawa nga lang niya ay ang makinig at dumamay. "Alam ko na wala ako sa lugar para sahihin ito, pero kailangan mo ngang magpakatatag," payo niya sa kausap. "Iiyak mo 'yan. Magluksa ka para sa iyong ina. Pero sana, maka-move on ka kaagad. Pihadong malulungkot din ang nanay mo kapag nalaman niya na nagkakaganyan ka." Tumango-tango naman si Asher sa advice niya. Kahit mabigat pa rin ang kalooban niya ay napangiti na rin siya dahil nakatagpo siya ng bagong kaibigan na higit pa sa ibang mayroon siya. May mga kabarkada rin naman siya pero napansin niya na sa tuwa at pagliliwaliw lang niya ito nakakasama pero kapag sa kalungkutan, unti-unti rin siyang iniwan. Mas nanaisin niya na makasama ang isang estranghera ngayon kaysa sa mga pekeng kaibigan niya. "Na-appreciate ko ito. Pasensiya na sa abala." "Hindi ito abala, my friend." Kinapa ni Emma ang bulsa ng bag at nilabas ang munting imahe ng sanggol na si Hesus. Inabot niya ang palad ni Asher at pinatong iyon doon. "Ang sabi ni mama ko, kapag daw nalulungkot o natatakot ako, hawakan ko raw si Baby Jesus. Tunay naman nga na kumakalma ako kaya ipapahiram ko muna ito sa iyo hanggang maging OK ka na..." Pinagmasdan ni Asher ang munting figurine na tila ba nagliliwanag pa kapag natapat sa araw. Pinagdaop niya ang mga palad at nang makita na luminous pa pala iyon sa dilim, nagningning na ang mga mata niya. "Ang galing!" pagpuri niya sa imahe. "Pahiram muna, ha!" "Oo naman!" "Salamat! Siguro, blessing ka nga ni Baby Jesus sa akin!" "Halika na nga!" pag-aya na ni Emma sa kasama. "Pumunta muna tayo sa chapel para mag-pray!" "Sige!" Binulsa na ni Asher ang figurine at sumunod sa dalagita sa pagpanaog. Habang nasa kalagitnaan ng hagdanan ay tila ba biglang umikot ang paningin niya. Akala niya ay dulot lang iyon ng hindi panananghalian kaya pinilit niyang isawalang-bahala ang pagkahilo. Subalit, kahit anong panlalaban niya ay nagdidilim na ang diwa niya. Sa ilang gabi na pagpupuyat, sa mga panahong nalilipasan ng gutom, at nagkahalo-halong stress at trauma, hindi na iyon kinaya ng katawan niya. Saktong pagkaapak niya sa huling baitang ng hagdanan ay napahandusay na siya. Tumama pa ang kanyang pisngi sa sementadong sahig kaya pumutok ang kanyang labi at nagdugo rin ang ilong. Impit na paghiyaw ang nagmula sa dalagita nang makita siyang nawalan ng malay at na-injure pa. "Uy...ano...ano! Naku, ano bang pangalan mo? Gising!" Pinagtatapik ni Emma si Asher sa braso pero nang mapansin na ayaw nitong magising ay nagtatakbo na siya patungong clinic at humingi ng saklolo sa school nurse. "Tulong! May nahimatay!" Lumapit din ang ilang mga guro sa kinaroroonan ni Asher upang masaklolohan ito. Nagtawag na rin ang mga ito ng emergency rescue sa katabing ospital upang mas mabigyan ng tamang lunas ang biglaang pagkawala ng malay ng estudyante. Alalang-alala na pinagmasdan ni Emma ang binatilyo na naka-stretcher. Dahil sa mga guro at ilang mga nakikiusyong estudyante rin ay hindi na niya nagawang lumapit pa. Tulirong hinatid na lang niya ng tingin ang ambulansiya habang palayo ito nang palayo sa kinaroroonan niya. "Sana ay maging OK siya at magkita kami ulit..." Napag-alaman na overfatigue at anemia ang naging dahilan ng pagkahimatay ni Asher. Hindi na siya hinayaan ng ama na makapasok pa sa nasabing eskuwelahan pagkatapos ng Christmas vacation. Pinalipas lang nito ang holidays at hinatid na si Asher at ang nakababatang kapatid nito sa United Kingdom upang doon na manirahan at magpatuloy ng pag-aaral. Pagkatapos ng bakasyon ay hindi na nakita pa ni Emma si Asher na kahit pangalan man lang ay hindi niya nalaman. Dala na rin ng pagiging batang-isip pa ay hindi na rin niya pinagtuunan pa ng pansin ang pangyayaring iyon. Lumipas ang panahon at naging ganap na silang binata at dalaga. Nagkaroon na ng sari-sariling karera at mga taong nakarelasyon pero parehong hindi nagtagal. Ang naging boyfriend dati ni Emma ay isang medical student na pangarap maging surgeon. Akala niya ay sila na ang magkakatuluyan pero noong magdesisyon siyang mag-resign sa pagiging nurse at magnegosyo na lang ng karinderya, ikinahiya siya nito at hiniwalayan. Dahil doon ay naging mas pihikan na siya sa lahat ng manliligaw dahil ayaw na niyang makatagpo ulit ng lalaking hindi siya kayang suportahan sa pangarap niyang magkaroon ng malaking restaurant. Si Asher naman ay nagkaroon din ng nobyang British na nagmula rin sa mayamang angkan. Dahil sa magkaibang kultura at pagiging istrikto ng babae sa pag-aktong alta de sociedad, hindi nito kayang sakyan ang sense of humor niya at pamamaraan ng panunuyo. Na-misunderstand nito ang pagiging sweet at childlike ni Asher bilang signs of immaturity at walang pangarap sa buhay kaya nakipaghiwalay rin ito. Nang pauwiin na ng ama sa Pilipinas upang mag-take over na siya as CEO ng Global Smartlines Communications, tila ba ang tadhana na ang naglapit sa kanya muli kay Emma. Unang araw niya sa kumpanya at patungo na siya sa building na pag-aari ng pamilya niya subalit naabutan naman siya ng trapik. Dalawang oras na siyang nasa daan kaya ihing-ihi na siya. Malas pa na wala man lang fastfood na malapit kung saan sana puwede siyang magbanyo nang madalian. "Baba kaya muna ako?" tahimik na pag-aanalisa niya habang tinitignan ang posibleng pagkublian upang makaihi. Naisip pa niya na baka puwedeng sumaglit na sa likod ng isang kalawanging bus kung saan may iilang drayber din na umiihi na. "Kaya lang alangan kasi naka-suit pa ako! Kainis! Ngayon pa talaga hindi makikisama ang pantog ko! Sana naman, may makita akong kainan kung saan puwedeng maki-CR!" Marahil ay nakinig ang langit sa kanya sapagkat sakto na pagtawid niya sa kasunod na kanto ay tumambad na ang samu't saring mga tindahan at kainan. Paglingon sa kanan ay natanaw na niya ang munting kainan na may karatulang "Emma's Beef Pares House." "Iiwan ko muna ang sasakyan. Makikiihi na talaga ako riyan! Sa malamang, mahahabol ko pa ito kasi sobrang trapik!" Mabilisan niyang nilisan muna ang mamahaling sportscar at halos patakbong pumasok sa karinderya. "'P're, puwede bang maki-CR muna?" habol ang hiningang pagtatanong niya sa lalaking napagkamalan niyang tauhan doon pero nakikitambay lang pala. "Sige," mabilis na pagpayag naman nito at tinuro pa ang banyo. "Doon sa dulo!" Pagkalabas ng kainan ay sumakto na napadaan ang padyak kung saan nakasakay si Emma. Ramdam niya na tila ba nag-slow motion ang eksena at lumaktaw ang pagtibok ng kanyang puso nang makita muli ang ka-batchmate. Huminto ang dalaga sa tapat ng karinderya at hinakot ang mga pinamili sa palengke. Wala itong kaalam-alam na isang bilyonaryong CEO na pala ang naakit ng kanyang karisma. "Siya nga ang nakilala ko sa roofdeck ng school. Hinding-hindi ako magkakamali!" Dahil sa labis na pagkamanghang makikita muli si Emma, hindi na niya namalayang pinalilibutan na pala ng traffic enforcers ang kotse niya. Umusad na kasi ang trapik at naiwan sa gitna ng kalsada ang sasakyan niya kaya malala ang naging violation niya. Sa unang araw bilang CEO ay mato-tow pala ang sasakyan niya at mako-confiscate pa ang driver's license. Nakaporma man mula ulo hanggang paa, nakiangkas na lang siya sa motor ng isang food delivery driver upang hindi ma-late sa opisina. Patawa-tawang nakiusap siya na i-deliver siya nito sa office na mainit-init at fresh pa. Ganoon pa man ay hindi na niya naisip ang kamalasang natamo dahil natagpuan niya ang kinukunsidera niyang first love. Kinabukasan ay nagtanong-tanong na siya sa mga naroon kung sino nga ba ang dalaga. Nang mapag-alamang wala pa itong asawa at boyfriend, nagdesisyon na siyang suyuin ito. Doon na nagsimula ang halos araw-araw niyang pagtambay at pag-order ng beef pares at siopao. At ngayon nga ay nakatayo sila muli sa roofdeck kung saan sila unang nagkita ni Emma. Hangad ni Asher na sana'y maging parte na siya ulit ng alaala ng dalaga at bigyan ng pagkakataon na ituloy ang naudlot niyang pag-ibig para dito. "Patawad, Asher, at panandalian kang naisantabi sa aking alaala," paghingi ni Emma ng dispensa dahil sa mahigit isang taon na panunuyo nito ay hindi man niya nakilala. Marahan niyang hinawakan ang binata sa magkabilang mga pisngi at puno ng pagsintang tumitig sa mga mata nito. "Pero naalala na kita. Promise, totoo na ito, at hindi ako nagbibiro..." -ITUTULOY-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD